[AYUMI'S P.O.V.] "Nice act guys!" sigaw ko sabay palakpak sa kanila. Lahat naman kami ay natawa. "I can't believe it! Ang galing 'mong um-arte kagabi ha." puri naman sa'kin ni Shekinah. Ngumisi naman ako saka nagyabang, "Well, I planned all of that. Pero siyempre, hindi naman 'yon magiging tagumpay without you guys." puri ko din sa kanila. Ngumisi din sila. "Ang sarap talaga makita na nahihirapan ang gagong 'yon." sabat ni Wayne. "Hoy Sexton, ang hina naman ng suntok mo sa kanya kagabi e." sabat ni Kirby. "Gago. Anong mahina? E kaya nga natumba 'yon, dahil sa suntok ko e." pagmamayabang ni Wayne. Napa-iling na lang ako. Si Wayne Sexton ang unang lumabas. Siya ang lalaking humila kagabi sa'min. While si Dwayne Kirby Rutledge ang sumunod na lumabas. Sila Shekinah at Dixie naman ang hum

