Chapter 6 (A)

2796 Words
Casper's POV Naaling-pungatan ako sa kalabog na aking naririnig. Parang may yumuyugyog na kama? Tinignan ko kung anong oras na at nalaman ko na 2:30AM pa lang. Hindi ako maka-tulog ng maayos dahil sa kalabog na 'yon. Ramdam ko pa rin ang pananakit ng aking katawan dahil sa pag-dive ko sa sahig na wala naman masiyadong tubig. Nagtataka rin ako kung bakit laging naka-buntot sa akin ang Nathan na 'yon. Pagkapasok ko pa lang sa gate ng eskwelahan nandoon na siya at nasisiguro ko na ako ang hinihintay niya. Hanggang sa sininghalan ako ni Sarah. Pag-tingin ko doon sa billboard. Pag-pasok naming dalawa sa classroom. Pag-punta namin tatlo ni Jio sa Track and Field lagi siyang nandoon. Sa Track and Field, napansin kong isang table lang ang pagitan namin at nag-labas siya ng phone at napansin kong nire-record niya ang pinag-uusapan namin. Kaso, itong si Jio, matanong masiyado. Kaya ako, ingat na ingat sa sagot na aking binibitawan. Sa lahat ng tanong ni Jio, tangi 'yung kung bakit raw mahaba 'yung pangalan ko ang totoo kong sagot. The rest, puro kasinungalingan. Tumayo ako at binuksan ko ng dahan-dahan ang aking pintuan at lumabas ako ng aking kwarto. Hinahanap ko kung saan 'yung ingay na 'yon. Masiyado kasing disturbo sa pag-tulog ko. Pumunta ako sa kwarto nila Dad pero wala namang ingay doon. Napag-desisyunan kong bumaba, habang pababa ako may nakita akong tatlong kotse sa labas ng gate at may walong lalaki ang umaaligid sa bahay namin. Umakyat ulit ako at pumasok ako sa kwarto ko at may nakita akong dalawang lalaki sa likod ng bahay. Bumaba ako ulit, sa sala may dalawang lalaki. Sa kusina may dalawang lalaki rin. Tapos, dito sa main door, dalawang lalaki rin. Lahat sila naka-itim! "Mga anak kayo ng putcha! Masakit pa nga katawan ko, tapos may kalabog pa na maingay kaya hindi ako makatulog ng maayos tapos ngayon may mga letseng tao ang umaaligid sa bahay namin!" Sabi ko sa sarili ko. Ino-obserbahan ko ang mga galaw nila pero hindi naman sila magnanakaw. Parang mine-memorize nila ang bahay namin. Pumunta ako sa ilalim ng hagdanan at hinanap ko ng tahimik 'yung espada ni Director Knox para incase na pumasok 'tong mga kingina na 'to, may laban ako hindi puro pisikal. Malalaki rin ang katawan ng mga ito. Medyo mas malaki kaysa sa akin. Nahanap ko na ang espada ni Lolo. "Tangina!" Pigil kong sigaw. "Tangina kang espada ka! Nakita ko si Lolo ginagamit ka niya sa pakikipaglabanan. 'Pag pinanood ko siya gamit ka ang gaan-gaan. Lintek ka! Napaka-bigat mo pala." Bulong ko sa sarili ko. "Mukhang mapapahamak pa ako sa'yo ah. Imbes na magamit kita para may defense ako mukhang matatalo pa ako." Dagdag ko. "Punyeta! Asan ba sila Daddy at Mommy?" Sabi ko sa sarili ko ulit. Author's POV  "Oh! Faster! Ugh! Ah! Deeper! Harder! Fostie!" Ungol ni Diana. "Yes! I will, Honey! You making me c*m again! Argh!" Ungol rin ni Foster. End of Author's POV Lumapit ako sa pintuan habang hawak-hawak ko itong bagay na 'to. Tumingin ako sa may kusina at dahan-dahan na lumapit. Dumapa ako kasi may kaunting butas doon saktong makikita kung ano ang nangyayari sa labas. May sinusulat sila sa papel. Ano kaya 'yun? Hanggang sa biglang nagsalita ang lalaking naka-kulay itim. "Boss, okay na. Nakuha ko na." Sabi nung lalaking naka-kulay itim. The f**k! Lahat sila naka-itim. "Sibat na raw tayo sabi ni Boss at baka magising ang mga Del Valle." Dagdag pa nung lalaki. "Sige." Sagot nung isang lalaki naman na naka-kulay itim. "Ate, nasaan ka ba?" Bulong ko sa sarili ko. Tumayo na 'yung isang lalaki at may hawak siyang...g-gra-granada? "Iwanan ko na 'to?" Pa-tungkol niya sa granada. "Gago ka ba? Malamang hindi. Gusto mo ikaw pasabugin ni Boss? Tara na nga!" Sabi niya sa lalaki. Tumayo ako at saktong pagtayo ko, biglang tinutok sa akin nung lalaki 'yung baril niya. Gulat na gulat ako! Pakiramdam ko iniwanan ako ng kaluluwa ko! Sa sobrang pagka-gulat ko, sumakit ang puso ko. May kung anong masakit sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Pa-sakit ng pa-sakit ang nararamdaman ko pero pilit ko pa rin tinitignan sila kung ano ang nangyayari. Umalis na sila sa likod at lumapit ako sa may main door habang hawak-hawak ko pa rin ang napakasakit kong dibdib. Kung ako'y titignan, para akong nabaril. Nabaril ng walang bala. "Tara na?" Bruskong tanong nung isang lalaki. "Oo." Sagot niya. Tinignan ko sila sa bintana habang paalis sila. Sinimulan na nilang pa-andarin ang tatlong kotse at binuksan nung isang pamilyar na tao ang gate upang makalabas sila. Nag-sakayan na sila sa kanilang mga koste at umalis. Habang sinasara nung isang lalaki ang gate, may inayos lang siya ng kaunti at nung tuluyan na niyang nai-sarado ang gate namin. Tumingin siya sa buong bahay. Kung titignan, sa bahay siya naka-tingin. Dahil sa ginawa niya nalaman ko na ang pamilyar na mukha na 'yon ay si...M-mang D-Dante? Si Mang Dante? Tinignan ko siya ulit at hindi ako namamalik-mata. Siya nga. Tumalikod na siya at saka umalis. Third Person's POV "Dante!" Tawag ko sa kaniya. "Ano?" Tanong niya. "Gago ka ba? Ba't ka tumingin? Paano kung gising ang mga Del Valle tapos hindi lang tayo inaatake nila. Tapos, tumingin ka pa! Hindi ka nag-suot ng maskara. Bobo mo! Bahala ka kapag nahuli ka!" Singhal ko sa kaniya. "Nasisiguro ko na hindi gising 'yung mga 'yon. Bukas titignan ko ang magiging reaction nila kapag nakita nila ako. Chill ka lang." Sagot niya sa akin. "Bahala ka. Sige, mauuna na ako." Pagpa-paalam ko sa kaniya. End of Third Person's Pov Anong ginawa namin sa inyo? Sino ka ba talaga? Anong connection mo sa mga taong pumunta dito? Nagsisimula na akong magduda sa inyo, Mang Dante. Simula ngayon, i-imbestigahan na kita. Nag-tungo ako sa ref namin at kumuha ako ng isang basong tubig. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang isang pitsel ng tubig. Pagkatapos kong uminom, nilagyan ko lang ng tubig ang pitsel at hinugasan ang baso at napag-desisyunan ko ng umakyat. Habang paakyat ako, hawak-hawak ko pa rin ang dibdib ko kasi sumasakit na ng tuluyan. Dinaanan ko ang kwarto nila, Mommy at Daddy pero wala akong ingay na narinig. Napaka-imposible naman na hindi nila narinig 'yun. Matapos 'kong dumaan sa kwarto nila, pumasok na ako at humiga sa aking kama. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit na aking nararamdaman. Nakatingala lang ako ngayon sa kisame habang hawak-hawak ang dibdib ko ng biglang nag-replay sa utak ko ang mga nangyari kanina. Nakaramdam ako ng takot, kaba, at panginginig pagkatapos 'kong matutukan ng baril at hanggang kay Mang Dante na napaka-imposible. Hindi ako namamalik-mata sa nakita ko kay Mang Dante. Siyang-siya 'yon. Sa sobrang pagi-isip ko, naririnig ko na lahat. Kaunting kaluskos. Konting galaw. Mga langitngit. Para na akong nababaliw. Tunog ng gumagalaw na kama. Babae't lalaking umuungol. Pati na rin ang t***k ng puso ko. Nag-hahallucinate na ba ako? Matapos ng ilang minuto, biglang nag-ring ang phone ko. Nagulat ako na naging dahilan para sumakit na naman ang dibdib ko. Kinuha ko ang cellphone ko at ang tumatawag ay si Ate, sinagot ko ito. ♥️ Ate Ath ? "Good morning, Mi Amor!" Masayang bati sa akin ni Ate. "Bonjour, Noona." Bati ko rin sa kaniya. "Hala! Nagising ba kita? Did I disturb your sleeping time?" Tanong sa akin ni Ate. "No." Sagot ko. "So, ito na nga ang tsika." Panimula niya. "Tapos na ang pakikipaglaban ko sa mga lintek na papel na ayaw akong tantanan araw-araw! Magdiwang!" Pa-tungkol niya sa kaniyang pag-aaral. "So?" Tanong ko. "So? Anong so, Prinsipe? Malamang bakasyon na! Alangan naman manghingi ako sa school ng advance studies, anong gusto mong mangyari sa akin? Mamatay kaka-aral. Jusko! Maghahanap muna ako ng Choupapi." Mahaba niyang sabi. "What's your plan?" Tanong ko sa kaniya. "U-uwi ako ng Pilipinas para magbakasiyon. Balita ko maraming chou-Daddy diyan sa 'Pinas. Hello? Mamaya maka-bingwit ako ng lalaki tapos Mafia Boss pala. Ah! Tapos, nagandahan siya sa akin. Nagustuhan niya ako, shinoutgun marriage niya ako. Bless!" Mahaba niyang sabi. "Alam mo 'yon. 'Yung ginawa ni President Del Valle sa asawa niya. Pumunta sila ng Singapore, ginamit ang connection niya para mapakasalan lang ang asawa niya. Oh jieva!" Dagdag niya pa. "Grabe!" Sabi ko sa kaniya. "Jusko! Alam mo, wala ng imposible ngayon. Siyempre, gusto ko rin maka-bonding ang Prinsipe ko kasi ikaw ang Kape ng buhay ko. Am I right, Mi Amor?" Sabi niya. "No. You're not. Ginawa mo pa akong rason kay Lolo. Ba't ayaw mo mag-tinder? Doon ka maghanap." Sagot ko sa kaniya. "Ayoko. Gusto ko, pandesal ang Daddy at syempre Daks." Sabi niya. "Daks?" Tanong ko. "Wala! Sige na. Maligo ka na, 5:00AM na. Huwag ka ng matutulog!" Sabi niya kaya napa-ngiti ako. "I will." Sagot ko. "Wait." Sabi niya. "What?" Tanong ko. "Anong meron?" Tanong niya. "Ha?" Tanong ko rin sa kaniya. "Seryosong tanong, seryosong sagot. Anong meron? Ramdam ko may nararamdaman ka." Tanong niya sa akin. "Honestly, masakit ang dibdib ko, Noona. Kumikirot." Sagot ko sa kaniya. "Sabi na nga. Hanggang ngayon?" Tanong niya ulit. "Medyo." Sagot ko. "Rate 1 to 10 'yung nararamdam mo kanina at ngayon." Utos niya sa akin. "Kanina, 10. Ngayon, 5." Sagot ko sa kaniya. "Okay. Pa-kalmahin mo lang ang sarili mo. Mawawala rin 'yan." Payo niya sa akin. "Okay, Ate." Sagot ko sa kaniya. "Sige na. U-uwi ako dyan, Mi Prinsipe. Samahan mo ako mag-hanap ng Chou-Daddy. Okay?" Sabi niya sa akin. "Hahaha! Sige. Love you, Ate Ath! Ingat!" Pagpa-paalam ko sa kaniya. "Pst! Huwag ng matulog. 5:05AM na. Pakalmahin mo lang sarili mo then maligo ka na." Sabi niya. "Opo." Sagot ko sa kaniya. "Adios, Mi Prinsipe! Te amo, Mi Amor!" Pagpa-paalam niya. "Au revour, Soeur, Je T'aime." Pagpa-paalam ko sa kaniya then I click the end call button. Pagkatapos naming mag-usap ni Noona, sinunod ko ang payo niya na magpahinga ako. Pilit ko pa ring tinatanggal sa utak ko ang mga pangyayari kanina. Nang maramdaman ko na kalmado na ako kahit nagre-replay pa rin sa utak ko ang mga nangyari kanina napag-desisyunan ko na lang maligo at 5:30AM na. Habang naliligo ako hindi ko pa rin maisip kung si Mang Dante ba talaga ang nakita ko. What if, namamalik-mata lang ako? What if, epekto lang 'yun ng pagka-gulat ko? Pero, napaka-imposible mangyari na mamalik-mata ako. The way how he close the gate, look to the house and the way he walk, siyang-siya. "Hindi ka namamalik-mata, Casper." Bulong ko sa sarili ko. Kung hindi ako namamalik-mata at siya nga ang nakita ko kanina, bakit niya ginawa 'yon sa amin? Paano ba siya nakilala nila Mommy at Daddy? Isa pa 'yon, napaka-imposible rin na hindi nila narinig o naramdaman ang mga nangyayari sa paligid namin. Sino ka ba talaga, Mang Dante? Kaano-ano mo ang walong lalaki na 'yon? Sino 'yung boss nila? Hindi kaya may connection si Nathan sa walong lalaki na 'yon? Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na tapos na pala ako maligo at nagpupunas na ako. Pagkatapos kong mag-punas, tumunog ang alarm clock at pinatay ko iyon at nagsimulang mag-ayos sa sarili. Ayokong mag-mukhang haggard sa unang klase namin. Pagkatapos kong mag-bihis, bumaba na ako. "Good morning, Dad! Smells good, huh!" Bati ko kay Dad. "Good morning too." Bati niya rin sa akin. "Himala, hindi si Mommy ang nagluto. 'Di ba siya ang laging nagluluto sa akin?" Tanong ko kay Dad. "Bakit, ayaw mo ba? Pagod kasi si Mommy mo. Kaya ako nalang nag-luto." Sagot niya. "Talaga?" Tanong ko. Hindi talaga ako kumbinsido. "Bakit?" Tanong niya rin sa akin. "Iba kasi ang sinasabi ng instinct ko eh. Parang, may something kayo o siyang ginawa para mapagod ng ganoon. Well, hindi ko alam kung ano 'yun, pero, nararamdaman ko. Hahaha!" Sagot ko sa kaniya. Malakas nga pala ang instinct namin ni Mommy. I think, aware naman sila Dad, Mom, Chairman at President sa mga abilities ko. Pero, hindi ko sinasabi 'yon ng direkta sa kanila. Parang nahihiya ako. Natatakot ako ma-judge. Kung baga parang sila na lang ang a-alam kung ano-ano pa ang mga nagagawa ko. "Naku, i-kain mo lang 'yan. Sandali ilalagay ko lang 'yung sayote at malunggay at pwede ka ng kumain." Sabi sa akin ni Papa. "Sabi mo eh." Sagot ko. Tumalikod na siya at pumunta ng kusina para ilagay ang sayote at malunggay sa kaldero. Pagkaraan ng ilang minuto, kinuhanan na niya ako ng ulam at inilagay sa lamesa. "Kain ka na." Sabi niya sa akin. Tumango lang ako at nagsimula na akong kumain. Pagkatapos ng ilang minuto, tinawag ko siya. "Dad, I'm done." Tawag ko sa kaniya. "Okay. Masarap ba?" Tanong niya sa akin. "Masarap naman, kaso kulang sa asin at paminta. Overall, all good." Sabi ko sa utak ko. "Oo, ikaw masarap." Sagot ni Mommy. "Hahaha! Sakto lang." Sagot ko. "Ano? Palibhasa kasi hindi ka marunong magluto kaya nasasabi mo 'yan." Hindi makapaniwala niyang sambit sa akin. Lumapit si Mommy sa akin at hinalikan niya ako sa pisnge. "Good morning, Mom. Gusto lang kita i-inform na may isang tao na hinahamon ako sa pa-sarapan ng luto. Sino ba Mom ang masarap magluto sa amin ni Dad?" Tanong ko kay Mommy. "Syempre, ikaw." Proud na sagot ni Mommy. Sumimangot lang si Dad at saka ko siya tinawanan ng pagkalakas-lakas at lumapit si Mommy sa kaniya at may binulong. "Ano ka ba? Syempre mas masarap si Casper magluto kaysa sa'yo. Pero, mas masarap ka. Masarap sa kama." Bulong niya. Napangiti naman si Daddy ng sobra-sobra dahil sa sinabi niya. "Gusto mo ba ng part 2? Another 9 hours?" Bulong rin na tanong ni Dad. So, kayo pala 'yung maingay. 'Yung kumakalabog na kama, kayong dalawa pala 'yon. Jusko! Habang sarap na sarap kayo sa pagse-s*x. Ako naman, mamamatay na sa kaba. And yet, nag-bulungan pa kayong dalawa, rinig na rinig ko naman. "Hay naku! Sige na nga, Guys. Bye na." Pagputol ko sa pagbubulungan at pagpa-paalam ko na rin sa kanilang dalawa. "Sige, hatid na kita diyan." Sabi sa akin ni Mommy at inakay niya ako palabas. Sumunod lang sa aming dalawa si Dad. "Good morning, Sir. Tara na?" Sabi ng impokrito. "Ano ka ba, Mang Dante. Casper na lang. Para namang wala tayong pinag-samahan eh. Sige po, tara na." Pamamalastik kong sagot sa kalaban. Nginitian lang ako ni Mang Dante. "Putang ina mong hindot kang lintek ka! Kalaban ka pala de-puta ka! Ang bait-bait mo pa sa amin, kaaway ka pala! Jusko! Sarap mong patayin! Pakyu ka! Paaaakkkkkyyyyyyuuuuu!" Galit kong sabi sa sarili ko. "Self-kalma. Kalmahan mo lang. Inhale, exhale." Pagpapakalma ko sa sarili. Sumakay na ako sa van at bumusina itong lalaking 'to bilang hudyat na ng pag-alis namin. Malaki kong pasasalamat at ang ginamit niyang van may border. Kaya, hindi ako maririnig nor makikita sa kung anong gagawin ko. Habang nasa byahe kami, tinignan ko siya at seryoso naman siya sa pagda-drive. Wala naman siyang kakaibang galaw. Bumalik ako sa upuan ko at kinuha ko ang cellphone at tinawagan ko si Lolo. "Sorry. You don't have a load right now please try again later." Sabi nung operator. "Grabe naman 'tong cellphone na 'to. Kaya ko nga bumili ng isang telco company gamit ang sarili kong pera tapos load wala. Hay, jusko!" Galit kong sambit. G-CASH IS THE KEY. Matapos kong mag-load galing G-Cash, tinawagan ko na si Lolo. "The number you dialed is now unattended and out of coverage area, please try again later." Sabi nung operator. Ayoko na. Kanina, load wala. Ngayon hindi ma-contact. Last na lang. Ringing... "Yes?" Tanong sa akin ni Lolo. "Good morning, Director." Bati ko sa kaniya. "Oh, Casper. Napatawag ka?" Tanong sa akin ni Lolo. "Uhm, Director. Uhm, pwede po ba ako m-magkaroon ng, uhm..." Kinakabahan kong tinig. "Ng?" Tanong ulit sa akin ni Lolo. "K-ko-kotse?" Tanong ko kay Lolo. "Kotse. Para saan naman? May driver ka na, hindi ba? A-anhin mo pa ang kotse?" Tanong ni Lolo. "Ah, for personal use po." Sagot ko. "Personal use. Sino naman ang i-sasakay mo?" Tanong niya ulit. Ang daming tanong! Ayaw na lang sabihin kung ayaw o gusto. Huhu! Sana pumayag! ?? "Sarili ko po, Director." Sagot ko. "Ay, oo nga naman. Sige. Gusto mo ba sabihin ko sa parents mo or tayong dalawa lang ang makaka-alam?" Walang katapusan niyang tanong sa akin. "Tayong dalawa na lang po." Sagot ko ulit. "Sige. Tatawagan ko ang Lolo mo then after class, kunin mo na lang sa kaniya. Maliwanag ba, Casper?" Sabi niya. "Opo." Sagot ko sa kaniya. "Good. I trust you. Be careful. Okay?" Sabi niya sa akin. "Yes po, Director. Thank you." Pagpapa-salamat ko then I press the end call button. "Sir, nandito na po tayo." Tawag sa akin ni Mang Dante. "Sige po, Mang Dante. Salamat. Bye!" Sagot ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD