Jema Point of View
Nandito na ko ngayon. Actually i'm late because of Mafe, mabuti nga at sinundo ako ni ate Ly.
Yung car ko kasi marumi kaya hindi ko muna nilabas, pinalinis ko kay Mafe at Cy. "Hi, Jem."
"Hi." I said shyly.
"Don't be shy, ang cute mo talaga." He said and laughed. "By the way I'm Thirdy." Nilahad nito ang kanyang kanang kamay. "Baka kasi hindi mo ko kilala."
Tinanggap ko naman ito. "Nah, kilala kita. Sikat ka kaya."
"Naku hindi naman."
"Humble." I smirked.
"By the way, Jem. Do you have a boyfriend?"
"My last boyfriend was in high school." I smiled. "Wait, why did you ask?"
Tumawa ito bago bumulong sa aking tainga. "Deanna has a crush on you." Natulala naman ako sa sinabi nito at bago pa ko makapag-salita ay wala na ito.
Is he drunk?
"Hey, Jema! Let's dance." Aya sa'kin ni Kyla at hinila ako patungo sa gitna.
Sumayaw lang kami nang sumayaw hanggang sa hinatak niya na ulit ako paupo. "Pagod ka 'no?"
"Actually nahihilo na ko."
Kumuha naman ako ng tubig at inabot sa kanya. "Inumin mo."
Maya't-maya nagsimula na ang speech for coach Tai. Karamihan sa current lady eagles ay naiiyak habang nagsasalita.
Syempre hindi biro yun, halos four years din nila naging coach si coach Tai at nakasama sa kasiyahan.
Pero wala eh . .
Gano'n talaga, walang permanent sa mundo.
May darating . . . At may aalis.
"Hi, Jema." Napa-angat ako.
"Oh! Hello, Deans."
She smiled at naupo sa aking tabi. "Do you enjoy the party?"
"Yeah, it's very nice."
May tinanong pa ito at sinasagot ko naman. Maya't-maya napatingin ako sa mata niya, nakatingin din pala ito.
Hindi ko maiwasan hindi mailang dahil sa binibigay niyang tingin sa'kin.
Parang ano . . .
Basta . . Ano!
"Uhm . . Jema, p-pwede ba kita ma-aya l-lumabas?" She asked shyly.
Naramdaman ko naman na namula ako kahit hindi ko nakikita, mabuti nalang medyo madilim sa kinauupuan namin.
"Para san naman?"
She smiled. "I want to be your friend."
"Sure." Nilahad ko ang aking kamay. "Friends?"
Aabutin niya naman sana kaso biglang dumating si ate Jia. "Oh, bakit nandito kayo? Let's dance!" Sabay hila niya samin dalawa ni Deanna.
Medyo hilo na rin ako kaya nagpahatak nalang ako kay ate Jia. Ang kulit niya pala talaga kapag lasing.
^ Fast Forward ^
Palabas na sana ako nang biglang may humatak sa'kin at dalhin ako sa gilid. "Ano——Deans?"
"Yeah. Sorry if I scared you."
"Kinabahan ako 'ron." Tinapik ko ang kanyang balikat. "What do you want, ms. Wong?"
"Gusto ko lang sabihin na friends na tayo, bigla kasing umepal si ate Jia kanina kaya hindi ako nakapag-agree sayo."
I laughed. "Ah yun lang pala. Okay, friends na tayo."
"Thanks. Okay, you can go home. I'll text you later." She said and smiled.
Napaka-lapad nang ngiti nito, para siyang bata na binigyan ng laruan. "Bye, my new friend. See you soon."
Tumalikod na ko at naglakad na palabas. Nag-grab nalang ako dahil hindi na ko maihahatid ni ate Jia, lasing na kasi.
Baka maaksidente pa kung ihahatid niya pa ko.
Deanna Point of View
Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan palabas si Jema. Aalis na rin sana ako nang biglang may umakbay sa'kin.
"Wala raw gusto pero kung makatitig, wagas."
"Issue ka, kuya." I raised my eyebrow. "I like her as a friend."
"Oh sure? Baka next week malaman kong kayo na ni Queen Falcon."
"Ah!" I punched his arm. "Umuwi kana nga. Ang dami mong alam, kuya."
"HAHAHAH! Pikon." Ginulo nito ang buhok ko. "Alis na ko, bye." Naglakad na ito palabas pero nakatingin sakin at nakangisi pa.
Argh!
Issue niya.
Kung wala lang si ate Jho baka inasar ko sa kanya si ate Bei. Tsk!
^ One Week Later . . . ^
Katatapos lang ng class ko nang maisipan ko i-text si Jema. Free day niya kaya ngayon?
I hope.
'Hi my new friend, can we meet today?'
"Hey babe!" I looked at my back. "How are you? I missed you."
"I'm fine, babe. I missed you too. What are you doing here?"
"I have class on building 3, how about you?"
"I'm going to BEG for training."
Pero charot charot lang yun. HAHAHAHAH!
"Oh okay, babe. See you soon, bye." He kissed my cheek before he went to his class.
Papunta na ko sa BEG nang makatanggap ako ng reply galing kay Jema.
'Sure, ms. Wong. Saan ba?'
One week na ang nakalipas at sa one week na yun ay hindi ko pa rin na-aaya lumabas si Jema kaya ngayon ko siya ina-aya.
Mabuti nalang free day niya.
'Let's meet at the UPTC.'
'Okay, give me 20 minutes.'
Hindi na ko nag-reply pa. Nag-grab ako papunta sa UPTC, halos fifteen minutes din ako dahil na-stock sa traffic.
'I'm here at starbucks.'
Umorder muna ako ng coffee habang nag-aantay sa kanya. Maya't-maya tumunog ang door, it means may pumasok kaya tumingin ako.
Takte!
Ang ganda naman niya.
Tsk! Nagiging slow motion na naman.
"Hi. Late ba ko?" She sat in front of me.
"Hindi naman. Sakto lang."
She smiled. "Order na tayo."
Shit!
Para akong matutunaw sa ngiti niya. Bat gano'n?!
Kumain muna kami bago nag-decide maglibot-libot. "Hey, cine nalang tayo."
"Sure basta treat mo."
"Okay, Queen." Pumila ako habang siya ay nakaupo lang. Bumili ako ng ticket para samin dalawa pati foods at drinks. "Tara na sa loob."
"What's movie?"
"Friends."
"Oh . . I like the movie."
^ Fast Forward ^
It's 7 o'clock pm but kasama ko pa rin siya, kumakain kami ngayon ng dinner dito sa Espanya.
"Do you have a boyfriend, Deans?" Muntik ko na maluwa ang pagkain na nasa bibig ko dahil sa sinabi nito. "Ops! Nabigla ata kita." She laughed.
"I don't have a boyfriend, ms. Galanza." I drink the water. "Why did you ask?"
"Uhm . . Kasi nung kasama ka namin nila Kyla, may katawagan ka at hindi ko naman sinasadya na marinig yung tawag mo 'ron sa tao."
I laughed. "It's okay. Actually si babe si Ron Medalla, he's my friend. Babe talaga ang call sign namin since 2016 pa."
"Wow. Ang sweet niyo naman pala."
"Yeah but best friend lang kami, hindi na hihigit 'yun."
"Why?"
I smiled. "Hindi kasi ako ang tipo niya at hindi rin siya ang tipo ko sa lalaki."
"Oh, are you bi?"
"Yeah."
Sabay ngiti nang malapad and I winked at her.