Ivan Denise' POV
Ngayon, nandito na ako sa mall. Marami-rami na din akong na grocery. Sa pagpipili ng iba pang bibilhin hindi ko namalayan na may nakasalubong na pala akong tao. Kaya natumba ako. Buti nalang cart yung napili ko at hindi basket.. Kung pa basket pa ito, siguradong mahuhulog ang mga bibilhin ko.
"Oyy sorry miss" ani ng isang lalake. Parang pamilyar yung boses nya.. Parang narinig ko na ito before. Dahil sa kyuryusidad, tumingin ako sa lalake at laking gulat ko na si Mark ito.. Si Mark Anthony Suares. My ultimate crush noon na ngayon ay isang sikat na modelo sa loob at labas ng bansa. My God.
"Ahh okay lang" sagot ko naman sa kanya. Napatingin naman siya sa mukha ko na para bang may iniisip. Ano kayang iniisip nito?
"Are you Ivan Denise?" Tanong nya sa akin na ikinalaki ng mata ko at kasabay ng pagpintig ng puso ko ng mabilis.. Ano bang nangyayari sa akin? Kilala nya ako? Mabilis na man akong tumango sa kanya
"Kilala mo pa ako?" Tanong ko sa kanya. Mabilis na man siyang tumango at sumagot..
"Oo na man. Sino bang hindi makakakilala sayo hindi ba? Sa ganda mong iyan. So kamusta ka na?" Kahit kailan bolero talaga ito si Anthony. Nasabi ko ba sa inyo na close kami before? Nagpapatutor kasi sya sa akin dati eh..
"Ahhm okay lang.. Ikaw? Sikat na sikat ka na ah!"
"Hahaha eto okay lang.. Naghihintay parin sayo."
"Hahaha baliww ka talaga."
"so may boyfriend ka na?" tanong nya sa akin.
"Wala" sagot ko naman sa kanya na ikinangisi nya ng malaki. " wala dahil may asawa na ako." Dugtong ko sa kanya na ikinawala ng kanyang malaking ngisi..
"Anooo? May asawa ka na?" Tanong nya.. Nabigla sya sa rebelasyon ko sa kanya..
"Oo"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nandito kami ngayon ni Mark sa isang mamahaling restaurant. Sinabihan ko syang pwede naman kaming kumain sa mga Fastfood pero hindi talaga siya pumayag.
"So tell me who's that lucky man?" out of nowhere he asked. Mapapalaban talaga tayo sa Englishan neto. Hayy
"hmm Si Lance Aron Dinh" sagot ko naman sa kanya. Lumaki naman ang mga mata nya at hindi ko inaasahan na sisigaw siya..
"Anoooo? Si Lance?" pasigaw nyang tanong sa akin.. I knew that Lance and Mark were not in good terms. Noon pa iyan. College pa kami.. Akala ko ba okay na sila? Sa pag-aakala ko kasi nagkasundo na sila pagkatapos ng graduation. "s**t! Ang kalaban ko pa talaga? Tang Ina" dagdag pa niyang ani pero di ko na narinig ang huli nyang sinabi dahil di nya nilakasan.
"Ano Mark?" Tanong ko sa kanya. Pero umiling-iling lang siya.
"Wala... Never mind." Sagot ko naman sa kanya. " so how's your married life?"
Napahinto naman ako sa pagkain dahil sa tanong nya. Ewan ko pero parang lumabas sa paningin ko lahat mga ginagawa niya. At kusang nakipaglabasan ang mga luha ko.
"Hey? Why are you crying?" tanong niya sa akin pero iyak pa rin ako ng iyak.. Pumunta na sya sa inuupuan ko at agad akong yinakap. Ewan ko pero sa pag yakap niya sa akin parang may anong naramdaman ako sa aking puso. "Shh stop crying Ivan. I hate seeing you crying" pag-aalo niya sa akin sabay pag haplos sa likod ko..
"So tell me what happened to you earlier? Why are you cried?" Tanong nya naman sa akin. Ngayon, tapos na akong umiyak at si Mark naman titig na titig sa akin..
.
.
.
.
.
.
Sinabihan ko siya sa lahat na ginagawa ni Lance sa akin. Lahat lahat ng ginagawa ng asawa ko sa akin. At si Mark naman sobrang nagalit. Parang gustong patayin si Lance hahaha..
"Eh gago pala yang asawa mo eh.. Bakit di mo hiwalayan? Marami namang mas better dyan.. " ani niya.. Tumango lang ako. "Pwedeng nasa harapan mo lang" dagdag pa niya. Natawa ako sa huling sinabi niya.
"hahaha.. Baliw ka talaga Mark.." sagot ko na man sakanya. Hindi ako maniniwala sa kanya kasi chicksboy din ito eh at higit sa Lahat straight pa to sa ruler hahaha..
Di namin namalayan ang oras at alas singko na pala.. Natagalan kami dahil pagkatapos naming kumain kanina nag-aya pa siyang mamasyal at mag enjoy daw muna ako.. Yun naman talaga ang pakay ko. Ang mag ENJOY kaya pumayag na ako.. Pagkatapos naming mag mall, namasyal pa kami sa malapit na park. Marami rin kaming nakuhang mga teddy bears sa mall. May mga pictures rin kami, ako. Pagkakitang-pagkakita ko talaga sa picture naming dalawa ay nagulat ako. Nagkayakapan kasi kami at may mga nagtatawanan. Sobrang saya ko ngayon.. Sobra sobra..
Salamat Mark. (^.^)
Bago pa daw ako uuwi kakain pa daw muna kami.. Hay Sobrang saya ko ngayon. Parang nakalimutan ko pansamantala ang Asawa ko. Ayy oo nga pala.. Kailangan ko ng umuwi.
"Mark.. Uwi na ako ha?" Ani ko sa kanya.
" Ahm Gabi na din, Hatid na kita?" Sagot nya naman sa akin.
Hindi nako umangal pa total gabi na din. Baka hinahanap na ako ng asawa ko. 'Hindi ka hahanapin nun'
Kaya nang malapit na kami may naanigan akong isang bulto ng lalake. Di ako nagkakamali. Si Lance ito. Mataas, Malaki. Basta, lalaking-lalaki.
"Oyy Mark, dito na ako. Nandyan na asawa ko" sabi ko kay Mark kaya hininto naman niya ang kotse. Bumaba naman ako at ang hindi ko inaasahan bumaba rin siya. "Bye Mark.. Thank you." Ani ko at dali-daling umalis. Si Mark na man, Ngumiti pa at kumaway.. Kumaway naman ako pabalik. Pagka tanaw ko ulit sa kanya sumakay na siya at umalis na. Patuloy lang ako sa paglalakad ng narinig ko siyang may sinabi.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Saan kayo nanggaling?" Tanong niya sakin na galit na galit. Nakaramdam naman ako ng kaba ng nag umpisa na siyang lumapit sa akin. Galit na galit talaga Si Lance. Bakit ba sya nagagalit? Wala naman siyang paki sa akin hindi ba?
"SAAN KAYO NANGGALING? PUTANG INA?" dagdag pa na sigaw nya sa akin. Tumaas naman ang mga balhibo ko at tumingin sa mga mata niya na galit na galit na para bang kakainin ako ng buhay.