Chapter 7

3283 Words
Casper's POV "Good evening po." Bati ko sa kanilang lahat. "Good evening rin." Bati nila sa akin. "Iho, tinawagan ako ng Lolo mo at sinabi niya sa akin na gusto mo ng kotse. Tama ba ako?" Tanong sa akin ni Lolo. "Opo." Magalang kong sagot. "Saan mo naman gagamitin ang kotse? Base sa pagkaka-alam ko nag-hire ang Lolo mo ng taga-hatid at taga-sundo sa'yo." Tanong niya sa akin. Totoo. Kalaban pa nga ang na-hire. "Totoo po 'yon. Personal use ko po ang magiging kotse ko. Hindi lang po kasi ako kumportable sa nagda-drive sa akin." Sagot ko. "Ganon ba. Hindi sapat 'yun na rason, Iho para bigyan kita ng kotse." Sabi niya. "Sige po. Maraming salamat." Pagpapa-salamat ko. "Maaari po ba akong bumili ng kotse sa inyong kumpanya?" Tanong ko. "Bakit ka bibili?" Tanong niya rin. "Gaya nga ho ng sabi niyo. Hindi 'yon sapat na rason para bigyan niyo ako ng kotse." Sagot ko sa kaniya. "Kung bibili po ba ako ng kotse sa inyo, pagbibigyan niyo ako?" Nagbabaka-sakali kong tanong. "Grabe ka!" Singhal niya. "Parehas kayo ni Diana!" Dagdag niya. "Sorry, Director. Pero kung ayaw ninyo, sa iba na lang ako bibili. Hindi lang naman kayo ang nagtitinda ng kotse. Anyway, thank you, Director Laurent." Mahinahon kong sagot sa kaniya. "Desculpe." Pagpa-paalam ko. "Casper!" Sigaw niya. "Po?" Tanong ko. "Sige. Bibigyan kita ng kotse pero gusto kong bayaran mo ito." Sabi niya sa akin. "Honey, apo naman natin si Casper. Kaya, huwag mo ng pa-bayaran." Aniya ni Lola. "Hin--" Sasagot pa sana siya pero hindi ko na siya pinatapos mag-salita. "Sige po. Kailan ko po ipapasa sa bank account ninyo ang bayad?" Sabi ko na ikinalaki ng kanilang mga mata. "Bakit biglang nanlaki ang mga mata ninyo? May nasabi ba akong mali?" Pa-inosente kong tanong. "Wala naman, Apo. Pero, may sarili kang pera?" Tanong sa akin ni Lola. "Yes po, Lola. I have my own money. Sadyang hindi lang ako gastusero at iniipon ko lang ang pera ko." Sagot ko sa kaniya. "Anong gusto mong kotse?" Tanong sa akin ni Director Laurent. "Audi A8." Sagot ko. "Magte-test drive lang po ako. Titignan ko lang kung okay ba o hindi or anything." Paliwanag ko. "Ano? Ba't ka bibili ng Luxury Car kung magte-test drive ka lang? Tapos, kapag hindi mo type idi-dispatsya mo?" Walang katapusan na tanong niya. "Director, pera ko ho ang gagamitin kong pang-bayad sa inyo. Wala na ho kayong paki-alam, kung paano, saan, at ano ang gagawin ko sa kotse ko." Mahinahon kong sagot sa kaniya. "Let's end this conversation. I don't want to talk to a person who doesn't have a respect." Brusko niyang sigaw sa akin. "Ganiyan ka ba pinalaki ni Diana?! Maging bastos?! Walang modo?! Walang respeto?!" Singhal niyang tanong sa akin. "For your information, Director! Pumunta ako dito para bumili ng kotse! Hindi ako pumunta dito para lait-laitin niyo ako! Pumunta ako ng mag-isa. Kaya, huwag na huwag mong i-dadamay ang pamilya ko! Dahil kapag ginawa mo 'yon, ako ang makaka-laban mo! Mark my word, Director! Kilala mo ako! Mas kilala mo ako kaysa sa mga Del Valle! Kaya huwag na huwag mo akong sasagarin!" Sigaw ko ring sagot sa kaniya upang matahimik lahat ang Familia Laurent. "Tama na 'yan, Apo." Pagpapa-kalma ni Lola sa akin. "Ano, Director? Pagbibilhan mo ba ako o hindi? Kasi, kung hindi, you're just wasting my time!" Tanong ko sa kaniya. "Wow, ako pa ngayon ang nagwe-waste ng time mo?! Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kailangan sa akin! Kaya maging mabait ka sa akin!" Singhal niyang sagot sa akin. Kailan ba titigil itong matandang 'to kaka-putak? Ayaw na lang niya sabihin sa akin kung pagbibilhan niya ako o hindi. "Paano ako magiging mabait sa taong pilit akong pinapapatay?! Tsaka, gusto ko lang ulitin ang sinabi ko kanina. Hindi lang ikaw ang nagtitinda ng kotse, tandaan mo 'yan, Director!" Sigaw ko sa kaniya. "Huling tanong, huling sagot. Pagbibilhan mo ba ako o hindi?" Mahinahon kong tanong sa kaniya. "No!" Sigaw niya sa akin. "Okay! Kung kanina mo pa sana sinabi 'yan sa akin, hindi sana ako nag-tagal sa madugo mong pamamahay!" Sigaw kong sagot sa kaniya. "Kaya pala bumabagsak ang mga sales niyo ngayon dahil dyan sa ma-ala impyerno remarks demonyo mong ugali!" Dagdag ko. "Once again, thank you, Director Knox. Have a good night. Good night, Director. Sleep ka na, gabi na oh. Sleep ka na forever. Hahaha!" Asar ko sa kaniya "Adiós!" Sigaw kong pamamaalam sa kanila. Hinabol ako ni Lola at saka siya nag-salita. "Apo, mag-usap tayo sa office ko." Sabi niya sa akin. "Apo." Tawag niya sa akin. "Yes po?" Tanong ko. "Apo, hindi ko nagustuhan ang paraan ng pakikipag-usap mo sa Lolo mo." Sabi niya. "Ganun rin po ako, Abuela." Sagot ko sa kaniya. "Pero, hindi ko rin po nagustuhan ang paraan ng pagsagot-sagot at kung paano niya lait-laitin ang pamilya ko sa harap pa mismo ng pamilya ninyo." Dagdag ko. "Tama ka riyan, Apo. Hindi ko rin 'yan maikakaila." Sabi niya. "Anyway, ma-iba tayo. Audi A8 'di ba ang gusto mong kotse?" Tanong sa akin ni Lola. "Opo." Sagot ko. "Tara, Apo. Samahan mo ako sa Warehouse at i-papakita ko sa'yo ang iba pang mga kotse. Mamili ka." Sabi niya sa akin.  "Naka-pili ka na ba, Apo?" Tanong niya sa akin. "Hindi pa po. Ang daming magagandang kotse, Lola." Sagot ko. "Tama ka riyan, Apo." Sambit niya. "Lola, magkano po ba ang Audi A8?" Tanong ko. "$86,500 or ₱4,584,500." Sagot niya. Mura lang pala. "Itong Audi S8 po, magkano?" Tanong ko ulit. "$130,900 or ₱6,937,700" Sagot sa akin ni Lola. Mura lang rin pala. Akala ko naman sobrang mahal. "Naka-pili ka na?" Tanong niya sa akin. "Opo." Sagot ko. "Ano 'yun?" Tanong niya ulit sa akin. "Lamborghini Reventon. Color black." Sagot ko. "Seryoso ka dyan, Apo? Mahal 'yan." Sabi niya sa akin. "Opo." Sagot ko. "Sige. Tara sumunod ka sa akin sa office para ma-process ang payment mo." Mahinahon niyang sabi sa akin. "Magkano, Lola ang babayaran ko?" Tanong ko. "78 Million. Bibigyan na lang ki---". Sagot niya sa akin pero hindi ko na siya pinatapos magsalita. "Ng discount? Huwag niyo na po akong bigyan ng discount at baka magalit pa si Director Rafael sa akin." Mahinahon kong sabi kay Lola. "Pero, Apo, masyadong malaki ang 78 Million. Mamaya magtaka si Diana at Foster kung bakit biglang bumaba ang pera mo." Sabi niya sa akin. "Napag-usapan na po namin 'yan ni Director Knox." Sagot ko. "Sige." Pasang-ayon niya sa sinabi ko. "Wait lang po, Lola. May kukunin lang ako sa kotse ni Tita