KABANATA II

1315 Words
Isang taon bago bumalik sila Laura sa San Isidro, mayrong balita ang kumalat sa bayan. Ayon sa kanilang mga kalapit na bahay, si Rafael ay matagal na nawala at pinaghahanap ng mga sibilyan sapagkat sumama siya sa tulisan. Noong nakabalik na ang pamilya Asuncion, tila nagkaroon siya ng pagkakataon upang maghiganti sa pagkamatay ng magulang. Plantiyado na ang mga plano bagamat naging kumplikado noong magtama ang kanilang mata ni Laura, ang unang babaeng bumihag sa kanyang puso. Pag-ibig ang tuluyang nagpabago sa isipan ng binata bagamat ito rin ang naging dahilan upang muling sumiklab ang galit sa kanya. Dahil sa kasakiman ng isang dalagang nagtatago sa maskarang itim, gumawa siya ng iba’t-ibang kuwento para lamang galitin si Rafael.   FLASHBACK… She’s Lira, the woman that was born because of the curse. She’s the other personality of Laura. She has died for the last 120 years ago, and she is coming back to continue her dark plans. The nineth evil baby was born under Mercado’s family. The year 1836, there was a witch named Leonora Iya Ramisares, she was fell in love with Arthuro Mercado. She wants to get him, the man that she has loved for more than 5 years. Arthuro is planning to marry Sonita Benites, the woman that he just marry because of his parents. Leonora was coming from a witch family. She was obsessed with Arthuro that’s why she used poison just to make him fell in love with her, but there’s nothing happened. The poison has no power because Arthuro is protected by the wizard. During the wedding between Sonita and Arthuro, the witch tried to escape from the wall of the church. She can’t go to the inside because of something spell that covers the place. “Arthuro,” tawag sa kanya ng isang dalaga. “Hindi ko pinili ang ganitong buhay. Huwag mo sana akong iwanan dahil lamang sa itim na mahika, sapagkat handa akong mamatay para sa’yo. Alam kong nagagalit ka sa akin ngunit alam mo bang mas nagagalit ako sa’king sarili? Kailanman ay hindi ko ginustong katakutan at layuan ng mga tao, at hindi ko hinangad na magkasala dahil minahal kita. Patawarin mo sana ako,” Tumigil sa paglalakad ang lalaki noong marinig niya ang boses ng babaeng kanyang minamahal, ang babae na pinangakuan niya ng tunay at tapat na pagmamahal. Hindi na rin niya napigilan pa ang sunod-sunod na luhang umagos sa kanyang mga mata. Gusto niyang tumakbo at lapitan ito ngunit sa tuwing naiisip niyang maaaring ikamatay ni Leonora kung patuloy siyang susuway, lalo siyang nangangamba na totoong mangyari ang kinatatakutan niya. Marahan siyang pumikit at bumulong sa hangin. “Patawarin mo rin sana ako, Leonora. Hindi ko na magagawa pang tuparin ang ating mga pangako,” Muli siyang naglakad papalapit sa altar ng simbahan upang hintayin ang pagdating ni Sonita. Pilit niyang pinipigilan ang mga mapanudyong luha na patuloy pa rin sa pagbagsak. Mula sa malayo, nagtama ang kanilang mata ng dalagang nasa likod ng malaking puno. Ang kanyang mga tingin ay napupuno ng pagkawasak at lubhang nasasaktan. “Lubos kita minamahal. Halos talikuran ko ang aking mundo para sa’yo. Tama sila, ang tulad ninyong mga tao ay hindi nararapat mahalin. Sinusumpa kong hindi ka magiging masaya sa piling niya. Saksi ang kalawakan kung paano magdurusa ang inyong mga anak,” sambit ng dalaga habang gumagamit ng itim na mahika bago umalis. Lalong nadurog ang puso ni Arthuro. Alam niyang labis ang pagkasuklam sa kanya ng dalaga. Kahit paulit-ulit man siya nitong isumpa, animo’y wala pa ring hihigit na paghihiganti dahil sa sakit na kanyang ibinigay dito. “Pakiusap, ipikit mo lamang ang iyong mga mata sapagkat hindi ko nais na makita mo ang mga nangyayari. Hindi na kita magagawa pang lapitan upang punasan ang iyong mga luha. Hindi na rin kita muli pang mahahagkan kapag ika’y nahihirapan. Hindi na ako maaari pang manatili sa tabi mo,” sambit ng lalaki sa sarili habang pinagmamasdan ang papalayong si Leonora. ***** “Gusto kong maghirap sila!” galit na sigaw ng dalaga habang nagwawala sa gitna ng burol. Muli siyang napatingin sa bilog na buwan at animo’y umihip ang malakas na hangin, dinala siya nito sa gitna ng kagubatan. Kinuha niya ang libro ng itim na mahika mula sa ipinamana ng kanyang ninuno at binasa ang mga nakasulat. Inabot niya ang tatlong itim na kalapati at buong pwersang pinugutan iyon ng ulo gamit lamang ang mga kamay. Ang dugo nito ang ginamit niya upang gumawa ng hugis bituin sa lupa. “το σκοτάδι θα επικρατήσει, έρχεται μια δυνατή βροχή. ο κόσμος θα καεί, τίποτα δεν θα μείνει. Ούτε καν ένα!” Paulit-ulit niya itong sinasambit hanggang sa yumanig ang kalupaan. Habang nagdidilim, lalong lumalakas ang hangin. Dumating ang mga mahikero’t ibang gumagamit ng salamangka. Nakaramdam sila ng kadiliman kaya’t agad tunukoy ang lugar kung saan iyon nagmumula. “Leonora, ano bang ginagawa mo?” tanong ng isang matandang gumagamit ng puting mahika. Tinignan lamang siya ng dalaga at binugahan ng malakas na apoy. “Hindi ko hinihingi ang anumang opinion ninyo,” “Isa kang suwail sa paggamit ng itim na mah­ —" Hindi na niya pinatapos ito ng sasabihin dahil agad niyang sinakal gamit at tinanggalan ng hangin ang matanda hanggang sa hindi na makahinga. May mga mga mahikero ang nagtangkang sumugod bagamat wala silang nagawa. “Tumigil ka na!” sigaw ng isang babae mula sa kanyang likod, si Sonita. Agad siyang napatawa ng malakas habang matalim pa rin tinitignan ang babaeng kanyang kinamumuhian. “Isa kang mortal at hindi kabilang sa amin. Kamatayan ang naghihintay sa’yo!” Akmang susunugin niya si Sonita nang biglang namatay ang apoy sa kanyang mga kamay, ang malakas na pagyanig ng lupa ay mula kay Arthuro. Naguguluhan niyang tinignan ang lalaki dahil sa pag-aakalang isa lamang din itong mortal. “Ano pa bang hindi ko alam tungkol sa’yo?” sambit ni Leonora habang pinagmamasdan pa rin siya. “Pakiusap, itigil mo na ang lahat. Ikamamatay mo ang­ —” Isang malakas na pagputok sa kagubatan ang tuluyang nagpaliyab sa mga puno. Hindi na rin nasabi pa ni Arthuro ang mga nais niyang sabihin dahil napuno na ng galit ang puso ng dalaga. “Walang laban ang inyong kapangyarihan dahil lahat tayo ay mamamatay!” sigaw niya at tumawa habang nilalaro ang mga apoy. Walang nagawa ang iba dahil nabalutan ang paligid ng itim na mahika. Habang lumiliwanag ang buwan, lalo siyang lumalakas. Ilang saglit lamang, may isang malakas na puwersa ang tumama sa kanya kung kaya’t napaupo siya sa sahig at aksidenteng nabitawan ang libro. Ginulo siya ng ng isang ilusyon na gawa ng salamangkero. Kinuha naman ng isang lalaking mahikero ang libro. Noong makita iyon ni Leonora, nakaramdam siya ng panghihina dahil ang pahina ay kanilang pinunit. Unti-unting natuyo ang kanyang mga balat at hindi makagalaw. Ang libro ay may kung anong buhay na kusang kumawala sa kamay nila at lumipad patungo kay Arthuro. Nanginginig niya itong kinuha at hindi alam ang gagawin. Alam niya ang mangyayari kay Leonora sa oras na ito ay masunog, bagamat ang kanyang mga kasama ay nakikiusap na huwag pakikinggan ang dalaga. Huminga muna siyang malalim bago sinditan ang bawat pahina hanggang sa magkalat ang apoy. “S-sinusumpa ko, ang inyong ika-siyam na b-batang lalabas sa inyong l-lahing lalaki ay magdudulot ng k-kadiliman dito sa lupain!” habol hininga niyang sinasambit hanggang sa tuluyang siyang masunog. Naging alabok ang libro tulad ng nangyari sa katawan ni Leonora. Lumapit si Arthuro at lumuhod. Kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan ay ang luha sa mga mata nito. “Patawarin mo ako kung kahit sa huli mong hininga ay hindi kita naipaglaban,”   END OF FLASHBACK.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD