Kabanata 2

1089 Words
Mamahaling chandelier ang kumikislap sa kisame ng isang five-star restaurant sa Makati. Sa isang mahaba at pulidong mesa, nakaupo ang pamilya Velum kasama ang ilang business partners. Kilala ang mga Velum sa buong bansa—at maging sa ibang panig ng mundo—bilang isa sa pinakamatatag na angkan ng mga negosyante. Sa dulo ng mesa, tahimik lang si Lawrence Kei Velum. Dalawampu’t pitong taong gulang, matalino, gwapo, malakas ang dating. Hindi na bago sa kanya ang presyur ng pamilya at ng negosyo, ngunit ngayong gabi, tila sobra na. “Lawrence,” panimula ng kanyang ina habang nakatingin ng diretso sa kanya, “hindi ka na bumabata. Kailan mo balak mag-asawa?” Sumabay ang ama, malamig pero matalim ang tinig. “Ang negosyo, hindi lang pera. Kailangan mong ipakita na matatag ka, may pamilya ka. Stability is influence.” “Business partners are asking too,” dagdag pa ng tiyuhin niya. “They want assurance na hindi lang ikaw ang nagdadala, kundi pati ang magiging pamilya mo.” Nagsimula na rin ang iba pang kamag-anak. “Hindi puwede puro trabaho lang, Lawrence.” “Kailangan ng Velum heir.” “Sayang ang genes mo kung walang magmamana.” Pinisil ni Lawrence ang baso ng alak sa kamay. Sa labas, mukhang kalmado siya. Pero sa loob, kumukulo ang dibdib niya. Hindi pa siya nakaka-move on mula sa dating kasintahan—isang babaeng bigla na lang nawala nang walang paliwanag. Hanggang ngayon, parang multo pa rin itong bumabalik sa mga alaala niya. At ngayong lahat sila, pinipilit siyang mag-asawa, parang gusto niyang tumawa ng mapait. “Fine,” mariin niyang sagot. Tumahimik ang lahat. “Kung gusto niyo ng asawa para sa akin… bibigyan ko kayo.” Napatingin ang lahat, nagulat. “Pero sa paraan ko.” Ininom niya ang alak, saka ngumiti ng malamig. “May pera ako. Kaya kong magbayad ng babaeng gaganap bilang asawa ko. Hindi niyo malalaman ang kaibahan. Samantala, ibang mundo naman ang kinakaharap ni Jazzy. Habang si Lawrence ay kumakain ng steak, siya naman ay nagtataka kung saan kukuha ng pambili ng gamot kina Mama at Papa. Sa loob ng maliit nilang bahay, sabay na nakahiga ang kanyang mga magulang, parehong may sakit. Si Nicole, ang nakababatang kapatid, pilit nagluluto ng sopas. “Ate,” mahina niyang sabi, “wala na tayong pera. Paano na?” Ramdam ni Jazzy ang bigat. Siya ang panganay. Siya ang dapat kumilos. At ang banta ni Don Ernesto, nakabitin sa leeg nila—tatlong araw na lang, at mawawala ang bahay at lupa nila. Kinagabihan, dumating si Marco, ang matalik niyang kaibigang bakla. Palaban ang aura nito, ngunit ngayong gabi, seryoso ang mukha. “Bes, may alam akong racket,” panimula niya. “Hindi glamorous, hindi rin showbiz na showbiz. Pero may bayad, at hindi ka mapapahamak. Kailangan lang nila ng babae na marunong magdala ng sarili. Parang extra lang. Acting.” Nag-aalangan si Jazzy. “Acting? Hindi naman ako marunong umarte.” “Bes, araw-araw umaarte ka na malakas ka. Na hindi ka umiiyak kahit ang bigat-bigat na. Trust me, kaya mo.” At nang iabot ni Marco ang sobre ng advance na pera, hindi na siya nagdalawang-isip. “Bes… sige. Kinabukasan, kasama si Marco, nakarating si Jazzy sa isang malaking warehouse na ginawang casting venue. Pagpasok pa lang, para siyang nalunod sa dami ng tao. Daan-daang babae ang naroon. Lahat may bitbit na envelope, resume, at headshots. Magaganda, matataas ang self-confidence, at halatang sanay na sa ganitong mga audition. Si Jazzy, naka-simpleng blouse at maong, hawak ang lumang bag. Wala siyang dala kundi ang kaba at pag-asa. Habang pinapila silang lahat, at isa-isang tinatanong ng mga panel, hindi maiwasang mag-isip si Jazzy habang pinagmamasdan ang mga kasama. “Grabe, bakit kaya may taong maghahanap ng babae para lang magpanggap na asawa? Para saan ‘yon?” bulong ng isip niya. Bigla siyang natawa ng mahina. “Siguro gaya ng mga pelikula na napapanood ko. Yung tipong kailangan ng lalaki ng asawa para makuha ang mana. As if na may asawa siya para makuha ang kayamanang ipapamana.” Napailing siya, pinipigil ang ngiti. Pero pagkatapos ng ilang segundo, bigla siyang natigilan. “Pero… teka. Kung totoo nga? Okay rin naman ah. At least, kung ako ang mapili, sasahuran naman ako. Hindi ako malulugi. Bonus pa kung made-develop ang acting skills ko. Baka nga… new door or new opportunity ito para sa akin.” Sa gitna ng kaba, nakaramdam siya ng kakaibang sigla. Parang kahit sandali, nakita niya ang posibilidad na baka may magandang patutunguhan ang lahat ng ito. “Bes, relax ka,” bulong ni Marco bago siya iwan sa waiting area. “Hindi ka lalaban ng ganda dito. Baka nga mas gusto nila ‘yung natural. Kaya mo ‘to.” At nagsimula ang mahabang paghihintay. Unang dalawang oras, pinipirmahan niya ang mga form. Pagkatapos, tinawag sila para mag-picture taking. Nang lumipas ang apat na oras, pinapila sila para sa unang round ng interview. “Kung papayag kang gumanap bilang asawa ng estranghero, bakit?” tanong ng isang panelist. “Kung kailangan mong magsinungaling para protektahan ang papel, kaya mo ba?” Kinabahan siya sa bawat sagot, pero ginawa niya ang lahat para magmukhang matatag. Habang lumalalim ang gabi, ramdam niya ang gutom at sakit ng katawan. Nakita niya kung paanong unti-unti nang nag-uwian ang ibang babae—yung iba, umiiyak, yung iba, nagtatawanan na lang. Sa tabi niya, may isang mestiza na nagbuntong-hininga. “Wala na tayong chance. Tignan mo naman, ang daming mas prepared.” Napayuko si Jazzy. Totoo. Pero naisip niya si Mama at Papa. Naalala niya ang sopas na niluluto ni Nicole. At kinapitan niya ang natitirang lakas. Umabot ng halos labindalawang oras bago matapos ang audition. Nang i-announce ng coordinator: “Thank you, ladies. Tatawagan na lang po namin bukas kung sino ang napili. Pwede na kayong umuwi.” Halos gumuho si Jazzy. Ang buong araw niya, pagod at pawis, parang nasayang. Pero bago siya makalabas, may staff na lumapit. “Miss, allowance. Para sa oras mo.” Iniabot ang maliit na sobre. Nang silipin niya, may lamang perang sapat pambili ng gamot para kina Mama at Papa, at pagkain para sa isang linggo. Napatitig siya sa sobre, napaluha ng bahagya. “Salamat, Lord,” bulong niya. “Hindi man ito sapat, pero kahit papaano… may na-uwi ako.” Hindi niya alam — sa parehong oras na iyon, si Lawrence Kei Velum ay nagbigay ng utos sa kanyang sekretarya: “Hanapin mo ang babaeng babayaran ko. Yung kayang magpanggap bilang asawa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD