[ALEXCIA'S P.O.V.] UMUWI ako sa bahay at mabilis na pumunta sa kwarto ko. Naiinis ako kay Alex kaya kailangan ko munang magpa-lamig ng ulo ko. Kinuha ko ang pack bag ko at saka kumuha ng ilang mga damit ko mula sa closet ko. Hindi ko gustong manatili muna dito kaya kailangan kong pumunta sa ibang lugar kahit ilang araw lang. Bigla namang pumasok si Mommy sa kwarto ko at gulat na gulat siya nang makita na parang naglalayas ako. "Oh my gosh! Lhei, where the hell are you going?" gulat na tanong niya at mabilis na lumapit sa akin. Hindi ko siya sinagot at nag-patuloy ako sa paglalagay ng mga damit sa bag ko. Pumunta ako sa banyo at kinuha ang mga personal items ko saka inilagay sa bag ko. "Lhei, answer me!" sigaw pa din ni Mom. Tinignan ko siya, "Mom, magpapalamig lang ako ng ulo." walang g

