SERYOSONG pinapanood ni Alisha ang mga batang nasa hardin ng bahay ampunan kung nasaan siya. Ang puso niya ay natutuwa sa mga batang wala pang muwang sa mundo. Mga batang walang ibang iniisip kundi ang mag laro. Mga batang hindi pa maitanong kung bakit sila naroon sa bahay ampunan o kung may pamilya pa ba ang mga ito.
“Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap”
Tumingin ang dalagang si Alisha sa bagong dating na madre sa harap niya. It's Sister Andy. Nakangiti ito habang nakatingin sakanya maya’t maya pa ay umupo ito sa katabi niyang upuan.
“Nakakatuwa lang po panoorin ang mga bata, tuwang-tuwa sila habang naghahabulan." simpleng sagot ni Alisha.
Ngumiti ang madre. “kagaya mo rin ang mga batang yan noon. Naalala ko pa tuwing naglalaro kayo ni Aleyah ay madalas kang madapa. Pero parang wala lang sayo. Habang kapag naman si Aleyah ang nadadapa ay halos magtakbuhan lahat ng madre sa lakas ng iyak niya.” natatawang kwento ni Sister Andy, habang nakatingin sa mga batang ngayon ay nagtatakbuhan.
Natawa rin si Alisha.
Biglang bumalik lahat sa alaala niya ang mga pangyayating iyon. Pakiramdam niya ay sumisikip ang dibdib niya habang iniisip na bukas ay lilisanin na nila ang bahay ampunan na kinalakihan nila.
Narinig ng dalaga ang mabigat na paghinga ng madreng nasa tabi niya. Kaya naman tumingin siya rito.
“Ang bilis ng panahon dati nabubuhat pa kita, ngayon ay bente tres kana.” malungkot na ani Sister Andy.
“Katulad po ng lagi niyong sinasabi Sister, darating ang araw na kailangan namin harapin ang parating na mga obligasyon sa buhay namin.” Alisha stated.
“Alam ko. Siguro ay nasanay lang ako na narito ka, kayo. Hindi ko lang napaghandaan ang araw na kagaya nito kung saan lilisanin niyo ang lugar na ito.” sabi ng madre gamit ang malungkot na boses nito.
Kahit naman ang dalaga ay tila hindi handa sa pag alis niya ngunit ano nga ba ang magagawa niya? She's old enough to handle herself. May trabaho na siya sa isang malaking kompanya. Hindi rin pwedeng habang buhay ay nakaasa siya sa lugar na iyon.
“Sister Andy.... Dadalaw naman kami e. Hindi naman porke aalis kami e, hindi na namin kayo dadalawin. Kapag may pagkakataon po na walang trabaho dadalawin ko kayo.” paliwanag ni Alisha, para pagaanin ang loob ng madre sa tabi niya.
“Alam ko naman iyon hija, nag aalala lang ako sa posibleng mangyare na wala ako sa tabi niyo.”
“Walang mangyayare Sister, isa pa po ay magkasama naman kami ni Aleyah. Wala ho kayong dapat ipag-alala.”
“Hindi ko maiwasan, alam niyo naman na itinuring ko na kayo na parang sarili kong mga anak” sambit nito.
Alisha smiled, kaya siya lumaki ng magalang at may pagmamahal ay dahil kay Sister Andy. Ibinigay ng madre lahat ng makakaya niya sakanila pagmamahal na hindi naibigay ng mga totoo nilang magulang.
The way the old woman cared for her is something that Alisha would always remember. Even if she grow up without her parents besides her. Maraming pagmamahal sa puso ni Alisha dahil walang araw na hindi ipinaparamdam sakanya ng madre kung gaano siya/nila nito kamahal.
“Ano yan! Naririnig ko mula sa loob ang pangalan ko! hays. Siguro pinag-uusapan niyo nanamn ang kagandahan ko.” boses na kilalang kilala ng dalaga ang nagsalita mula sa likuran nila.
It's Aleyah. Agad itong umupo sa katapat na upuan ng dalaga at madre. Nasa isang bilog na mesa sila kung saan may apat na silya.
“Hija, Aleyah. Sabi ko naman sainyo ay okay lang na mataas ang kompiyansa sa sarili. Pero dapat may basehan ito.” saad ng matandang madre sa bagong dating na dalaga na natigilan sa sinabi ng matanda.
Natatawang ibinaling ni Alisha ang tingin niya sa mga batang pinanonood niya kanina.
“Ibig niyo ho bang sabihin Sister Andy? Pangit ako?” natigilan naman ang matanda sa tanong ng dalaga.
“Wala akong sinabing ganon hija”
Umingos si Aleyah, “Ganoon narin naman iyon Sister Andy.” aniya
Napailing nalang ang dalaga sa dalawang kasama niya, wala naman tensyon sa pagitan nila at normal na ang ganitong eksena sakanila.
“Oh siya! Mukhang nandiyan na ang nobyo mo Aleyah. Tara na at baka hinihintay na kayo nun.” sabi ng matanda
Agad namang tumayo ang dalagang si Alisha at si Aleyah saka sumunod sa matandang papasok sa loob ng bahay ampunan. Muling pinagmasdan ni Alisha ang hardin kung saan siya madalas mamalagi.
Nang makapasok sila ay nadatnan nila roon si Timothy, ang nobyo ni Aleyah. Inabutan ito ng kape ni Sister Andy, hindi maiwasan ni Alisha ngumiti dahil dito.
“Talaga bang kaya niyo na ang sarili niyo?” nag aalalang tanong ni Sister Andy.
Ngayon ay nasa labas na sila sa tapat ng sasakyan ni Timothy. Dala na nila ang mga gamit nila at nasa harap nila ang madre na kanina pa sila gustong pigilan sa desisyon nila.
“Sister Andy...” lumapit si Aleyah. “Kayo na rin po ang nag alaga saamin ni Alisha simula nang mapunta kami rito. Kayo rin po ang nagturo saamin ng maraming bagay at isa na roon ang pagiging independent. Dahil katulad po ng sinabi niyo, hindi pwedeng palagi kaming nakadepende sa iba, kundi sa sarili lamang namin.” natigilan naman si Sister Andy at tila naging emosyonal ito.
“Huwag po kayo mag-alala Sister Andy, hindi namin pababayaan ang isa't isa.” ngiting patuloy ni Ali, hindi naman nakaligtas ang luhang pumatak sa mata ng matanda.
“Ipangako niyo saakin na hindi niyo pababayaan ang isa't isa at aalagaan niyo ng mabuti ang mga sarili niyo. Makakaasa ba ako?”
Alisha nodded.
Agad na hinagkan ng matanda ang dalawa, gumanti silang pareho sa yakap.
“Alam ko naman na hindi ko kaya mapipigilan. Alam ko rin na hindi habang buhay ay narito kayo. Kaya wala akong magagawa sa desisyon niyo kundi ang hayaan kayo. Pinalaki ko kayong mabuting dalawa kaya alam ko na kaya niyo ang sarili niyo. Basta lagi niyong isa-isip na kung sakali mang may mga hindi kayo maintindihan sa labas ng bahay ampunan na ito. Narito lang ako, susubukan ko ipaintindi sainyo ang mga bagay na hindi niyo maintindihan.” the nun said.
They both rushed to the nun to hug her. Sino ba naman ang hindi magiging emosyonal kung lilisanin mo ang lugar na kinalakihan mo at ang taong nagpalaki sayo. Sister Andy took the responsibility of being their guardian. Sister Andy who became their guardian. Lahat ibinigay niya para sakanila ni Aleyah. Pinag aral niya sila, binihisan at inaruga na para bang kanya.
They're always thankful to Sister Andy. Kung hindi dahil sakanya at sa ibang madre siguro ay hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo at nakahanap nang magandang trabahong meron siya ngayon.
Kumalas si Aleyah sa pagkakayakap sa madre at lumapit sa nobyo niya para ibigay ang mga gamit nilang ilalagay sa likod ng sasakyan na dala nito. Habang ang dalagang si Alisha naman ay nakayakap parin sa madre.
“Alisha, huwag mo kakalimutan ang mga payo ko sayo. Sainyong dalawa ni Aleyah ikaw ang mas mahusay mag isip sa mga bagay bagay. Darating ang araw na magtatanong ka rin. Hahanapin mo rin ang mga sagot sa mga tanong na takot mong ilabas sa damdamin mo.” tumingin ang matanda sakanya gamit ang mga matang galing sa pag-iyak. Hinaplos nito ang buhok ng dalaga.
“Sa mga taong nagdaan ni minsan hindi mo tinanong saakin ang tungkol sa pamilya mo at kung bakit ka narito. At sa panahong iyon, sa panahong handa kanang alamin ang lahat sana ay nabubuhay pa'ko para sagutin ang lahat ng katanungan mo. Palagi mong tatandaan na mahal ko kayong dalawa ni Aleyah. Anak na ang turing ko sainyo. Mag iingat kayo, anak." patuloy nito.
Alisha can't stop crying like a child who doesn't want to leave home. Mas humigpit ang yakap nito kay Sister Andy nang maalala niya ang mga taon na lumipas na hindi niya man lang inalam kung may pamilya paba siya.
Takot siyang alamin, she's afraid to know why her parents abandoned her.
Nang makabawi siya sa pag iyak ay kumalas ito ng yakap kay Sister Andy. At nagpaalam na bago sumunod kay Aleyah na ngayon ay inaantay siyang makapasok sa kotse.
Nang makapasok ito ay pumasok narin si Aleyah ngunit sa harap sa tabi ni Timothy. Sumulyap siyang muli sa bahay ampunan hanggang sa maglaho na ito sa mata niya.
"Do you guys have place to stay?" Timothy asked while his eyes are on the road.
"Yes, may condo kasi na ibinigay ang company na pinapasukan ni Alisha and we planned to stay there." si Aleyah ang sumagot.
Napansin ni Alisha ang pagtingin sakanya ni Timothy na para bang tinatanong kung totoo ang sagot ng pinsan niya kaya tumango siya.
Naging tahimik ang buong byahe nila, walang kahit sinong gustong magsalita. Hanggang sa makarating sila sa DF Hotel. It was a famous hotel owned by the Dela Fuente family.
Agad din umalis si Timothy. Nag offer pa nga ito na i-hatid ang dalawa hanggang sa room unit nila ngunit tumanggi ang dalaga at nagpasalamat na. Timothy seems like a good man, gentleman and kind. The why he treat Aleyah earlier is making her feel relaxed. Seems like she doesn't need to worry about Aleyah.
“May work pala ako mamaya, ikaw ba meron?”Aleyah asked.
Umiling ang dalaga, “Nagpaalam ako kay Mrs. Jane kaya bukas na ako papasok.”
tumingin siya kay Aleyah, tumango lang ito. Palabas na sila ng elevator at papunta na sa room 204 agad niya itong binuksan. Nang makapasok sila ay, bumungad agad ang living room, the cozy feels as you step in to the room, the living room has a tv and a L-shaped sofa. There's also a shelves beside the tv and there's a coffee table and paintings.
Mukhang natutuwa rin si Aleyah, at hindi na nga nakapag hintay at tinungo agad ang kwarto, there's a hallway where in may dalawang kwarto na magkatapat. Sumunod siya kay Aleyah nang buksan niya ang unang kwarto, there's a bed, closet a tv again and some things to keep the room beautiful.
Nang tila nakuntento na ito ay, pinuntahan din niya ang kabilang kwarto, nakasunod lang si Alisha.
This one is bigger than the other room, ang mas nakakatuwa pa ay may balcony. She and Aleyah went to the balcony, the fresh air welcomed her body, as she looked at the view.
City lights are indeed beautiful.
"Okay. Since I still have a work. I will choose a room na. This condo is yours, sayo itong malaki and doon ako sa kabilang kwarto. Don't think to much balcony lang ang lamang ng kwarto mo sa'kin, makikitambay nalang ako kung gusto ko." they both laughed.
"Tsk, shoooo.. Mag ready kana may work kapa" pagtataboy niya kay Aleyah. Nag flying kiss ito bago lumabas ng kwarto.
Agad naman sumunod ang dalaga at kinuha ang mga gamit niya sa sala. Nang makuha ko ito ay bumalik ito sa kwarto na para sakanya at inayos ang mga gamit na dala niya.
Alisha is very thankful to MonCop. They're so nice to their employees. That's why there's no doubt why they're number one in the business industry. She's so grateful that Mrs. Jane become her boss. Her boss is kind, sweet and caring. Mrs. Jane even gave her this condo for her to stay.
“Alisha! I'm leaving... Walang pagkain umorder ka nalang o kaya kumain sa labas okay!” sigaw ng pinsan niyang si Aleyah.
Agad napatayo si Alisha sa kanyang kama, saka dali-daling lumabas para tignan ang pinsan niyang palabas na ng condo.
“Ingat!"
Nakita niya lang na tumango ang pinsan at isinara ang pinto.
Hindi pa rin naman nakakaramdam ng gutom si Alisha kaya bumalik siya sa kanyang kwarto at ibinagsak ang kanyang katawan.
****
KING was busy with papers nang tumunog ang kanyang cellphone, he picked up the phone. Nakita niya ang pangalan ng caller. It's his mother.
“Son, kailan ka bibisita sa akin? Hindi mo ba namimiss ang mommy?” malambing na tanong ng ina sa kabilang linya.
“Mom, I still have things to do. I'll visit you once I am free.” sagot ng binata sa ina.
He sighed as he looked at the papers in front of him. It's a report paper for this week since kagagaling niya lang sa ibang bansa dahil sa isang business deal ay tambak siya ng kailangang pirmahan na dokumento.
He was twenty-one when his grandparents died because of an accident. He was the only grandchild they have. Kaya't lahat ng naiwan ng mag asawang pumanaw ay ibinigay sakanya. Every penny left was named by him.
And now at the age of twenty-five all he could think is on how to make money and more money.
He must become powerful and rich. He wants to show that old man that he doesn't need him to survive. He doesn't need a father to become strong.
“Go home, son. Let's have dinner together. I missed you!” ani kanyang Ina.
Buntong hiningang sumagot si King. “Is your husband home?” he asked.
Tahimik sa kabilang linya, sa pananahimik palang ng kanyang ina ay alam na ng binata ang sagot.
“King.. He's still your father! Don't act like that.” his mother said.
“My father? Bakit naging ama ba siya saakin?” may poot sa boses ng binata.
“King!”
Pumikit siya ng mariin nang marinig ang may pagbabantang boses ng ina niya sa kabilang linya. He doesn't want his mother to be mad. But he can't stop himself to act like this everytime they're talking about the old man.
“Mom, I'll call you back. I love you.” he said before he ended the call.
Narinig niya pa ang hindi pagsang-ayon ng ina sa kabilang linya pero pinatay na niya ang tawag.
He loathed his father, he hates that old man. And no one can change that.