Unti-unting nagising ang diwa ni Monica sa maliit na dalawang bibig ng kung anong dumadampi sa mukha niya. Napakislot siya nang maramdaman ang mabalahibo ng bagay na nakadikit sa kanyang balat—and If she's not mistaken—It was a cat—OMG! PUSA NGA! Mabilis niyang minulat ang mga mata at pagkatapos ay hindi magkandaugaga na tumayo sa sofa yakap ang kumot sa hubad na katawan. "OH MY GOD! CAT! JAKE!" Namumutla ang mukha sa takot sa dalawang pusa na umiingit sa sakit dahil hindi sinasadya ay tumilapon ang mga ito ng bigla siyang tumayo sa sofa dala ng labis na takot. Bata palang siya ay takot na siya sa pusa kaya naman never siyang nagkaroon ng hilig sa pag-aalaga niyon. Nanginginig ang mga kamay na hawak ang kumot ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kwarto ni Jake ng hindi lumapit sa kanya

