Nina Ricamonte Masaya akong bumangon sa pagkakahiga.Saka ko lang na realized na dito pala ako natulog sa kwarto ni Chistian. Pinagmasdan ko ang mukha nito.Naalala ko ang mga sinabi nya kagabi.. 'Kailangan kita.Dahil mahal kita.' Kiyaaaaaaaaahhhhh! Sa sobrang saya ko parang gusto ko syang gisingin para paulitin yung mga sinabi nya kagabi.Kaso,ayaw ko namang istorbohin sya dahil ,ang sarap ng tulog nya eh. Ngayon,parang gusto kong wag nang umalis dito sa tabi nya,at hintayin na lang ang paggising nya pero naisip ko na dapat ko syang paghandaan ng almusal.Tutulungan ko na lang si Aling Norma. Binigyan ko ito ng mabilis na halik sa noo at tuluyan ng bumababa. Naabutan ko si Aling norma na aligaga sa paghahanda ng almusal. "Oh?aling Norma?bakit parang natataranta ka?" Namumitla itong

