Thamia NAGISING ako na iba ang pakiramdam ko. Ang gaan ng nararamdaman ko na akala mo ay isang panaginip lamang ang nangyari sa school kanina. Ramdam na ramdam ko rin ang paghaplos ng mga daliri sa aking braso. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napagtanto na nasa loob ako ng bathroom at nasa loob ng bathtub. Naamoy ko ang nakaka-relax na bango ng lavender na nakahalo sa tubig kung nasaan ako. Bahagya akong gumalaw para alamin kung isa ba itong panaginip nang manakit ang buong katawan ko. “Are you awake?” Nakarinig ako ng boses ng isang lalaki. Nagtaas ako ng tingin sa kanya para makita si Miguel na nasa likod ko. Kasama ko siya sa bathtub at nakapahinga ang aking likod at ulo sa kanya. “Nasaan tayo?” tanong ko sa kanya. Medyo nalulula pa ako. Hindi ko pa ma-determine

