CHAPTER 11

1081 Words
Deanna Point of View Hala! Bakit sila magkasama? Ay diba bisexual si Jema? Baka sila. #Lovewin Hay na ko! Napaka-issue talaga ng mga tao. Isipin ba naman na may namamagitan samin ni Jema. Jusmiyo marimar! "Uy Deanna!" Napatingin ako sa aking likod, tumatakbo si Ponggay. "What?" "What ka diyan! May kumakalat na pictures niyo ni Jema, trending kayo sa epris." "I know." "Nagkakagulo ang fans niyo ni Ricci." "What do you want me to do?" "Edi ayusin mo, maba-bash kana naman. Hindi pa nga tapos yung pambabash sayo nung last game natin." She said. "Bahala na. Sige na baka nasa dorm na si Luigi." Pagkarating ko sa harap ng dorm, nakita ko agad si Luigi. Naglalaro ito ng mobile legends. "Gi, let's go na." "Five minutes." Tumango nalang ako. After five minutes ay umalis na rin kami, tumungo kami sa moa arena. Ngayon kasi finals, feu vs la salle. Pero before the game, mag-awarding muna and kasali ako 'ron. SEASON 80 BEST SETTER "Yiee! Best setter." Paulit-ulit na sabi ni Gi habang nagdadrive. Napailing nalang ako. Hay, parang baliw. HAHAHA! ^ Fast Forward ^ "Congrats, Deans." I hugged ate Jia. "Thanks, ate Ji." Napatingin ako sa likod ni ate Jia. "Oh Hi, Jema." "Hello. Congrats, Deans." "Thanks." Bumeso ako rito. "Anong ginagawa mo rito?" "Sinama ko siya, Deans. Cancel kasi training namin." Ate Jia said. "Ah kaya pala. Saan tayo kakain, ate?" "Kahit saan. Teka, where's Luigi?" "Umalis na, may emergency raw eh." "Ah gano'n ba? Tara na, gutom na ko eh." Tumango lang ako. Lumabas na kami sa moa arena, kay ate Jia ako sumabay patungo sa favorite restaurant niya. Saan pa nga ba? Edi sa restaurant nila kuya Kiefer at ate Ly. Libre kasi kapag doon kami kumakain. HAHAHAH! Eh si ate Jia, always kuripot. "Kailan uwi mo sa cebu?" "Taga cebu ka?" Jema asked. "Yeah." Kumuha ako ng cake at nilagay sa small plates. "Why?" "Hindi kasi halata, akala ko galing ka sa ibang bansa." "Hay na ko, Jema. Hindi mo talaga kilala si Deanna." Ate Jia said. "I know her pero sa pangalan lang naman kasi 'yun. Hindi naman ako pala social media eh." "It's okay. Unti lang naman talaga ang nakakikilala sakin." Saad ko. "Sikat ka kaya, ikaw lang 'tong humble." "Ngayon lang ako naging sikat sa social media. Kung hindi pa ko naglaro as a main setter, hindi puputok ang name ko sa twitter." "Wait, bakit pala may kumakalat na pictures na magkasama kayo?" Tanong ni ate Jia. Naubo naman ako. "Sorry." I drink the water. "Ops! Mukhang may tinatago kayo sa'kin dalawa, Jema." "Naku ate Jia, wala kaming tinatago sayo. Actually si Deanna gusto makipag-kaibigan sa'kin. Sino naman ako para tumanggi, diba?" Explain ni Jema. Napatingin sa'kin si ate Jia. "Makipag-kaibigan talaga, Deans?" "Yeah, I want her to be my friend." "Sure? Bakit parang iba 'yung sinasabi ng mata mo?" "Issue ka, ate Jia." Saad ni Jema. Napaismid nalang ako. Walang pinagbago, mapang-asar talaga siya. "Oh, bakit namumula kayong dalawa? Hm . . Parang may naaamoy ako." "Amoy pagkain, ate Jia." I said. "Nope, amoy may something sa inyo ni Jema." Pakiramdam ko nag-init yung buong paligid dahil sa sinabi ni ate Jia. Takte! Bakit ganito yung nararamdaman ko?! ⊙﹏⊙ Jema Point of View Napatingin ako kay Deanna na pulang-pula ang mukha. Bakit namumula siya? Hindi naman mainit ah, ang lamig nga eh. Don't tell me kinikilig siya? ^_^ HAHAHAHAH! Sinalinan ko ng tubig ang kanyang baso. "Pulang-pula ka, inom ka muna ng tubig." "My gosh, Deans! Si Jema lang pala ang magpapakilig sayo ulit." Asar ni ate Jia rito. "Ate Jia naman." Nag-pout si Deanna kaya umiwas ako ng tingin. Gosh! Ako naman ata mamumula. Ano bang mayron at ganito ang mga nararamdaman namin? "Ops! Namumula kana rin, Jema. May mabubuo atang pag-ibig sa pagitan niyo." "Ate Jia, stop na. Please?" She laughed and stood up. "Cr lang ako, usap muna kayo lovers." Napailing nalang ako at tiningnan si Deanna. "Sorry." "It's okay. By the way, Jema. May pupuntahan ka ba after nito?" "Wala naman, why? Yayayain mo ko gumala?" She nodded. "Yeah, busy kasi yung mga ka teammates ko. Ang lungkot sa dorm, mag-isa lang." "Sure. Ako rin naman malungkot sa apartment." I smiled. "Gusto mo punta tayo ng antipolo? Tutal linggo ngayon, pwede tayo mag-simba 'ron." "Sure." Maya't-maya bumalik na si ate Jia. "Guys, I need to go Miguel's house. He's sick." "Sige, ate Jia. Ingat ka." "Bawi ako sayo next time, Deans." Nag-goodbye na ito samin. After a few minutes ay umalis na rin kami ni Deanna, mabuti nalang at hindi traffic kaya saglit lang ang byahe. "Katoliko ka ba, Deanna?" I asked habang papasok kami sa church. "Uhm . . Yeah." Naupo kami sa harap. Dahil maraming tao ay dikit na dikit kami sa isa't isa. "Peace be with you." "Also with you." She said. Ba't gano'n yung voice niya? Parang anghel pati face niya parang anghel din. Tao ba talaga 'to? Charot! HAHAHAHAH! Nang matapos ang misa ay tumungo kami sa cloud 9. "Deans, tara——Bakit namumutla ka?" "Sigurado ka b-bang m-matibay yang bridge?" I laughed. "Ano ka ba! Safe yan, tara na." Hinila ko ito. "Wait, wait!" I looked at her. "Hey, trust me. Safe yan, hindi kita ipapahamak at sasaktan." Ay shet! Parang may ibang meaning yung sinabi ko. HAHAHAH! "Promise?" Parang bata naman 'to. "Promise." Hawak-hawak ko siya sa kamay habang tumatawid kami. "Relax." I whispered. Nanginginig kasi ito, baka himatayin pa ata. HAHAHAHA! "Hay, salamat!" She said. I laughed, grabe ilang minuto rin siya nanginig. Actually natagalan nga kami dahil nung nasa gitna na kami ay tumigil ito. Feeling niya raw kasi masisira yung bridge, maiiyak pa nga dapat. HAHAHAH! "Oh inom ka muna." I said at inabot sa kanya ang bottled water. "Gano'n ulit mamaya pabalik." "Grabe yun, hindi na ko uulit. Makauwi lang ako, never na ko babalik dito." "Ang saya kaya." "Siguro ikaw, ako halos mamatay na." "HAHAHAH! Tama na yan, picturan mo ko 'ron." Sabay turo 'ron sa may malaking statue. "Ayan, ang ganda ko talaga 'no?" "Feeling." Sabay irap niya. "Ikaw naman picturan ko." Nag-pose naman ito. "Yay! Ang cute mo, Deanna." Namula naman ito. "HAHAHAH! You're blushing again, Deans. Tell me, type mo ba ko?" "Asa ka." She pinched my cheeks. "Ang ganda mo pala talaga, feeling ka nga lang. HAHAHAH!" "Aba't yari ka sa'kin!" She ran so hinabol ko siya. Naghabulan kami hanggang sa napagod. Ang saya. Mas masaya itong araw na'to kaysa nung una.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD