"Good morning!" bati sa akin ni Simon na sinabayan pa nito ng magaan na paghalik sa aking noo. "Good morning!" nakangiting tugon ko naman sa kaniya. Matapos ang mainit na kaganapan sa kusina ay binuhat ako nito pabalik sa loob ng aming silid. Dito ay muling inulit namin ang mainit na pag-iisa ng aming mga katawan hanggang sa tuluyan kaming gupuin ng antok dala na rin ng sobrang kapaguran. "Tara na at baka abutan pa tayo ng mga bata sa ganitong ayos." Masuyong inalalayan ako nitong makatayo mula sa pagkakahiga sa kama. Nakatayo na ako nang makaramdam nang pangangasim ng sikmura at tila may kung anong bagay ang gustong bumulwak mula sa loob ng aking bibig. "Si-..." Hindi ko na natapos ang pagtawag sa kaniyang pangalan dahil may kung anong mapait na likidong kumudlit sa aking lalamunan.