Macy." Excuse ko. "Sige, Apo. Ipa-process ko lang ang payment mo." Aniya niya. Lumabas na ako sa Warehouse ng Laurent Cars at nakita kong naka-sandal si Tita Macy sa kotse niya habang naninigarilyo. "Prinsipe!" Tawag niya sa akin. "Oh, Tita. Nakita kong kumakain pa sila, ba't ka nandito sa labas?" Tanong ko sa kaniya. "Lumabas na ako, pagkatapos niyong mag-sigawan." Sagot niya. "Pasensya na sa in-asal ko kanina." Sinseridad kong sabi sa kaniya. "Wala 'yon. Kahit rin naman ako 'yun rin sasabihin ko. Hello? Papatayin ka na, mabait ka pa rin. Grabe!" Sabi niya sa akin at nginitian ko na lang siya. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. "Kukunin ko 'yung bag ko." Sagot ko. "Oh, naka-bili ka na ba ng kotse?" Tanong niya ulit. "Oo, pero babayaran ko pa lang." Sabi ko sa kaniya at kinuha ko na 'yung bag ko. "Sama ako!" Sigaw niya at tinanguan ko lang siya. "Alam mo ba, Prinsipe, duda ako sa laman ng bag mo. Malakas pakiramdam ko, pera laman niyan hindi books." Sabi niya sa akin. "Hahaha! Tignan mo." Sagot ko sa kaniya. "TANGINA!" Napaka-lakas niyang sigaw. "Hoy! Manahimik ka nga." Saway ko sa kaniya. "Alam mo, Prinsipe. Naniniwala na ako na ikaw talaga ang pinaka-mayaman sa Laurent-Del Valle. Backpack of cash!" OA niyang sabi. "Magkano laman niyan?" Tanong niya sa akin. "120 Million." Mayabang kong sagot sa kaniya. "Punyeta! Gago ka! May pa Bank Account-Bank Account ka pang nalalaman kanina, may cash ka naman pala." Singhal niya sa akin. "Tsh. Ayaw mo nun? Ready. Hahaha!" Sabi ko sa kaniya. "Malapit na tayo sa Warehouse, gusto mo balik tayo?" Tanong niya. "Ba't naman tayo babalik?" Tanong ko rin. "Sampal mo kay Dad 'yang 120 Million mo, nang-matameme ang kingina." Sabi niya sa akin. "Ewan ko sa'yo." Sabi ko sa kaniya. "Hi, Mama!" Bati sa kaniya ni Tita Macy. "Oh, ginagawa mo rito? Hindi ba't kumakain kayo?" Tanong sa kaniya ni Lola. "Ayoko do'n. Nakaka-badtrip. Gusto ko 'tong kasama, Ma. Maliban sa mayaman na, barkada kami. Barkada tingin ko sa kaniya. Pero, tita pa rin daw. Ah, nevermind." Sabi niya. "Anyway, Apo. Here's the price. Check mo nga sa monitor kung tama rin ang information mo. Ako na bahala sa car mo basta bayaran mo na lang." Sabi niya sa akin. "Hoy, Macy. Huwag kang maingay sa Daddy mo." Utos ni Lola sa kaniya. "Close ba kami nun, Ma? Simula nung ginawa niya 'yun kay Livi, bumaba na ang tingin ko sa kaniya." Sagot niya kay Lola. "Hindi ko na siya tinitignan as a father nor a friend. Wala na. Respeto na lang ang namamagitan sa aming dalawa." Dagdag niya pa. "Tama po, Lola." Pang-iiba ko sa pinagsasabi ni Tita Macy. "Ang alin, Apo? 'Yung sinabi ng Tita Macy mo?" Maotoridad niya tanong sa akin. "Hindi po. 'Yung about po sa information ko." Mahinahon kong sagot kay Lola. "Ah, pasensya na." Sinseridad niyang sabi. "Prince Casper, huwag kang gumaya dito sa Tita Macy mo. Maliwanag ba?" Sabi niya sa akin. "Opo." Sagot ko. "Good. Sapagkat, walang filter at pasmado ang bibig niyan kaya lagi siyang natatampal." Dagdag pa niya. "Akin na 'yung card mo, para mabayaran mo na ang new car mo." Sabi sa akin ni Lola. "Ito po, Lola." Sabi ko at tsaka ko inabot ang bag sa kaniya. "A-anhin ko ang bag mo?" Tanong niya. "Pang-bayad ko po." Sagot ko. "Ah, si--" Hindi na niya natapos ang sasabihin nung may biglang sumigaw. "Bag?! A-anhin ko ang bag mo?! A-anhin ko 'yang Louis Vuitton Crocodilian Leather Backpack mo?! And yet, it only cost $79,000 o katumbas ng ₱4,108,000 sa Peso!" Asik niyang sigaw sa akin.  "Lola, nasa loob po niyan ang bayad ko." Mahinahon kong sabi kay Lola. "TABI!" Napakalakas na sigaw ni Tita Macy. Lumapit siya sa table at binuksan ang bag ko at saka niya nilabas isa-isa ang mga naka-bundle na tig ₱1,000 Pesos. Matapos ang ilang minuto, natapos rin siya sa paglabas ng pera galing sa bag ko. "Grabe, Pa. Nakaka-pagod maglabas ng ₱120 Million." Mayabang niyang sabi kay Director Laurent. "Makapag-bag nga rin ng Crocodilian, baka sakali mayroong ₱120 Million rin." Dagdag niya pa. Kita sa mukha ni Director Laurent ang pagkagalit. Halos magyakapan na ang kaniyang kilay sa sobrang inis na nararamdaman. Kaya, nginisian lang namin siya ni Tita Macy. "Nice. Nice. Appear tayo diyan, Prinsipe." Sabi niya at nag-appear kami, sabay lapit kay Director Laurent at lumapit kay Lola habang kumi-kembot. "Kunin mo na, Ma 'yung Counting Machine." Utos niya kay Lola. "Para mabilang na natin kung ilan ang kukunin natin sa tigba-bundle na 'yan." Dagdag niya pa. "Oh." Abot ni Lola ng Counting Machine kay Tita Macy Nagsimula na si Lola at Tita Macy sa paglagay ng pera ko sa Counting Machine at nandoon pa rin si Director Laurent na nanonood sa amin. "Pa, tulungan mo naman ako, nangangalay na ako sa paglagay ng pera ni Prinsipe sa Counting Machine." Asar ni Tita Macy sa kaniya. "Manahimik ka, Macy!" Sigaw sa kaniya ni Director Laurent. Pero, mapangasar talaga si Tita, iniripan niya lang si Director. Matapos ang ilang minuto at natapos rin sila. "Oh, Apo, ito pa ang sobra sa pera mo." Sabi sa akin ni Lola. "Salamat, Lola." Pagpapa-salamat ko. "Sige na, ito na ang susi ng kotse mo. Maari ka ng umuwi. Enjoy your Lamborghini Reventon!" Masayang sambit ni Lola. "Salamat rin po." Masaya kong sabi sa kaniya. "Tsaka pala, Apo. Ako na ang ba---" Hindi na natapos ni Lola ang sasabihin niya nung sumigaw si Director Laurent. "Hindi!" Brusko niyang sigaw. "Siya ang maglakad ng mga kulang niya! Ano! Tayo pa ang magla--" Sigaw niyang sabi. "RAFAEL! MANAHIMIK KA!" Napaka-lakas na sigaw ni Lola kay Director Laurent. No wonder pala kaya malakas rin sumigaw si Mommy, may pinagmanahan pala. Like mother, like daughter ika nga. "Sige na, Apo. Umuwi ka na. I love you!" Sabi niya sa akin. "Mahal rin kita, Abuela. Adíos!" Pagpa-paalam ko kay Lola. Nginitian niya lang ako. "Tara na, Prinsipe. Hatid na kita. Masiyado na akong nangangalay sa ₱42 Million mo." Naka-pamewang niyang sabi sa akin. "Tara." Sabi ko. Umalis na kami sa warehouse at nagsimula na maglakad sa likod ng warehouse para kunin ang Reventon ko. "Naks, Prinsipe. Ang astig mo talaga. Hahaha!" Sabi niya sa akin. "Salamat." Masaya kong sagot sa kaniya. "Sana masaya ka na sa bago mong kotse." Sabi ni Director Laurent. "Syempre naman magiging masaya siya, Rafael." Pasang-ayon ni Lola sa sinabi ni Director Laurent. "Safe ba 'to?" Tanong ko. "Oo naman, safe 'yan." Sagot ni Director Laurent. "Anong tingin mo sa akin nagtitinda ng sirang kotse?" Dagdag niya. "Hindi naman, baka lang mamaya pagka-start ko ng kotse ay biglang sumabog. Edi, nag-tagumpay ka. Napatay mo na ako. Hahaha!" Asar ko. "Biro lang." Dagdag ko. "Slay tayo diyan!" Masayang sigaw ni Tita Macy. "Sige na, uuwi na po ako. Salamat, Tita Macy." Pagpa-paalam ko. "You're welcome always, Prinsipe. Bye!" Pagpa-paalam rin ni Tita Macy. "Baka sumabog. Hahaha!" Asar ni Tita Macy. "Hindi naman. Kasi, kung sasabog 'to at balak akong patayin, dapat hindi siya nakatayo ngayon dyan. Malapit lang siya sa akin. In case na sumabog 'to, patay ako, patay rin siya. Kaya, kampante ako na hindi 'to sasabog. Ang bobo naman 'di ba kung sasabog tapos nandyan siya. Suicide? Hahaha!" Mahaba kong sagot kay Tita Macy. "Tama." Pasang-ayon niya sa sinabi ko. "Sige na. Bye!" Paalam ko sa kaniya. Nagsimula na akong mag-drive paalis ng warehouse at mansion ng mga Laurents. Tinignan ko kung anong oras na and it's already 11PM kaya pala medyo nakakaramdam na ako ng gutom. Habang nagda-drive ako, may nakita akong Jollibee at nag-drive thru na lang ako. "Good evening, Sir! What's you order?" Sabi nung babae. "One piece super meal and one piece french fries." Sagot ko. "Iyong super meal ko po, burger steak po 'yung isa." Dagdag ko. "Okay. Anong size po ng french fries?" Tanong niya. "Jumbo Size. Pwede dalawang jumbo size na french fries?" Tanong ko. "Pwede po. Drinks po, Sir?" Tanong niya. "Coke lang po." Sagot ko. "₱335 pesos po lahat, Sir." Sabi niya sa akin. "Here." Abot ko ng pera sa kaniya. "I recieved ₱500 pesos and yo--" Sabi niya. "Keep the change." Putol ko sa sinasabi niya. "Thank you, Sir." Pagpapa-salamat niya. "Ito na po, Sir. Enjoy your meal!" Sabi niya at tsaka niya inabot sa akin ang mga in-order ko. Pagkatapos kong bumili sa Jollibee, napag-desisyonan kong umuwi. Kaso, malayo pa ang bahay namin dito. "Bahala na." Bulong ko sa sarili. Drive lang ako ng drive habang pinapapak ang french fries, tumigil lang ako nung nandito na ako sa tapat ng malaking gate. "Good evening, Sir! Welcome to Versailles!" Bati sa akin nung guard. Seryoso? Hindi ko namalayan na nasa Versailles na pala ako. "Good evening." Formal kong bati sa guard. "Saan po kayo, Sir?" Tanong niya. "The Courtyards." Sagot ko. "Apelyedo po, Sir?" Tanong niya. "Del Valle." Sagot ko. "Okay. Welcome po sa Versailles, Mr. Del Valle." Sabi niya sa akin at tinanguan ko lang siya. Nagsimula na ulit ako mag-drive at papunta na sa bahay ko. Ang nagtataka lang ako, bakit ako pupunta dito, lupa pa lang naman ang nabili ko at wala pang bahay? "Paano nagkaroon ng bahay dito?" Tanong ko sa sarili. "Hindi kaya, maling lupa ang napagtayuan ng bahay? Hindi. Napaka-imposible naman nun." Sabi ko sa sarili. Kinuha ko na ang mga in-order kong pagkain sa Jollibee at lumabas sa kotse at naglakad papalapit sa gate. Habang papalapit ako sa gate may nakita akong papel. Ayus-ayusin niyo mamaya ito pala 'yun sasabog. Hahaha! Kinuha ko ang printed na papel at saka ito binasa. Hello, Prince Casper! Alam kong pupunta ka rin dito. Kaya, pinatayuan ko na ng bahay gaya nung kinuwento mo sa akin, na gusto mo ng ganitong bahay, ganitong design, ganito 'yung laman ng bahay. Kaya, nawa maging masaya ka sa dream house mo. I love you! - Lolo Knox ? "I love you rin, Lolo." Punong-puno ng pagmamahal kong sambit. Lumayo ako sa gate at tinignan ng buo ang bahay at hindi ko namalayan na may tumulo na pa lang luha sa mata ko. "Hahaha! Dati, dinraw-drawing ka lang namin ni Lolo, tapos ngayon, naka-tayo ka na. Ang sarap sa pakiramdam." Mangiyak-ngiyak kong sabi sa sarili. Bumuntong hininga ako at saka pumasok sa loob ng bahay. Sobrang natutuwa ako kasi, brand ng carpet, upuan, dining table, lahat-lahat 'yun 'yung gusto kong brand. Natutuwa lang ako kasi, hindi ko nga 'to expect. Flashback "Apo, dahil wala naman ang Mommy't Daddy mo dito, maglaro tayo." Sabi sa akin ni Lolo. "Talaga, Lolo. Anong lalaruin natin?" Inosente kong tanong. "Tara, punta tayo sa office ni Lolo." Sabi niya sa akin. Pumunta kami sa Office ni Lolo at may nakita akong table. "Ito ang lalaruin natin." Turo niya sa malaking table na pa-square. "Ang alin, 'yung table, Lolo?" Tanong ko. "Oo. Pagmasdan mo." Sabi niya at may pinindot siya. "Wow! Para siya 'yung table kay Ironman 'yung parang touch screen." Masaya kong sabi. "Tama ka, Apo." Sagot niya. "Ganito ang magiging laro natin. Gusto mo bang magkaroon ng bahay?" Tanong niya. "Opo." Sagot ko. "Dito mo gagawin ang bahay mo." Sabi niya sa akin. "Ano bang gusto mong kulay ng bahay mo?" Tanong niya. "Color black po." Sagot ko. "Oh sige, tutulungan ka ni Lolo." Masaya niyang sambit. "Tara simulan mo ng gawin ang bahay mo at tutulungan kita para mas lalong mapaganda ang bahay." Dagdag pa ni Lolo. Nagsimula na nga akong mag-lagay ng kung ano-anong design ng bahay. Pa-square 'yung bahay ko. Matapos ang maraming oras, natapos rin kami ni Lolo sa paggawa ng bahay. "Tapos na po, Lolo." Sabi ko sa kaniya. "Akin na, i-print natin at gawin nating 3D. Para kunyari, totoong bahay na siya." Sagot niya. Nagsimula na si Lolo mag-print at matapos niyang mag-print binigay niya sa akin ang ginawa naming bahay.  "Ang ganda, Lolo." Sabi ko. "Tama ka riyan. Sigurado akong matutuwa si Luisa kapag nakita niya ang ginawa mong bahay." Sabi niya sa akin kaya mas lalo akong napangiti. "Talaga, Lolo?" Tanong ko. "Opo." Sagot niya. "Pwede bang kay Lolo na lang ito? Para gawin nating totoo ang bahay mo?" Tanong niya. "Sige po. Kailan po ako pwede dyan tumira?" Tanong ko. "Siguro sa tamang panahon." Sagot niya. "Kailan po 'yon?" Tanong ko. "Kapag nag-grade 12 ka na." Sagot niya. "Ang layo pa, Lolo." Malungkot kong sabi. "Kaya nga, mag-aral ka ng mabuti, para kapag naka-graduate ka, andyan na 'yung dream house mo." Sabi niya. "Sabi mo 'yan, Lolo ah." Naninigurado kong tono. "Promise?" Tanong ko. "Promise." Sagot niya. End Of Flashback Hindi ko namalayan na naka-hain na pala ang binili kong Jollibee at nagsimula na akong kumain. Pagkatapos kong kumain, naglinis ako at tinapon sa basurahan ang pinag-kainan ko. Matapos kong magligpit-ligpit, napag-desisyonan kong umakyat dahil alas dose na. Pumasok na ako sa kwarto ko at hinubad lahat ng damit ko at saka naligo. Matapos kong maligo nag-bihis na ako at tsaka nahiga at natulog dahil 12:30AM na. P R I N C E O F L A U R E N T S
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD