Kinabukasan, tumunog ang cellphone ko habang pinapakain ko sina Mama at Papa.
“Hello?” mahina kong sagot.
“Miss Jazzy… Calina?” malamig na boses ng babae sa kabilang linya.
Napakunot ako ng noo. Calina?
“Opo… ako nga po.”
“Congratulations. You’ve been chosen. Please be at Velum Tower, Makati. Third floor, Conference Room C. One p.m. sharp.”
At bago pa ako makapagtanong, pinutol na ang tawag. Naiwan akong tulala, parang pinagsakluban ng langit at lupa.
“Ate? Sino ‘yon?” tanong ni Nicole mula sa kusina.
“Nicole…” ngumiti ako ng pilit. “…napili ako.”
Pagdating ni Jazzy sa Velum Tower, halos hindi gumana ang mga paa niya. Para siyang biglang napadpad sa ibang planeta.
Mataas ang building, halos tumatagos sa ulap. Sa loob, agad niyang nakita ang mga marmol na sahig na kintab na kintab, mga chandelier na parang brilyante, at mga painting na siguradong hindi basta nabibili sa Divisoria.
Napatitig siya sa paligid, halos manganga-nga.
Grabe… sa TV ko lang ‘to nakikita! Akala ko sa teleserye lang may ganito! Totoo pala sa real life…
Hindi niya mapigilang halungkatin ang cellphone niya. Pasimple siyang nag-selfie sa gilid ng malaking painting. Isa pa sa may fountain na may gold accents. Tapos kinunan pa niya ng video yung lobby.
“Pang-My Day lang, char!” bulong niya sa sarili, sabay tawa ng mahina. Kung makikita ‘to ni Marco, maiinggit ‘yon for sure!
Sa sobrang aliw, hindi niya namalayang kanina pa siya pinapansin ng receptionist.
“Miss Calina? … Miss Jazzy Calina?” tawag nito, may kasamang pormal na ngiti.
Hindi siya umimik. Busy kasi siyang nag-aayos ng anggulo ng phone. “Wait lang po, last shot na!” bulong niya, sabay click ng isa pang selfie kung saan kitang-kita ang marble background.
Napailing ang sekretarya. Lumapit na ito ng kaunti at medyo nilakasan ang boses.
“Miss Calina! You’re being called upstairs.”
Doon lang siya natauhan, halos malaglag ang cellphone niya.
“Ay! Ako na ba ‘yon? Naku, sorry po! Hindi ko po narinig… Ang ganda kasi dito, parang museum!”
Medyo natawa ang sekretarya, pero nanatiling professional. “This way please, Miss.”
Sumunod agad si Jazzy, habang pasimpleng pinapawisan ng malamig. Hay naku, Jaz… baka mapahiya ka na agad sa first impression mo. Kumalma ka nga.
Pagdating nila sa taas, binuksan ng sekretarya ang isang pinto.
“Hi Sir, good afternoon. Andito na po siya.”
Pumasok si Jazzy, agad bumati. “Good afternoon po!”
Tahimik ang lalaki sa loob. Nakatitig lang ito sa kanya ng ilang segundo. Matangkad, gwapo, at matikas ang tindig sa kanyang dark suit. Para siyang corporate model na lumabas sa magazine cover.
Napatitig si Jazzy, natulala, bago biglang napayuko at napakagat-labi.
Jusko… ang gwapo! Parang natutunaw na ako. Ito na ba siya? Ito na ba ‘yung amo ko? Kung siya man… pwede na sigurong totohanin ang wife-wife na yan. Kahit fake, okay lang—basta magkasama kami.
“Dale Huros,” pakilala ng lalaki, iniabot ang kamay. “Ako ang kakausap sa’yo mula ngayon.”
Kinamayan siya nito, diretso at firm. Wala nang paligoy-ligoy. Pinaupo siya agad at inilabas ang ilang papeles.
“Miss Calina, this won’t take long. Narito ang kontrata. Basahin mo, pirmahan kung payag ka. Pero bago ang lahat, malinaw dapat sa’yo ang mga rules at role mo.”
Binuksan ni Dale ang folder at isa-isang ipinaliwanag.
“Dos and don’ts:
– Hindi ka puwedeng maglabas ng kahit anong detalye tungkol sa papel mo.
– Kailangan mong kumilos bilang legal wife ng employer ko sa harap ng pamilya at publiko.
– Walang personal feelings, walang emotional attachment. Trabaho lang.
– Kapag nagkamali ka, tapos agad ang kontrata.”
Halos hindi makahinga si Jazzy nang mabasa ang detalye.
“Fake… marriage?!” halos pasigaw niyang tanong.
Tahimik lang si Dale. “Yes. Legal sa papel. Pero trabaho lang. Walang personal.”
Nanlaki ang mga mata ni Jazzy nang makita ang nakasulat na halaga sa dulo ng kontrata. Para siyang natulala.
Ito… sapat para mabayaran ang lahat ng utang ng pamilya ko. Hindi ko na kailangan pang mag-abroad!
Napaluha siya sa tuwa, pero mabilis na pinunasan. Hinawakan ang ballpen at tumingin kay Dale.
“Sir, promise… gagawin ko lahat. Hindi kayo magsisisi na ako ang kinuha niyo.”
Bahagyang tumango si Dale, expressionless. “Good. Tandaan mo lang—kapag hindi mo magampanan talaga ang trabaho mo ,automatic void ang kontrata. Wala kang habol.”
Tumango si Jazzy, buong puso. Para sa kanya, ito na ang simula ng pag-asa.
Pero hindi niya alam, sa kabilang silid, may isang lalaking nakamasid sa kanya.
Sa likod ng tinted glass, nakahalukipkip si Lawrence Kei Velum, malamig ang mga mata. Pinapanood niya kung paanong pumirma si Jazzy, kung paanong kumislap ang mga mata nito nang makita ang offer.
Napailing siya. Typical. Lahat ng babae pare-pareho. Konting pera, konting kinang, bibigay agad.
“Make sure she’s the right one,” malamig niyang utos sa sekretarya. “Ayokong mapahiya. Ayokong mabuko ng pamilya ko.”
“Yes, Sir.”
Hindi na siya lumapit. Hindi niya piniling ipakilala ang sarili. Para kay Lawrence, walang halaga kung sino ang babae. Ang importante lang, gumana ang plano.
Wala akong pakialam kung sino siya. Basta magawa niya ang trabaho.
Habang si Jazzy naman, nakangiti at umaasang nagsisimula na ang bagong kabanata ng buhay niya—hindi niya alam, ang estrangherong dapat niyang pakasalan ay naroon lang… at walang balak siyang pahalagahan.
At pagkatapos nilang mag usap ni Dale nagpa alam na siya nito at lumabas na sa room.
Ngiting-ngiti pa siya habang hawak ang cellphone, iniisip kung magse-selfie ba siya para may MyDay update.
Grabe, Jaz… jackpot ka! Ang gwapo ng magiging boss mo. Parang k-drama oppa, pero mas totoo!
Pero habang nakangiti siyang naglalakad, hindi niya namalayang paparating na sa kabilang dulo ng hallway ang isang lalaki. Matangkad, broad shoulders, naka-three-piece suit. Sanay siyang lahat ng babae napapalingon, pero ngayong oras na ito, isang simpleng babae ang hindi man lang lumingon sa kanya.
Lawrence (naka-arch ang kilay, isip niya):
Interesting. Malayo pa lang, dapat nagkakandarapa na. Pero siya? Abala sa sariling mundo. Sino siya?
Jazzy (sa isip, kinikilig):
“Grabe… ang gwapo niya! Diyos ko, kung siya ang boss ko… baka ma-in love ako araw-araw.”
Nakayuko siya, nagre-replay sa isip ang mukha ni Dale, hanggang bigla siyang na-out balance. Madulas ang sahig, muntik na siyang sumubsob—
Jazzy:
“Ahhh! Ay, Diyos ko—”
Pero bago siya bumagsak, may dalawang matigas na kamay ang biglang humawak sa kanya.
Pag-angat ng tingin niya— pamilyar ang mukha. Matangos ang ilong, matalim ang mga mata, at preskong-presko ang porma.
Jazzy (napabulong):
“Ikaw na naman?!”
Ngumisi ng mapakla ang lalaki. Si Lawrence Velum.
Lawrence (malamig, strikto):
“Bakit parang lagi kang naghihintay na may magligtas sa’yo? Wala ka bang sariling paa para tumayo ng maayos?”
Jazzy (umirap):
“Excuse me? Kung hindi madulas ang sahig hindi ako nadadapa.”
Lawrence (napailing, mapanakit):
“Typical… mahina, pabaya, at puro reklamo. Hindi ko alam kung bakit nag-aaksaya ng oras ang mga tao dito sa mga kagaya mo.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jazzy. Napasinghap siya, hindi makapaniwala na ganito siya tratuhin.
Jazzy (defensive):
“Hoy! Wala ka namang karapatang husgahan ako. Hindi mo nga ako kilala!”
Lawrence (sarkastiko, malamig ang titig):
“Hindi na kailangang makilala ang isang taong gaya mo. Isang tingin pa lang, alam ko na—hindi ka bagay sa mundong ito. Masisira ka lang… at baka makadamay pa.
Natigilan si Jazzy. Sa halip na magpasalamat sa pagsalo sa kanya, nasaktan siya sa bawat salitang binitiwan ng lalaki.
Jazzy (napakagat-labi, pigil ang luha, pabulong):
“Ang yabang mo… at ang sakit mo magsalita.”
Lumayo na si Lawrence na para bang wala lang siyang ginawa, iniwan si Jazzy na nakatayo roon—galit, pero may kakaibang kirot sa dibdib.