THE FEELINGS

1464 Words
Pilit siyang ngumiti sa babae. Umayos siya sa pagkakatayo at lumapit sa lamesa kung saan naroon ang mga isda na kanilang ibinibenta. “Napadaan ka, Annie. Bibili ka ba ng isda?” Ngumiti ang babae sa kaniya at umiling. “Hindi. Sa kabila ako bibili. Iyon kasi ang suki ko rito sa palengke.” Ryla stood still. Nakatitig lang siya sa babaeng iyon. Medyo makapal din ang mukha nito sa parteng huminto pa ito sa tapat ng kanilang puwesto pero hindi naman pala ito bibili. Ang tingin nito ay nasa lalaking katabi niya. Mukhang intresado si Annie na makilala kung sino ito. “So, boyfriend mo nga iyang pogi na iyan?” tanong nito. Hindi man lang ito nahiya nang ituro si Brandon. Ang kaniyang ina na si Aling Myrna at ang kapatid ay nakamasid lang sa kaniya. Lumapit sa kaniya ang ina at bumulong. “Huwag mo nang patulan, Ryla. Hayaan mo na at aalis din naman iyan.” Hindi nakatakas sa pandinig ni Brandon ang sinabi ng ina ni Ryla. Bahagya siyang umatras palapit kay Rio at siniko ito nang marahan. Sumenyas siya at pasimpleng itinuro ang babae. “Bakit kuya?” “Sino iyong babaeng iyon? Mukhang mas lalong na-badtrip ang ate mo.” Umismid ang kapatid ni Ryla nang lingunin ang babae. “Naku, kuya. Iyan ang asawa ng dating boyfriend ni Ate. Hayaan mo nalang. Mahilig talaga sa away ang babaeng iyan. Lahat ng babaeng may koneksiyon kay Kuya Anton, inaaway niya nang walang dahilan.” Marahan siyang tumango at mabilis na bumalik sa tabi ni Ryla. “Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong mo na iyan, Annie?” Tumaas ang kilay ni Annie sa sinabi ni Ryla. “Nagtatanong lang naman ako. Bakit, masama ba?” Tumaas ang boses ng babae kaya ang ibang mga costumer ay napatingin sa gawi nila. Mahinang tumawa si Brandon dahilan para mabaling sa kaniya ang atensiyon ng mga nasa malapit. “Bakit curious kang malaman kung ano ako ni Ryla? Hindi pa ba obvious? Bakit naman pupunta ang isang taong kagaya ko sa palengke kung hindi espesyal sa akin itong babaeng nasa tabi ko?” aniya habang nakaturo kay Ryla. “Hindi niya pa ako boyfriend dahil nililigawan ko palang siya. Huwag kang mag-alala, babalitaan ka namin kapag kami. At kapag kinasal kami, papadal’han din kita ng imbitasyon. Brandon Fuentabella nga pala. I am the owner of the Fuentabella Shipping Lines. The largest shipping lines that operate not only here in Palawan but also in different parts of the country.” Halos malaglag ang panga ng babae nang marinig ang sinabi niya. “Ang suwerte naman ng anak ko sa manliligaw niya. Hindi lang ito mayaman, mabait at masipag pa. Kaya nga botong-boto ako sa batang ito eh.” Napatingin siya sa ina ni Ryla. Nang magtama nila ang paningin ng matandang babae ay pasimple itong kumindat sa kaniya. Nasiyahan siya sa ginawa nito dahil sinuportahan siya nito habang si Ryla naman at nakatitig lang sa kaniya. Ilang sandali lang ang lumipas, nakita nilang nag-walk out si Annie. Lumapit ang ina ni Ryla at marahang tinapik ang kaniyang balikat. Sa buong hapon ay napansin niya na halos hindi na umimik si Ryla. Naubos nila ang paninda dahil na rin sa tulong niya. Mukhang effective ang pagsama niya dahil halos lahat ng mga mamimili ay sa kanilang stall namili ng mga isda. Tahimik na nakamasid lang si Ryla kay Brandon habang naglalakad sila pauwi. Gaya niya ay may dala itong bayong na naglalaman ng mga grocery na kanilang pinamili sa malaking tindahan sa labas ng palengke. Sila ni Brandon ang napag-utusan nito na mamili. Nauna nang umuwi ang kaniyang ina at kapatid dahil maglilinis pa raw ito ng bahay. Wala siyang planong kausapin si Brandon kanina dahil naiinis siya sa binata. Ngunit hindi niya naman magawang kalimutan nalang ang ginawa nitong pagtatanggol sa kaniya kanina kay Annie. Masyado kasing masama ang ugali ng babaeng iyon. Noon pa man ay inaaway na siya nito. Hindi nga lang niya pinapatulan dahil ayaw niya ng gulo. Ang gusto kasi ni Annie, lagi siyang nalalamangan nito. Kaya nga inagaw nito sa kaniya si Anton. Ewan ba niya kung bakit ganoon ang ugali ng babaeng iyon. “Siya nga pala. Maraming salamat sa ginawa mo kanina. Kung hindi dahil sa’yo, tuluyan na akong napahiya.” Lumingon sa kaniya si Brandon. “Bakit mo hinahayaan na ganoon ang trato niya sa’yo? Nabanggit ng kapatid mo sa akin na ang asawa niya ay ang dati mong kasintahan.” Nagkibit-balikat si Ryla. “Siguro ay dahil hindi talaga ako marunong magalit. Kahit anong gawin ng ibang tao sa akin, kahit sabihan nila ako ng masasakit na salita, ayos lang. Gusto ko kasi ng tahimik na buhay. Hindi ako yung tipo ng taong nakikipag-away.” Mahinang tumawa si Brandon. Ngumisi ito nang mapang-asar. “Talaga? Eh bakit ako inaaway mo? Sinusungitan mo nga ako.” Ngumiti si Ryla at iniwas ang mukha kay Brandon para hindi makita ang reaksiyon niya. “Alam mo ba yung kasabihan na “the more you hate, the more you love”? Sige ka, baka mamaya imbes na mainis ka sa akin, mahuli mo nalang ang sarili mong nagkakagusto sa isang tulad ko.” Inirapan niya ito. Kahit kailan talaga napaka-straight to the point nito magsalita. “Excuse me? Baka ikaw riyan. Baka kaya ka nandito ay dahil na-love at first sight ka noong niligtas kita.” Humalakhak si Brandon. Hindi niya maitago ang pagkaaliw niya sa babae. “Bakit? Kung sakali mang ganoon nga ang nararamdaman ko sa’yo at kung totohanin ko nga ang panliligaw ko, may pag-asa ba ako sa’yo?” Napahinto sa paglalakad si Ryla at tumitig sa kaniya. “Ganiyan ka ba makipag-usap sa lahat ng babaeng kausap mo?” He smiled cockily. “Hindi naman. Sa’yo lang ako ganito, Ryla. Naalala mo kahapon, noong niligtas mo ako? Pakiramdam ko, kasabay ng pagtalon ko sa tubig ay pagkahulog ng puso ko sa’yo.” She rolled her eyes at him. “Ganiyan ang mga linyahan ng mga babaero. Alam mo, Brandon. Kung ako sa’yo, bumalik ka na sa lugar na pinanggalingan mo.” Ngumuso ito. “Iniisip ko nga kung paano ko gagawin iyon eh. Kasya ba ako diyan sa puso mo?” Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. “Ha?” “Eh kasi diyan ako nakatira. Sa puso mo,” anito saka itinaas-baba pa ang magkabilaang kilay. Pumikit siya nang mariin para kontrolin ang kaniyang inis. Gusto niya lang naman ito kausapin nang matino pero akalain ni Ryla na puro pang-aasar lang ang sasabihin nito sa kaniya. Kaysa mag-aksaya ng panahon, binilisan niya nalang ang kaniyang paglalakad hanggang sa makarating na sila ng bahay. Ilang beses siyang sinubukang kausapin ng lalaki pero umakto siyang hindi naririnig ang sinasabi nito. Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang trato nito sa kaniya. Palagi siya nitong inaasar pero kusa naman din itong titigil kapag nakikita ni Brandon na naiinis na siya. “Love language yata ni Kuya Brandon ang asarin ka, Ate.” Kasalukuyan siyang nakatayo sa sala ng kanilang bahay. Hawak niya ang walis tambo dahil maglilinis siya. Hinihintay niya lang matapos na mag-agiw si Brandon para tuloy-tuloy na ang trahabo niya. “Tigilan mo ako, Rio. Para ka ring si Brandon, walang ibang ginawa kundi asarin ako.” Ngumisi sa kaniya ang kapatid. “Pero aminin mo, napapangiti ka niya araw-araw. Aminin mo na kasi ate, may gusto ka na sa kaniya.” Pinaningkitan niya ng mata ang kaniyang kapatid. “Ayiee, aminin mo na ate. Wala namang masama kung aamin ka. Pareho naman kayong nasa wastong edad na. Isang linggo at ilang araw nalang dito si Kuya Brandon. Bahala ka, baka magsisi ka na hindi ka umamin sa kaniya kapag umalis na siya.” “Bakit mo ba kasi na pinipilit na may gusto ako sa kaniya? Hindi mo ba nakikita, hindi ba lagi akong inis sa kaniya? Saka wala naman siyang ibang ginawa kundi mang-asar at magpatawa.” “Pero napapasaya ka niya. Ilang taon ko ring hinintay na makita ang mga ngiti mo. Noon kasi, parang pasan mo ang buong mundo. Mabuti nga at nakilala natin iyang si Kuya Brandon. Ang laking tulong pa niya sa atin. Yung totoo ate, wala ka ba talagang nararamdaman sa kaniya?” Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ng kapatid niya. Mabait, masipag, at matulungin si Brandon. Guwapo rin ito. Kahit na sino yata ay magkakagusto rito. At hindi siya exempted. Gusto niya ang lalaki. Ang kaso, natatakot siya sa kahihinatnan ng kaniyang nararamdaman. Paano kung whirlwind romance lang ang mamagitan sa kanila at kapag umalis na ito pabalik ng siyudad ay hindi na ito bumalik pa? Natatakot siyang umasa. Natatakot siyang masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD