[ALEXANDER'S P.O.V.] "Oy Sydney, nakita mo ba si Ayu?" tanong ko kay Sydney. Magsisimula na kasi yung class pero wala pa siya. Sabi niya tatambay lang siya sa labas saglit. Tinignan ko kasi siya kanina lang sa labas ng room, pero wala siya. Saan naman kaya nag-punta yun? "Baka naman nag-CR lang. Miss mo agad e." sagot naman ni Hailey. Tumango na lang ako, hindi pinansin ang huli niyang sinabi. Siguro nag banyo lang yun, pero napansin ko wala pa din si Hunter. Hindi kaya.. magkasama sila? Napa-iling ako sa sariling naisip. E ano naman kung magkasama sila ngayon? Syempre magsasama sila, magkaibigan sila dati e. Malamang na-miss nila ang isa't-isa. Kaya siguro nga magkasama sila. E paano kapag may nakakita na magkasama sila? Baka di naman sila mag-kasama kasi syempre iisipin din ni Ayu na

