Chapter 04

1057 Words
PABAGSAK KONG SINARADO ang pinto ng aking apartment. Wala akong sinayang na oras at nagmamadaling pumasok sa loob ng kuwarto ko. I gathered all my important things. Money, clothes and Lola Mariana’s book. Kumuha rin ako ng dalawang jacket at pares ng damit. Inabit ko ‘yon kay Callie na tulala ngunit umiiyak pa rin. Wala sa sariling bumaba ang tingin niya sa hawak ko. “Malayo ang apartment ko. Hindi nila kaagad tayo mahahanap,” saad ko. “Take a shower first. Magtataka ang mga tao kapag nakita nila tayong marumi.” Pareho kaming marumi dahil sa pagtakbo kanina. Hindi kami p’wedeng umalis sa ganitong ayos dahil mausyoso ang mga tao sa mga bagay . Baka magkaproblema pa kami. Tumango si Callie saka inabot ang damit. Pabagsak akong naupo sa sofa at humugot ng sunod-sunod na malalalim na paghinga. I don’t have any idea where we will go. Sa karatig bayan ba o sa kabilang siyudad na mas maraming mga tao at mas malaki ang porsyento ng gusali kaysa kagubatan. Magiging mahirap magsimula sa bagong lugar lalo na sa kalagayan namin ngunit iisipin ko pa ba iyon? Ang mahalaga ay makaalis kami ni Callie rito nang ligtas. Ako ang sumunod maligo nang lumabas si Callie mula sa banyo. Mabilis lang akong naligo at nakabihis na nang lumabas. Tinutuyo ko ang aking buhok nang muling magsalita si Callie. “Saan na tayo ngayon nito, Jordan?” mahina at may pangambang tanong niya. “Sa karatig bayan muna tayo. Kapag nalaman nating ligtas, doon na tayo maninirahan. Ngunit kung hindi, mapipilitan tayong lumipat ng siyudad,” sagot ko. Pumasok ako sa loob ng kuwarto para kumuha ng isa pang tuwalya upang mabilis na tuyuin ang buhok. But I halt and hiss when I feel a burning sensation on my chest. Sa parteng puso. Ibinaba ko ang neckline ng suot kong t-shirt upang tingnan iyon. Nangunot ang noo ko nang makita ang may katamtamang liit na bilog na may simbolo sa loob. Namumula pa ang balat ko. “What is this—” “They’re k********g wolves to be part of them.” Nawala ang atensyon ko sa tinitingnan ko dahil sa sinabi niya. Sinuot ko ang jacket saka lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa. “W-What? Kung gano’n ay narito sila para gawin tayong parte ng pack nila?” hindi makapaniwalang tanong ko. Dahan-dahan siyang tumango. “It was a foolish move. I shouldn’t have talked to him—” Napatigil siya sa pagsasalita. “Callie,” mahina at may pagbabanta kong tawag. “Be honest with me. Ano ang totoong nangyari?” Nangatal ang mga labi niya na parang pinipigilan ang hikbi. “I-I’m sorry, J-Jordan.” Tuluyan na siyang napahagulgol. Sinapo niya ang mukha upang takpan ang masasaganang luha. Nanatili akong nakatayo at hindi makagalaw. Isang ideya ang pumasok sa aking isip na nagbigay sa akin ng kaba. H-Hindi kaya. . . “I-I don’t know what’s with that smell. . . I-It lured me towards them. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. The smell was so strong. . . na parang nagkaroon ng sariling isip ang lobo ko at nilapitan siya. I-I just want to ask them what they’re here for. Umasa akong mabuti sila, p-pero mali ako. Ngayon ay inilagay ko pa ang sarili natin sa kapahamakan,” humahagulgol niyang utos. Napapikit ako nang mariin. It was all I needed to hear to confirm something. My best friend, Callie. . . is mated to one of those wolves. Nilapitan ko siya. “O-Okay lang. Ang mahalaga ay ligtas at nakataas ka sa kanila. Sa ngayon, ang importante ay makatakas tayo. Common, we need to go.” Tahimik kami habang tinatahak ang daan patungo sa bus station. Isang sakay lang ng bus ang karatig bayan. Mabilis lang kaming makakarating. Saka ko na lang iisipin ang tutuluyan namin kapag nandoon na. Alas tres na ng madaling araw kaya wala nang masyadong nagdaraan na sasakyan. Tahimik ang kalsada at ang mga ilaw mula sa lamppost na lang ang tanging nagbibigay liwanag sa paligid. “Callie?” tawag ko nang mapansin ang pagkatahimik niya. Nilingon ko siya nang hindi siya sumagot ngunit gano’n na lang ang kaba ko nang makitang wala siya sa aking likod. “Callie! Callie!” “She’s with us.” Nanigas ako sa nang marinig ang payak at matalim na boses na iyon. Mabilis akong tumingin sa aking gilid. Mula sa dilim, lumabas doon ang tatlong lalaki. Hawak ng isa si Callie na umiiyak. Nagtagis ang mga ngipin ko. “Pakawalan niyo siya,” mariin niyang utos. “Bakit namin gagawin iyon?” Ngumisi ang lalaki sa kanan. Mapaglaro at walang kababakasang awa ang kulay itim na mga mata nito. “You bitches made things difficult for us. At this point, I could’ve cared less and killed you two if it wasn’t for the Alpha’s order.” “Alastair,” saway ng lalaki na nasa gitna. Kumpara sa naunang lalaki. Maamo ang mukha nito at mukhang hindi marunong tumingin nang masama ang kulay kayumangging mga mata. “Leo,” tawag ng lalaking may hawak kay Callie. Mukha itong mas bata sa kanila. Mga kasing-edad namin ni Callie. “It’s nearing four.” Bumaling sa akin ang nasa gitna, ang lalaking nagngangalang Leo. “We won’t harm you or your friend if you come with us peacefully,” saad niya. Nagtagis ang mga ngipin ko. “We are not your wolves. We belong in this town! Wala kayong karapatang basta na lang kaming kunin at sirain ang tahimik naming buhay!” Mapang-insultong tumawa ang nagngangalang Alastair. Isang nang iinsultong ngiti ang sumilay sa mga labi niya. “Gagawin namin lahat ng gusto naming gawin and that includes owning lone wolves, by will or by force. You can’t do nothing about that, b***h,” he spat. Kumuyom ang mga palad ko. Gusto ko silang saktan at ipakita ang galit ko dahil sa kalapastanganan nila. Ngunit hindi ko magawa dahil hawak nila si Callie. “Take her,” utos ng nasa gitna. Lumapit sa akin ang nakasagutan kong lalaki at mahigpit na hinawakan ang aking braso. Wala na rin akong nagawa dahil para na akong tinakasan ng lakas. “Make sure you deliver them to the Alpha without a problem. Carry out your orders.” Sa mga salitang iyon ay tuluyan na akong nanghina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD