[ALEXANDER'S P.O.V.] "Ano? Handa na ba ang lahat? Ayos na ba lahat?" natatarantang tanong ni Hailey. Medyo natatawa naman kami. "Chill, maaga pa. Meron pa namang one hour e." natatawang sambit ni Sydney sa kanya. Napakamot si Hailey sa ulo niya, "E kasi naman, nakakakaba." "Bakit ka naman kakabahan? Kasi birthday ngayon ng boyfriend mo at magsasayaw kayo mamaya, ganun?" panga-asar ko. Sinamaan niya na lang ako ng tingin. "I don't know. Baka mamaya may mangyaring hindi maganda e." sabi niya kaya ngayon, napakunot na ang noo namin nila Lhei. "What do you mean?" takang tanong ni Jess. "Ewan. Siguro baka may mali sa tugtog mamaya or di kaya sa surprise natin." naka-hinga naman ako ng maluwag. Akala ko kung ano na ang sinasabi niyang masamang mangyayari e. "Wag ka ngang ma-stress dyan!

