Wala akong magawa mula sa pagkakahiga rito sa palad ni halihayop dahil nanghihina na talaga ako. Nakakaramdam na rin ako ng hilo sa sobrang gutom. Kita ko kung paano pilit na tinatanggal ni halihayop iyong maraming galamay na nakadikit sa ulo niya. Isang kamay niya lang ang kaniyang gamit dahil nandito nga ako sa isang palad niya. Maya-maya ay nakita ko sa ere si Jila. Malamang ay tumalon ito papunta sa ulo ni halihayop kung saan nandoon din iyong maraming galamay. Hinawakan ni Jila ang isang galamay at pilit na tinatanggal mula sa pagkakakapit sa ulo ni halihayop. Ngunit ang mga puting likido pala na lumalabas sa ulo niyong maraming galamay ay nagiging madikit pala. Mas dumidikit lalo ang mga galamay sa ulo ni halihayop. Naisip kong mas nahihirapan si halihayop dahil sa akin. Dahil nand

