Cebu City, Philippines, 2008
TWO days ago...
"Son, are you sure na kaya mong pumasok today? May sinat ka pa," pag-alalang wika ng Mommy ni Alexander. Dinampi ang palad nito sa kanyang noo at matapos ay iniayos ang kwelyo na suot nitong navy blue longsleeves polo.
"Yes Mom, don't worry kaya ko ang sarili ko. I have taken paracetamol a while ago. May important meeting ako today with Mr. Chu, our new investor," paliwanag sa ina. Humalik sa pisngi nito saka pumanhik sa kaniyang gray BMW.
"Ingat ka, hijo."
Mabilis na pinasibad ang sasakyan patungo sa Halangdon Beach Resort and Spa. Tatlong taon na siyang namamahala sa resort na ito nang magretiro ang kanyang ina sa edad na singkwenta y singko dahil may karamdaman ito sa kidney.
Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Aviation sa isang prestihiyosong paaralan sa Amerika. Bata pa lamang siya ay pangarap na niyang maging piloto. Dahil nag-iisa lang siyang anak ay malayang nakukuha niya ang kaniyang gusto. Bagama't lumaki sa karangyaan ay napalaki siya ng kaniyang mga magulang nang may wastong pag-aasal.
Gwapo, matangkad, matalino, ganyan kung mailalarawan ng karamihan si Alexander. Kaya hindi maipagkakaila na maraming babae ang naghahabol sa kaniya simula noong teenager pa lang siya. Idagdag pa nito ang matangos na ilong at natural na mapupulang mga labi.
Ang kaniyang pamilya ay nagmamay-ari ng mga beach resorts sa Cebu at karatig na lugar sa Visayas. Ngunit ito ay muntik nang mawala lahat dahil sa kataksilan ng ama niya. Nakalaguyo ang noo'y sekretarya, labing-anim na taon pa lang siya noon. Iniwan sila ng kaniyang ina at sumama ito sa querida nito. Lugmok na lugmok ang kanyang ina noon. Sa sobrang awa niya sa kaniyang mommy ay pinangako sa sarili na mas lalong magsumikap.
'Alex, anak, pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha. Ikaw lang ang pag-asa ko. Tayo lang ang magkakasama sa buhay,' naalala niyang payo ng kanyang ina noon.
At 'di naman niya ito binigo. Mas lalong pinagbuti ang pag-aaral habang ang mom niya ang namamahala sa kanilang businesses. Nagawa niyang mabalanse ang pag-aaral, kaibigan at ang mga babae. Habulin siya ng mga chicks at kahit anong iwas niya ay pilit siyang nilalapitan ng mga ito.
Nang magtapos siya sa pag-aaral ay agad namang nakapasok sa Philippine Airlines bilang First Officer Pilot. Nagtrabaho siya nang mahigit dalawang taon dito. Nakapunta siya sa iba't ibang panig ng mundo. Masaya siya sa kaniyang napiling karera ngunit ito ay pansamatala lamang sapagkat kailangan niyang humalili sa kanyang ina sa pamamalakad ng kanilang negosyo dahil sa iniindang karamdaman nito. Payo ng doktor na kailangang magpahinga sa bahay. Bawal nito ang sobrang pagtatrabaho at stress.
Isa sa mga mabuting gawi na namana niya sa kaniyang ina ay ang pagiging masinop. Noong una ay nahirapang patakbuhin ang negosyo ngunit hindi ito dahilan para siya'y sumuko. Bagkus ay naghanap ng paraan upang matutunan ang mga bagay-bagay. Asking his businessman friends, reading books, at magiging ang palagiang pagsangguni sa ina ay ilang mga hakbang na ginawa niya upang mas mapalago pa ang kanilang resorts.
Alas dyes ng umaga ang kanilang meeting sa nasabing resort na isa sa mga pinakamagarbong beach resorts sa Cebu. Nang dumating sa kaniyang opisina ay agad na inilapag ni Milet, ang kaniyang trenta anyos na sekretarya, ang hawak nitong folder kung saan nakapaloob dito ang Feasibility Study para sa karagdagang branch na itatayo sa Bohol.
Malaki ang espasyo ng kaniyang opisina. Napapalamutian ito ng mga abstract paintings ang dingding. May sarili rin siyang malawak na silid na konektado sa kaniyang opisina.
"Sir, good morning! Ito na ang mga papers. Ready na rin ang conference room para sa meeting niyo with Mr. Ronald Chu today," nakangiting saad ng sekretarya.
"Thank you, Milet," aniya. "Mauuna lang ako sa conference room. Pagdating ni Mr. Chu ay patuluyin mo na doon," utos niya sa sekretarya nang akma na itong papatayo bitbit ang laptop at ang folder.
"Okay, Sir Alex," tugon nito sabay tango.
Saktong alas diyes ng umaga ay may kumatok sa pintuhan at matapos ay pinihit ang siradura. Alam na ng binata na ang ka-meeting na niya ito. "Good morning! Come on, Mr. Chu, have a seat," magiliw na bati niya sa panauhin.
"Just call me Ronald, masyado namang pormal ang Mr. Chu. Edad ko lang ang sixty ngunit kicking pa 'to. Marami pang babae ang mahuhumaling sa tikas kong 'to, " pabirong wika ng matanda at nakikipagkamayan siya bago umupo.
Nasanay lang kasi siyang maging magalang sa lahat ng mga business associates nila.
"Okay, well then, Ronald here's the Feasibility Study done by my accountant, engineer and other staffs para sa proposed new resort in Bohol. Alam mo naman ang Bohol ay isa rin sa mga paboritong puntahan ng mga foreigners dahil sa mga white sand beaches at ang sikat na Chocolate Hills," paglalahad ni Alex na ipanakita sa powerpoint ang mga larawan.
Tumango-tango lang si Mr. Chu, waring kumbinsido ito sa bawat detalyeng isinaysay niya. Bagay na ikinagalak ng binata dahil mapapasaya na naman niya ang ina kung magtagumpay siya na maka-invest nito ang matandang Intsik para maisakatuparan ang pagpapalawak ng kanilang negosyo.
Nang matapos ang kanilang meeting ay nagpaalam na ito sa kaniya. "Nice meeting you Alex. I'll take these papers of you. My wife and I will review this tonight at bukas ako magdedesisyon," paalam ni Mr. Chu nang ibinigay nya ang folder sa kaniya.
Nang tuluyang makaalis ang matanda ay naikintal ang ngiti sa kanyang mga labi. Positibo siyang sasang-ayon ito sa kaniyang proposal. Kinuha ang baso ng tubig at uminom. At saka huminga nang malalim.
'Mom, this is for you,' usal niya sa kawalan.
Pagbalik sa kaniyang office ay nakitang may mga naka-pile na mga papel. Mga tseke 'yon from Accounting Department na papapirmahan sa kaniya. Pagkatapos magpirma ng gabundok na mga tseke at papel ay sumandig sa kaniyang executive chair at nag-uunat. Nang umilaw ang kanyang cellphone, palatandaan na may text or incoming call ito.
"Bro, gimik tayo tonight. Kabababa lang ni Charles," masayang tinig na sumambulat sa kaniya nang sinagot niya ang tawag. Si Ryan iyon, isa sa mga barkada niya sa simula pa high school. Tinukoy ang isang barkada nilang si Charles na isang Seaman.
"Sige Bro, what time?" mabilis niyang tugon sa kaibigan.
"Seven P.M. sharp," anito sa kaniya. "May chicks akong ipakikilala sa'yo," dinig pang humagalpak ang kaibigan sa kabilang linya. Alam niyang babaero rin ang kaibigan niya.
"Oh siya, see you later guys," pamamaalam nito bago binaba ang cellphone.
Napatawang napailing na lamang siya sa kaibigan. Alam niyang matinik din ito pagdating sa mga babae.
Pagkatapos mananghalian ay tumawag siya sa kaniyang ina.
"Hey Mom, nag-lunch ka na ba?"
"Yes son, tapos na. You too, kumain ka na rin diyan ha. Don't forget to take your medicine if you're not feeling well pa," untag ng ina. "By the way, how's your meeting earlier with Mr. Chu?" dagdag pa rito.
"I'm fine Mom, yes tapos na po akong mag-lunch. And about kay Mr. Chu sa tingin ko ay mako-close deal ko," tuwang saad niya sa kaniyang mommy.
"Okay son, that's good to hear. Sige magpahinga ka muna dyan. I love you!" anito sa kaniya.
"I love you too, Mom. Bye," sweet na paalam niya sa ina.
Nag-check siya sa kanyang email at wala namang new message sa kaniyang inbox. Binuksan ang social media website. Nagra-random viewing lamang siya ng mga babaeng sexy sa profile picture para malibang ang kaniyang mga mata. Konti lang din ang kaniyang mga friends kasi lumikha siya ng panibagong account na hindi tunay na pangalan niya ang nakaregister para hindi na siya ma-stalk ng kanyang ex-girlfriends. Nag-check din siya sa mga taong nag-view ng profile niya. May mga lalaki naman ngunit kadalasan ay babae.
Nang magawi siya sa isang napaka-cute na babae na mala-anghel ang mukha at binuksan niya ang profile nito. Dessa Manreal. Namangha siya sa ganda ng babae ngunit nang makita ang whole body photo ay nakita niyang may kaliitan lang pala ito. Napalatak na lang siya. 'Sayang', sambit niya sa sarili.
Nag-scroll up ulit siya at tiningnan ang friends list ng babae. Nakuha ng kanyang pansin ang isang babaeng simple lang sa kanyang profile picture. Ellaine de Guzman. Tiningnan ang profile nito. Tumambad ang balingkinitang katawan, maamong mukha, at may napakagandang ngiti. Bagay na bagay sa suot nitong short-sleeved brown printed dress na lampas-tuhod konti. May bilugang puwet at pinagpalang dibdib din ito na kahit hindi nakabalandra sa suot nitong damit ay napansin niya. Napalunok siya. It made him arouse.
'Wow, ang ganda niya,' di maiwasang mapamangha siya na para bang na-love at first sight dito.
Hindi ito ang tipo ng mga babaeng naikakama niya. Dahil liberated ang mga ito sa pananamit. Kulang-kulang na lang na maghubad ang mga ito sa iksi ng mga skirt o short at mga pang itaas na kundi tube ay sleeveless o di kaya'y spaghetti na halos masilipan na ang dibdib.
Naisipan niyang mag-message kay Dessa at magtanong tungkol kay Ellaine.