Chapter 2

1697 Words
Thirty-minutes later, umuwi ako sa bahay at natulog na muna. Umaga’t hapon na rin naman ang klase ng aking pamangkin. Hindi na rin siya mahilig magpabantay. Siya pa nga ang gusto na walang bantay—pinapauwi niya na ako kaagad kapag na-ihatid ko na siya sa school. Napangiti na lamang talaga ako. Wendell is growing up so fast… Gusto ko na matuto siyang maging matapang—maging handa para sa buhay na naghihintay sa kaniya. Kahit naman marami na akong pera at kayang-kaya kong ibigay sa kaniya ang lahat ng gusto niya’y alam kong hindi pa rin siya ligtas sa kahit na anumang sakit. Physically and mentally. I sighed. Hindi ko rin maiwasan na matakot sa tuluyan niyang paglaki ngunit hindi ko naman kayang pigilan iyon. Hindi ko siya puwedeng i-tago sa riyalidad. Kaya ang palagi ko sa kaniyang sinasabi ay maging matatag siya. I wanted to lead him to a righ path. Para rin naman iyon sa kanyang ikabubuti. Nang makabawi na ako ng tulog ay nagpunta na ako sa sarili kong bar. Bandang ala-una nang maiparada ko ang sasakyan ko sa tapat ng bar ko. The Meeting Place: Taurus and Scorpio. Iyon ang ipinangalan ko rito sapagkat hindi ko maaabot ang kung anuman ang meron ako kung hindi dahil sa kapatid kong si Pauline. Noon pa man ay siya na ang nagsasabi sa akin—nagche-cheer up sa akin. Katulad ng, ‘Nandito lang ako sa iyo palagi, Ate Pamela ko.’ Ito ang isa sa mga sinabi sa akin ng yumao kong kapatid na hinding-hindi ko malilimutan. Siya lang talaga ‘yong taong nandiyan para sa akin. Kapag natutumba ako, siya ang madalas na sumasalo sa akin. Araw-araw ay nami-miss ko siya. Pitong taon na rin kasi ang nakakalipas simula nang mamatay siya. Ang araw din ng kapanganakan ni Wendell. It was all unexpected. Hinding-hindi ko talaga inaasahan. Nagplano na kami no’n na kaming dalawa na lang ang magpapalaki sa magiging anak niya tutal ayaw naman siyang panagutan ng tatay ni Wendell noon. Hanggang ngayon naman—wala siyang pakialam sa anak niya. Sana lang talaga ay puro kamalasan ang nangyayari sa kanya. He deserves it anyway. Napakasama niyang tao. Nang makalabas ako sa kotse ko ay tumingala pa ako sa may taas ng entrance ng bar ko kung saan doon nakasulat ang pangalan nito. Napangiti na lamang ako. Hindi ko naman zodiac sign ang Taurus or ang Scorpio. Capricorn ang tunay kong zodiac sign. Ipinanganak noong Enero anim, isang libo siyam na raan walumpu’t lima si Pamela Meridith Margiela. At ako iyon! That’s my full name. Pamela Meridith. I don’t exactly know the origin of my name—basta ‘yan ang pangalan ko. Hindi rin kasi kami lumaki ni Pauline na kasama ang mga magulang namin. Ang bata pa namin noon no’ng in-abando nila kaming magkapatid. Pero hindi naman na ako nagtatanim ng sama ng loob sa kanila ngayon. Napatawad ko na sila sa ginawa nila. At kung nasaan man sila ngayon ay sana’y masaya sila. Kasi ako, masaya na rin ako sa buhay ko ngayon. Marami akong pangarap na natupad. Pumasok na ako sa loob ng bar at sinalubong naman kaagad ako nang hin-ire ko na manager dito sa bar ko. Her name was Lizzy. “Hi, Miss Pam,” bati niya sa akin. I nod at her. Lizzy was the person that I could say—one of the kinds. I like this girl—matagal na rin siyang nagse-serbisyo sa bar ko. I'm glad that she really stays with me and sa bar. Siya rin ang pinakapinagkakatiwalaan ko dito sa bar. “Good afternoon, Lizzy. What’s up today?” I asked her. Nagsimula naman siyang mag-discuss ng mga bagay-bagay sa akin tungkol sa bar. Isa na roon ang sinabi niyang out of order ang isa sa mga restroom. Need i-repair. As a bar owner, ginawan ko rin naman kaagad ‘yon ng aksyon. Sa opisina ko lang ako sa loob ng bar nanatili ng ilang oras. May mga inaasikaso na rin kasi ako patungkol sa mga issue sa bar ko. Gusto ko kasi na laging pulido lahat. Kasama ko rin doon si Lizzy na mag-budget at kung ano-ano pa. Pagkatapos niyon ay inaya ako ni Lizzy na uminom ng tequila. Hindi naman ako tatanggi. Actually, it’s one of my favorite’s drinks. Besides sa facts na napakarami rin nitong good benefits for health like this drink can control our blood sugar. It can also calm our nerves and sobrang helpful niya sa mga insomniacs. “Anyway.” Napatingin ako sa kaniya. We carefully toast our glass of tequila. "What is it?" I asked. “I’m still wondering Miss Pam. Bakit ba ayaw mo pa rin na mag-asawa? Makipag-date ka man lang. Ang daming guwapong nagkalat sa mundo ngayon,” sabi niya sa akin. Nagpeke naman ako ng tawa sa kaniyang tinuran. “Don’t open that topic. I know that you already know the answer,” sabi ko na lang sa kaniya at inilingan siya. She just smirked. “Miss Pamela. Nasa 40’s ka na, you should enjoy your life, ‘di ba,” she said. Dahil sa sinabi niya ay marahan ko siyang hinampas sa braso niya. “Anong 40’s? Thirty-six pa lang ako. ‘Wag mo akong patandain,” sabi niya. Ako naman ay natawa lang. “Round-off Miss,” pabiro niya pang sabi. Umiling-iling na lamang akong muli. “Hindi pa naman huli ang lahat para mag-asawa.” “Hindi ko kailangan ng lalaking papakasalan. Look, may pamangkin naman ako,” I said. “Marami rin namang single dad. Marami kayang guwapo ang nagpupunta rito araw-araw gabi-gabi. Iba-ibang klase ng kaguwapuhan. Bakit hindi ka ho pumili sa kanila? I am one-hundred percent sure na magugustuhan ka rin nila. Look at your face! Mas bata ka pang tingnan sa akin. Iba talaga kapag mayaman,” sabi niya. Napasimangot naman ako dahil hindi niya naman pinansin ang sinabi kong hindi ko kailangan ng lalaking papakasalan. “Ayaw ko ng single dad,” sabi na lang sa kaniya. Sabi ko nang huwag i-open up ang topic na ito, eh! Ang kulit talaga. “Basta, hindi ka tatandang dalaga, alam kong mayroong taong darating tapos yayanigin ang buhay mo, yieee!” pangungutya niya pa sa akin. The corner of my lips just quirks. “Yayanigin ang buhay na pinagsasabi mo riyan! Sira ka!” sabi ko pa. Hindi ko gusto ang biruan na ‘to. Kagaya nga ng sabi ko ay may pamangkin naman ako—si Wendell na anak ni Pauline. Siya na ang taong makakasama ko sa pagtanda ko. Sa kaniya ko ipapamana ang lahat ng ari-arian ko kung sakaling mamamatay ako. Sa kaniya naman talaga. Lalayo pa ba ako? Eh, mahal na mahal ko ang pamangkin ko! “Alam mo ba, Miss Pam. Masarap ang pakiramdam kapag may kasama ka sa buhay—oo, laging may cons. Parang business. Yes. Puwede mo rin i-halintulad ang pag-aasawa sa business. May pros and cons din. Matatag na pundasyon lang talaga,” sabi ni Lizzy sa akin. Napairap na lang ako. Si Lizzy kasi ay pamilyadong tao na. “Sinabi ko na, Lizzy. Nandiyan si Wendell. Hindi ko kailangan ng asawa,” I declared. Napakibit-balikat lang naman si Lizzy at uminom sa kaniyang tequila. “Oo, may kasama ka ngayon. Iyang pamangkin mo” – she paused– “wait, po, Miss Pam, ha. Hindi kita inu-utusan na mag-asawa na. Nagsa-suggest lang po ako at gusto ko rin pong sabihin na si Wendell, after— let say, twenty-years, mag-aasawa na rin ‘yan. Bubuo na ‘yan ng sarili niyang pamilya. Paano na lang kapag hindi mo na kayang alagaan ang sarili mo?” sabi niya. Napakunot naman ang noo ko at hindi na ako sumagot sa kaniya. Kahit papaano’y may punto rin siya roon at naisip ko na rrin naman ang tungkol do’n. Pero… hindi talaga ako mag-aasawa. Sa tingin ko rin ay hindi na ako buhay pagdating ng twenty years na ‘yon. Siguro patay na ako at hindi ko rin maabutan ang pag-aasawa ni Wendell. Hindi naman sa pagiging ano, pero iyon ang pumasok sa isip ko. We don’t know the future, ika nga so magpo-focus siya sa present niya and sa plans niya ngayon. Thirty-six na ako ngayon, plus twenty-years. Magse-senior citizen na ako no’n, ‘di ba. Nang maubos na ang iniinom namin ay bumalik na rin ako sa mga trabaho namin. Maya-maya pa’y napatingin ako sa cellphone ko nnag bigla itong tumunog. It was from Wendell’s adviser. Napakunot naman kaagad ang noo ko. Bakit kaya ‘to tumatawag? Kahit hindi ko maisip kung bakit nga ba tumatawaga ang kaniyang guro ay sinagot ko pa rin naman ang tawag. “Hello, Ma’am Cruz. Good day,” sabi ko pa sa kaniya. “Hello, Miss Margiela. Pasensya na ho sa abala pero kailangan na po kasing umuwi ni Wendell,” tukoy niya sa pamangkin ko. Napakunot naman kaagad ang aking noo. Kahit na kinakabahan na ako ay pinanatili ko ang aking sarili na maging kalamado. Bakit uuwi? “Anong nangyari?” mahinahon kong tanong. “Nilalagnat po kasi siya. Nandito na nga po siya sa clinic. Nakapagpahinga na rin po siya rito at pinainom na rin po ng nurse ng gamot. Pero mas makabubuti raw po na umuwi na lang po siya para makapagpahinga nang maayos,” paliwanag niya sa akin. Tumango-tango naman ako at sinabi ko na lang na pupunta na ako. Pupunta naman talaga ako. Nag-aalala ako, siyempre. Jusko! Anong nangyari sa batang ‘yon? Dahil ba sa masamang panahon kaya siya nagkasakit? Kaninang umaga lamang ang malakas na ulan. Bandang alas siyete ay unti-unti na rin naming nagpakita si haring araw. I can’t stop thinking what’s the reason why he is sick. Hindi sakitin si Wendell. Palagi kong sinisigurado na maayos ang kaniyang kalusugan. Masusustansya ang kinakain na pagkain at hindi makakasama sa kaniya. So, what the hell happened to him? May kinain ba siyang iba na hindi ko alam sa school? No, si Wendell ay palaging sinasabi sa akin kung ano ang kakainin niya or gusto niyang kainin and safe naman ang mga iyon. Nagmadali na ako sa pagkilos upang masundo na kaagad si Wendell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD