II. Ban agad!

852 Words
Nakalipas ang isang araw, habang pinupunasan ni Alex ang motor niya ay biglang may yumakap sa kaniya mula sa likuran, walang iba kung hindi si Mae, and girlfriend niya. "ALex, puwede ba tayo magkabalikan? Kasi iniwan ko na ang boyfriend ko." Si Mae ay isa sa mga niligawang babae ni Alex, pero sumusulpot lang ito kapag naririnig nitong dumarami ang pera ni Alex, o mas tamang sabihin na ginagamit siya lang nito. "Sige, pinapatawad na kita," ani ni Alex at nagyakapan sila habang sinisilip sila ni Melo sa may bintana. "Naku! Nagkabalikan na naman. Walang hiyang babae, sana maging straight ka na, Alex. Ganda-ganda mo pa naman, mas maganda ka pa r'yan sa GF mo." Naalala nito ang sinabi ni Delo na makisakay sa diskarte ni Alex sa buhay. "Uhm...Alex, may pera ka ba r'yan? Iyong nanay ko kasi na hospital eh," ani ni Mae. "Talaga?! Sige, ito." Iniabot ni Alex ang pera at kinuha naman ni Mae bago iyon itinago sa cleavage nito. Kinurot ni Mae ang pisngi nito at napayuko dahil sa haba ng high heels nito, habang 5'3 lang si Alex. Pagkapasok ni Alex ay naguluhan siya kung tama ang desisyon niya na patawarin si Mae. Bigla siyang ginulat ng kapatid na si Melo, "Bakit ka na naman ba nakipagbalikan do'n? Tigas talaga ng ulo mo 'no?" "Wala ka nang pakialam, Kuya," galit niyang sagot saka umupo sa harapan ng PC at nanood ng anime. Tinabihan siya ni Melo. "Ano 'yan? Maganda ba 'yan?" Biglag napatingin si Alex habang nakangiting hindi mawari. Simula noon, naimpluwensyahan na niya ang kapatid na panoorin ang buong episode ng Shojo anime gaya ng Naruto o kaya ay One Piece, hanggang sa na-addict na rin itong si Melo na halos araw-araw ay nanonood at naghihintay ng bagong episode series; kahit gabi pa silang abutin. 4 a.m ang gising nila para mag-abang ng latest chapter sa net. Iba ang pagka-addict ni Melo, para na itong baliw dahil turing nito sa mga character na drawings ay mga tao na, kaya sumali ito sa isang international anime forum. "Alex, halika ka dali!" tawag nito kaya lumapit si Alex. "Register ka naman dito para may kasama ako," gigil na sabi ni Melo. Biglang inagaw ni Alex ang mouse at nag-scroll. "Uy! Interesting nga ito. All about Naruto, Bleach at iba pa. Makakakuha tayo ng spoiler kada linggo, hindi lang sa series kun'di pati sa chapters. Ayos 'to, Kuya ha," ani ni Alex bago siya napatungo. "English naman 'yong salita. Paano 'yan e pangit ako mag-english?" reklamo niya. "Ano ka ba Alex, 'yan ang first step. Paano tayo makakapunta sa America niyan? Dapat matuto kang mag-english at makisalamuha sa mga poster d'yan sa forum. Malay mo, may manlibre pa ng ticket sa atin papunta sa ibang bansa," pangungumbinsi ni Melo. Noong una ay hinikayat muna ni Alex ang nilalaman ng buong forum website saka siya nag-post, pero minalas dahil namamali ang grammar niya at medyo masama ang kaniyang naranasan. Na-troll siya ng mga foreigner sa forum na iyon; sinabing mali ang mga grammar niya kaya uminit ang ulo ni Alex at nakipag-away sa mga ito hanggang sa ni-suspend ang account dahil sa cyberbullying. "Kuya, ano ba naman 'yan! Parang ayaw ko na ro'n sa website forum na 'yon. Nanlalait sila kasi pangit daw ang grammar ko. Mabuti ka pa’t feel na feel mo ang mag-english, matalino ka kasi e," anas ni Alex. "Uy! Hindi naman. Basic lang ang english ko, sa ngayon may iba akong kinai-intiresan," ani ni Melo. "Ano 'yon, Kuya?" tanong ni Alex. Ito ay ang graphic design, kaya nagkainteres si Alex at nag-install ng Adobe Photoshop. Nagd-drawing na rin ng mga anime character dahil may pa-contest pa ang forum na 'yon. Pinagkakitaan nila ang graphic design kahit sa maliit na halaga. Si Melo ang nagturo sa kaniya kung paano gamitin ang Photoshop, habang tinuturuan niya si Melo mag-drawing para gumawa ng fan arts at gif file format. Lumago lalo ang internet shop nila dahil nag-e-edit na rin silang dalawa na ikinatuwa ni Delo. "Sabi ko sa inyo, teamwork. Ikaw, Alex kumusta na si mama?" tanong ni Delo. "Okay lang siya, Kuya. Nasa tamang pag-aalaga pa rin," sagot ni Alex. Pagtalikod niya ay biglang may sinabi si Delo, "Alex, napanaginipan ko na sinabi sa akin ni mama na magpaka-babae ka raw, kaya gusto ko sana if puwede. Magtrabaho ka muna sa salon habang naghahanap pa ako ng trabahador, umalis kasi 'yong isa; bakasyon," ani ni Delo. "Sige, titingnan ko, Kuya." Napa-oo si Alex dahil sa malaki ang respeto niya sa kuya niya. Kinaumagahan, pumunta kaagad si Alex sa salon ni Delo na ganoon pa rin ang pormahan. "Naku! Naku! Bata ka! Bakit gan'yan?! Lahat ng mga nagtatrabaho sa parlor ko puro sexy at magaganda! Halika rito, try kitang i-make over! Naman!" gigil na sabi ng kuya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD