"Hoy girl, ngiting ngiti? Ano baliw lang?" Siniko ni Marvin si Collen. "Wala, hayyy.. Ganoon pala ang feeling kapag may iyong crush na crush mo nakasama mo ng mahabang oras. Hays... " At ngumiti si Collen nilagay pa nito ang kanyang mga kamay sa kanyang baba. "Kasama ka ni Sean kanina? Saan?" tanong ni Marvin at bahagya pa sinunondot sa tagaliran si Collen. "Oo, sinama niya ako sa kanyang business meeting at kumain pa kami sa labas," tugon ni Collen habang hindi mawala wala ang ngiti. "Wow! Talaga lang ha. At for the first time may sinama siyang employees sa kanyang business meeting. At ikaw pa talaga! Wow, as in wow! At saka sabi mo kumain kayo pa kayo sa labas?" Muli siyang siniko ni Marvin. Tango tango naman ang naging tugon ni Collen dito habang nakangiti. "Alam mo napapais

