Hindi na ako nagtangka pang magtanong sa pagtahimik niyang iyon lalo na nang bigla na naman siyang ngumiti at bumaling kay Beta. At talaga namang matatagalan pa yata ang pag-alis namin dahil sa pagkaakit niya sa Beta'ng iyan. Maluwang pa rin ang pagkakangiti ni halihayop habang iniaayos niya ako sa kaniyang balikat. Kung puwede ko nga lang sanang abutin ang bibig niya ay ginawa ko na nang tuluyan na iyong mapunit. Hindi naman sa naiinggit ako sa kilig na nakikita ko sa kaniya, nabubuwisit lang talaga ako. Hindi ako natutuwa. "Tara na!" malakas at patay-malisya kong sabi. "Hindi ka pa nagpapaalam nang ayos sa kaniya, Master Bobo," ang turan niya sa akin. Napataas na naman ang kilay ko, as usual. "Hindi pa ba sapat iyang libo-libo mo ng pagpapaalam sa kaniya at kailangang pati ako ay um

