Hope POV
Pumasok ako sa isang sikat na club.
Lugar kung saan madalas ang mga mayayaman—mga businessman, pulitiko, at mga taong kayang bumili ng kahit ano… kahit sino.
Pagpasok ko sa kuwarto namin, agad kong naabutan si Momma.
At sa isang iglap,
Pak!
Malakas ang sampal na sumalubong sa akin.
Napatingin ako sa kanya, sapo ang pisngi kong agad namula.
“Saan ka galing kagabi?!” galit na galit niyang sigaw.
“Doon po sa hotel na sinabi niyo…” mahina kong sagot.
“Sinungaling!” mas lalo siyang nagngitngit. “Alam mo bang magdamag kang hinintay ni Mr. Cheng? Wala ka doon!”
Nanlaki ang mata ko.
“Pero Momma, nandun po talaga ako”
“Tumahimik ka!” putol niya. “Pagkatapos mong kunin ang pera, ganyan ang gagawin mo? Wala kang utang na loob!”
Napahigpit ang kamao ko.
“Hindi po ako nagsisinungaling,” pilit kong sabi. “May customer po ako kagabi… at may nangyari.”
Saglit siyang natigilan.
Pagkatapos, ngumisi—pero walang kabaitan.
“Ibig mong sabihin… nagsisinungaling si Mr. Cheng?” malamig niyang tanong.
“Opo. Nagsasabi po ako ng totoo.”
Tinitigan niya ako ng matagal, parang sinusukat kung hanggang saan ang kaya kong panindigan.
“Sige,” matigas niyang sabi. “Mamaya, ihaharap ko siya sa’yo.”
Napalunok ako.
“Magbihis ka na. Ikaw ang magpe-perform.”
Tumango lang ako.
Wala na akong lakas para makipagtalo.
Dumiretso ako sa dressing room.
Pagpasok ko, agad kong tinignan ang damit na nakaabang.
Isang tiger outfit.
May buntot.
Bra at panty lang ang halos bumubuo nito.
Napapikit ako sandali bago nagsimulang mag-ayos. Inilapat ko ang make-up—matapang, mabangis, parang karakter na kailangan kong gampanan gabi-gabi.
Isa akong mananayaw sa club.
Nagpapa-table.
Ngumiti.
Sumasabay sa gusto ng customer,
Pero hindi ako yung tipo na basta na lang sumusunod sa lahat.
May hangganan pa rin ako.
May natitira pang dangal.
Kahit pa unti-unti na itong nauubos dahil sa pangangailangan.
Sa gabi,
Ito ang mundo ko.
Pero sa umaga…
Isa akong estudyante.
Nasa kolehiyo.
Kumukuha ng kursong Mass Communication.
Dalawang magkaibang buhay.
Isang Hope sa liwanag,
At isang Hope sa dilim.
Umalingawngaw ang malakas na tugtog sa buong club.
Nagdilim ang paligid.
At biglang,
Spotlight.
Sa akin.
Napahinga ako nang malalim bago ako tuluyang lumabas sa stage.
Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang mga matang nakatutok sa akin, mapanghusga, mapagnasa, mapili.
Ito ang mundo ko.
Ito ang kailangan kong gampanan.
Umikot ang ilaw habang nagsisimula ang sayaw ko. Dahan-dahan, kontrolado. Bawat galaw, pinag-isipan. Hindi lang para mang-akit—kundi para mabuhay.
Sumabay ang katawan ko sa ritmo ng musika.
Parang wala akong iniisip.
Parang wala akong dinadala.
Pero sa totoo lang,
Punong-puno ako.
Ng tanong.
Ng galit.
Ng sakit.
At ng isang lalaking hindi ko pa rin maalis sa isip ko.
Habang umiikot ako sa gitna ng stage, napatingin ako sa crowd.
At doon,
Natigilan ako.
Sa VIP section.
May isang lalaking nakaupo.
Tahimik.
Hindi kagaya ng iba na maingay at lantaran ang tingin.
Siya,
Nakatingin lang.
Diretso sa akin.
Parang ako lang ang nakikita niya.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Siya…?
Hindi ko sigurado.
Pero may kung anong pamilyar.
Sa tindig.
Sa aura.
Sa paraan ng pagtitig niya.
Napalunok ako pero hindi ako tumigil.
Mas lalo kong pinagbuti ang sayaw ko.
Mas naging mapang-akit.
Mas naging matapang.
Parang hinahamon ko siya,
Kung sino ka man… kilala mo ba ako?
Habang papalapit ako sa dulo ng performance, mas lalo akong nilalamon ng tensyon.
At bago matapos,
Tumigil ang music.
Tahimik.
Palakpakan.
Sigawan.
Pero wala akong narinig.
Dahil ang focus ko,
Nasa kanya pa rin.
At sa sandaling iyon,
Tumayo siya.
Dahan-dahan.
At kahit malayo,
Ramdam ko.
Ako ang pakay niya.
Pero nang muli akong tumingin,
Wala na siya.
Parang bigla na lang naglaho.
Napahinga ako nang malalim, pilit hinahanap siya sa crowd. Luminga-linga ako, baka nasa ibang table lang… o baka nagpunta lang sa banyo.
Nasaan na siya…?
Pero wala.
Hindi ko na siya makita.
“Hope.”
Napalingon ako.
Nasa tabi ko na si Momma—at may kasama siyang lalaki.
Si Mr. Cheng.
Agad nagbago ang expression ko.
Pinilit kong ngumiti kahit ramdam ko ang inis na unti-unting umaakyat sa dibdib ko.
Nag-usap kami.
At doon ko napatunayan—
Hindi nga siya ang lalaking kasama ko sa hotel kagabi.
Magkaibang tao.
Magkaibang mundo.
“Okay lang,” sabi ni Mr. Cheng, may pilit na ngiti. “Hindi mo naman schedule kagabi. Pero ngayon… gusto kitang ma-table.”
Nanlalamig ang boses niya, pero ang mga mata,
Diretsong nakatutok sa dibdib ko.
Halos hindi na kumukurap.
Parang hinuhubaran ako sa tingin pa lang.
Napakuyom ang kamao ko.
Kadiri…
Pakiramdam ko, kulang na lang tumulo ang laway niya habang nakatitig.
“Sure ka ba, Hope?” tanong ni Momma, pero alam kong hindi iyon tanong—kundi utos.
Napabuntong-hininga ako.
“Opo…” pilit kong sagot.
Pero sa loob-loob ko,
Manyak.
Napailing ako nang bahagya.
Buti na lang talaga…
Hindi kami natuloy kagabi.
At habang nakatayo ako sa harap nila
Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko,
Kung hindi siya si Mr. Cheng…
Sino yung lalaking ‘yon?
At bakit pakiramdam ko,
Hindi pa doon nagtatapos ang pagkikita namin?