Alex's POV
Makalipas ang limang buwan ay wala na akong ginawa kung hindi mag-forum nang mag-forum. Nakakatulong nga naman kasi sa pagkalimot ko kay Mae at natutuwa ako sa mga nauuto ko at sa mga napapagtripan ko.
Ang dami nilang uto-uto.
Ganoon pa rin, palagi akong ipinagtatanggol ng Zoro na 'yon. Halos araw-araw ay magkausap kami sa private message ng forum.
Natutuwa rin si kuya Melo kasi medyo nagiging okay na ang English ko, hindi katulad ng dati na palagi akong inaaway sa forum website dahil sa baluktot kong English.
Hanggang sa naging best friend ko na si Zoro kasi naging open na siya sa akin.
Zoro: You know what, I feel like my girlfriend is cheating on me. I think she likes another man from another school.
Ako: Oh really? Maybe because you're a pervert. Manyak! You keep joking green that's why she hates you.
Zoro: No, that's not a big deal. In fact. I took her virginity.
Ako: So what, why you brag? Anyone who brags like that in us is also a virgin ahahah
Zoro: No! I'm not. I am just pihikan you know. You? Are you still virgin?
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya nagsinungaling na lang ako.
Alex: Of course not.
Zoro: How many exes do you have? You're so pretty.
Ako: Why you ask? That's confidential.
Zoro: You even wear bikini but no boyfriend since birth?
Ako: Do you want to know the truth? I am a boy.
Nagsinungaling ako para huwag na akong kulitin pa niya.
Zoro: hahahahah
Ako: What's funny?
Zoro: Whatever you tell. I know you're a girl. You're scared of green jokes and I know you're still a virgin. But I believe you are using the correct photos of yours.
Nainis ako dahil parang nababasa niya ang isip ko at alam na alam niya. Hirap niyang takasan.
Alex: Okay, I eat dinner and good bye pervert
Zoro: hahahahah
Kaagad kong iniwan ang conversatin namin. Kahit kailan talaga ang lalaki na 'yon parang kakaiba siya at napakagaan ng loob ko sa kaniya. Parang kilalang-kilala niya ako.
~~~
Third Person's POV
Biglang binatukan ni Alex si Melo. "Kuya, ikaw si Zoro 'no?! Tino-troll mo ko 'no?" ani ni Alex.
"Aray! Bakit ako? Check mo pa buong history ng mga PC na nagamit ko," galit na sagot ni Melo. Bigla namang dumating ang kuya Delo nila.
"Oh, ano na nangyayari sa shop natin?" tanong nito.
"Good pa rin, Kuya," sagot ni Alex kasabay nang biglang pagpasok ng napakagandang babae.
Alex's POV
Tila nabighani ako sa kasama ni kuya Delo na babaeng napakaganda. Mahaba ang buhok, sexy, mataas ang pilik mata, may lipstick pero walang hiya sa katawan.
"Siya nga pala, mga kapatid ko, Veronica. Ito si Alex at Melo. Siya pala 'yong model sa salon natin na isang freelance model at sikat na internet celebrity," pakilala ni kuya Delo.
Ang daming nabighani sa ganda ni Veronica na mga batang lalaki sa loob ng computer shop na tila nakakita ng anghel, lalo na ako. Umandar na naman ang pagkatibo ko lalo na noong nakipag-shake hands siya sa akin. Ang lakas pa ng pabango.
Simula noon, panandalian ulit akong nagpaalam sa anime forum website at sinabi ang katotohanan na poser lang ako at huwag tularan; na friend ko lang ang ginagamit ko. Hindi ko na binanggit na ex-girlfriend ko iyong ginagamit kong litrato.
Mahirap nang iwanan si Zoro dahil sa araw-gabi naming pag-uusap sa loob ng siyam na buwan ay sinabi ko na ang totoo sa kaniya.
Zoro: Really? That's not you?
Ako: Yes! I told you I'm a troll. Why you keep trusting me that you keep saying Im beautiful like you saw me in person? Ha?
Zoro: I don't know. I just think I'm starting to like you.
Ako: I am sorry but I will be busy in real life. I have to go. Not forever, we spend time in internet. Its bad for the health. This is just my playground. Nilalaro ko lang kayo. Don't be like the rest na uto-uto.
Zoro: But why did you use your friend's picture? Can you show me your real picture?
Ako: I told you I am a boy!
Nag-send ako ng picture ni Steve.
Zoro: I know that's not you! Give me a fan sign if that's you.
Ako: Ok wait.
Kaagad kong ipinahawak si Steve ng may fan sign.
Ako: See that?
Zoro: But that is a kid, and look, that's your hand touching him. That kid is dark and that hand is a hand of a girl?
Medyo nabuking ako ro'n kaya nag-offline na lang ako at hindi ko na siya ni-reply-an pa kasi ang kulit-kulit.
Pinipigilan ako ni kuya Melo na huwag iwanan ang internet anime forum website dahil sa pa-graphic design niya, pero talagang tumitibok-t***k ang puso ko kay Veronica. Nasobrahan ako ng love at first sight.
Hindi ko rin akalain na si Veronica ang tipo, ay mga babae rin, kaya nagkalapit ang loob namin at sinagot niya kaagad ako nang mabilisan.
Hanggang sa isang araw habang nag-i-internet siya sa computer shop ay tinawag niya ako, "Babe, come here!" Hinalikan niya ang pisngi ko; kinilig naman ako nang sobra at namula.
"I want you to create a f*******: account for me para gamitin mo as an admin sa fan page ko," sabi niya.
"Huh? Why?" tanong ko.
"Because I am an internet celebrity. Let me show you how many followers I have." Ipinakita niya sa akin ang five thousand followers niya. "I need my followers to reach 10K para rin sa business. More followers, kikita pa ako sa google ads," paliwanang niya.
Wala rin akong nagawa kung hindi ang gumawa na lang ng account niya sa f*******:.
Napakasaya kong tomboy. Ako yata ang pinakasuwerteng t-bird kasi ang bait-bait niya at nakakakilig pa. Ang ganda niya, iyong tipo na naiinis ako na sana naging lalaki na lang ako. Marami ring inggit sa akin sa suitor niya kasi sa dinami-rami ng nanliligaw sa kaniya ay sa tomboy pa siya nauwi.
Natuwa rin si kuya Delo dahil lumalakas ang kita ng salon dahil sa kaniya, pero si kuya Melo ay ayon pa rin, tutok pa rin sa pagf-forum sa internet, pero may kinikita naman siya kaya hindi malaking kawalan.
Hanggang lumipas na ang isang taon.
Isang araw hindi ako nakapag-log out sa account na gawa ko kay Veronica at nakapag-comment ako sa f*******: fan page mismo ng anime website forum na kinabibilangan ko.
Nakatatawa pa dahil parang na-miss ako ng mga tao roon. Isang post ko pa lang ay parang kilalang-kilala na nila ako dahil daw sa grammatically incorrect ang mga post ko kaya alam nilang ako 'yon.
Hanggang sa may nag-message sa akin na nagngangalang Danilo Agustin Lander.
Danilo: Hey ganda! I know that's you, Alex. I missed you.
Sabi niya sa sss messenger pagkatapos kong i-check ang filtered message ko.
Ako:
Why do you say that?
Danilo: I know this is your original account. Finally found it and now we're not texting anymore. We're chatting.
Ako: Zoro is that you?
Danilo: I knew you missed me. Yes, It's your long lost virtual internet friend. Hehehe, ganda ganda mo.
Ako: Do you want me to block you?
Chat ko. Naiinis na nagagalak na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Danilo: No pls. Don't do that, so when will you start posting your new threads? I swear I missed my best friend.
Ako: So that's your real name huh?
Danilo: Yes, how about you? Your real name is Veronica?
Kaagad kong pinalitan ang pangalan ko sa real name ko na Alex sa account ni Veronica. Wala namang pakialam si Veronica. Importante sa kaniya iyong fanpage. Hindi iyong admin page.