NATALIA'S POV:
"Jayceee!! Yeyy pumunta ka nga, di moko matiis noo" bungad ko sa kanya.
"Eh pano ba naman ang hilig mo kaya magtampo tapos antagal pa bago mawala ng tampo mo" sabi nya pa
Ket gusto ko tumawa sa sinabe nya kasi di parin sya nagbabago di nya parin kinakalimutan na nagpromise sya kila mama na babantayan ako at i respeto ako.
Nagulat ako dahil bigla nya kong niyakap...
I didn't expect it kase nung huli nya kong niyakap ay yung umalis ako (8 years ago...) tsaka sa makikita mo apaka cold at hindi clingy si jayce na parang di nakakaranas ng lungkot sa buhay ket ang totoo alam kong may mga problema sya.
"I'm sorry,nadala lang ako. Ano tara na?" sabi nya pa ng pagkatapos nya kong yakapin. Sabay ngiti na parang walang nangyari.
"Nga pala may kasama ako si Ian.. Ian Lucas Perez" pagpapakilala nya sa lalaking kakarating lang
"Nakuuu, okay lang. Oo,tara na" sabi ko pa.
"Nga pala nice to meet you,ian? tama ba ko?" sabay ngiti.
"Yesss,Nice to meet you too, ahh.."
"Natalia" inunahan ko na sya bago pa sya ma awkward kasi di nya alam name ko. "Natalia Amara Morgan" sabay ngiti ulet para di sya ma awkward samin.
Ngumiti pa sya na parang amaze na amaze sya. "Oww,but I prefer call you beautiful baby" he also wink.
"Ahh.." I laugh awkwardly cause he's so flirty.
"Wag sya pre HAHAHA,di yan tumatalab sa kanya" tumawa ng malakas si jayce dahil sa kaibigan nya.
Kaya ayun bago pa san mapunta yung usapan namin. Inaya ko na sila papunta sa loob.
"Ahh.. HAHA tara na? Pasok na tayo sa loob,nandun na sila,ano jayce?" sabi ko pa.
"Oo tara na Ian,tama na flirt" tumatawa parin sya dahil sa ginawa ng kaibigan nya pero nanahimik nalang si Ian.
Nga pala yun,yung pinag-usapan ni darlene kanina kung okay lang ba sa kanya na pumunta si jayce and she said yes din naman so its okay na.
****
"Heyy Darlene?" tawag ko kay darlene na nag-aayos na ng pagkain.
"Bake——" di nya natapos ang sasabihin nya pagkakita nya kay jayce. "Ay ano, baket natalia?" bawi nya pa.
"Nandito na si jayce... Pwede na tayo magparty" sabi ko pa sabay ngiti.
"huh? Ah. Oo... Oo nga, tara na" ano ba yan para syang nalutang,di ko alam nitong si darlene. "Bago yun kain muna tayo" sabi nya pa.
"Nga pala may kasama sya Darlene, si Ian Lucas Perez" pagpapakilala ko sa kasama na Jayce. At tumango lang si darlene.
Kumain na kami pagkatapos naming mag-usap..
***
"So kamusta ka jayce? Mukhang may plano ka na naman ah" sarkastikong pagbati ni davis.
"Okay lang naman davis,ikaw kamusta? Kamusta yung paninira mo?" and he smirked.
"Anong paninira binagsasabi mo?" mukhang pikon ma si davis.
"Paninira ng buhay ng kaaway mo kamo,oh baket wala naman yun ibig sabihin ah" sagot pa ni jayce.
"Tumigil nga kayo,kakasabi ko lang na walang mangugulo eh" sabi ko. Dahil dun napatingin si davis saken pero umiwas din sya bigla at ayun tumahimik at tumigil sila.
***
Pagkatapos naming kumain nag suggest ni Ian na uminom eh,sa okay lang din naman samin basta yung soft lang. Kaya kinuha na ni darlene yung maiinom tapos si davis naman ang nag-ayos sa music namin.
Unang lumagok ng inumin si jayce sumunod naman si Davis na parang nagpapaligsahan.
"Uminom tayo Darlene" sabi ko pa.
"Sige ba,sabay tayo" sabi nya.
Di nagtagal nasa harap na si Ian sumasayaw
"Cheers sa pag-uwi ni Natalia!" sigaw ni darlene nA malamang lasing na.
"Cheers!!" sabay na sigaw ni davis at jayce.
"Guyss Thankyou so much sa inyo ha. Goshh,i didn't expect na I hohomecoming nyo parin ako kahit may nangyari kaya CHEERS!!" sigaw ko den baka di kami magkarinigan dahil maingay dito sa loob ng bahay nila darlene.
At di nagtagal sumunod naman si darlene kay Ian sumayaw din sya sa harap kaya ang naiwan ay ako,si jayce at si davis.
"Natalia?" tawag ni jayce saken.
"Oh,baket?" medj. maingay kaya medyo nilakasan ko den boses ko para marinig nya.
"Inom tayo!" sabi nya
"Oo,sige ba!" at sabay na sana kaming iinom ng nagsalita si davis.
"Sali nyo naman ako" at sa isip ko ano na to nakakamiss parang walang away na nangyari ah.
"Nakakamiss noo" sabi ko pagkatapos naming sabay uminom tatlo.
"Ang ano?" sabay na sagot ni davis at jayce.
"Yung ganto,tingnan nyo nga parang magpansinan kayo parang walang nangyari, nakakatuwa lang" sabi ko ket halata na nasabi ko to dahil sa kalasingan.
Nakita kong binaling ni davis sa ibang direksyon at walang balak sumagot si davis..
Kaya uminom nalang ulet ako.
"Restroom muna ako" paalam ni jayce sakin. Tumango lang ako dahil alam ko naiilang sya kaya umalis muna sya.
Dahil dun kami nalang ni davis ang naiwan.
Dahil sa pagka-ilang,naisipan kung lumabas muna. Aalis na sana ako ng may humawak sa kamay ko bago pa ako maka alis
"Taliaa?" napatingin ako kung sino yun.
"ano?" sabi ko.
"Dito ka muna" sabi pa nya.
"Tumigil ka nga davis" at inalis ko na ang kamay nya sa kamay ko.
***
Pumunta ako sa labas at nagpahangin muna,inaalala bawat alaala namin noon siguro epekto narin ng kalasingan kaya medyo nagiging emosyonal ako.
Noon pag nagkakasama kami parang lahat ng problema namin nawawala dahil sa saya at dahil narin sa bawat pag-aambagan,pagtutulongan namin magtrotropa.. Nakakamiss lang..
Arghhh... "Nakakainis ang epekto ng alcohol sakin.. Pinapadrama ba naman ako, montanga lang" sabi ko sabay tawa ket ako lang din naman mag-isa,baliw na ata ako dejoke.
***
Lumipas ang ilang minuto...
Dahil sa kalasingan ko di ko mamalayan nasa harap na pala ako at sumasayaw kasama si Ian. Hindi ko na mahanap si darlene at medyo nahihilo na din ako.
Muntik pa nga akong matumba buti nalang may wall sa likod ko kaya di ako natumba.
Sumasayaw kami ni Ian na para bang wala nang ibang tao sa loob.
"YOHOOO!! LET'S ALL DANCE EVERYBODY!" sigaw pa ni Ian.
"CHEERS!! EVERYONE!!" sigaw ko den tsaka may hawak pang wine.
Habang sumasayaw kami para bang.. bigla nalang parang umikot ang lahat and snap bigla nalang nagblackout.