Christian Cruz Nagpaharurot ako kaagad ng kotse nang matanggap ko ang mensahe ni Mr.Maniago na naglalaman ng sapat na impormasyon sa kinaroroonan ni Nina at ng hayop na iyon. Walang katinag-tinag ang aking paningin sa kalsada,na para bang ako na mismo ang kumokontrol nito sa bilis ng aking pagmamaneho.Ni mga sasakyang humaharang sa harapan ko ay wala na kong pakialam pa. Punong puno ng lason ang utak ko. Kung papano ko ba papatayin sa sarili kong mga kamay ang demonyong iyon.Kung papaano nya mababayaran ang mga kahayupang ginawa sa akin,sa amin. Pero saka ko lang napagtanto,nagpaplano ako ng pwedeng maging sanhi ng pagkamatay ng magaling kong kapatid-pwe!Kung wala akong armas.This is kind of torture,kating kati na akong mapatay ang gagong iyon.Basta kumilos na lang ang kamay na hablut

