[ALEXCIA'S P.O.V.] Agad akong sumakay sa kotse ko saka pinaharurot papuntang D.O. Siguro ito na ang oras para may malaman ako tungkol sa organisasyon na iyon. Ang D.O kasi ay under din ng gobyerno. Ang D.O. ang nanghuhuli ngayon sa mga gangster na pumapatay. Sila ang nagkukulong dito. Pero yung mga gangster na nahuhuli nila ay ginagawa nilang member ng D.O at tinuturuan ng magandang asal. O di ba? Malaking tulong ang D.O para mabawasan ang mga krimen na nangyayari sa paligid. Nang makarating ako sa D.O pumasok na ako sa loob. Halos lahat ng tao doon ay nakatingin sakin. Kilala naman nila ako, pero siguro nagulat sila kung bakit ako nandito ngayon. Simpleng black T-shirt at shorts lang ang suot ko ngayon, saka naka-high cut ako. Nakalugay lang din ang buhok ko. Sumakay ako ng elevator at

