Paluwas kami ng Manila upang doon ipagdiwang ang kaarawan nina Simona at Carlo. Kasabay na rin namin sina Mama at Papa na nagbiyahe. Kung dati ay sasakyan ni Simon ang ginamit namin papunta ng Isla Villaforte, ngayon ay sinundo kami ng isang private plane. "Hindi ko alam na mayroon pala kayong sariling eroplano?" pabulong kong tanong kay Simon. "Nirentahan ko lang, Loves. Hindi ka naman kasi pwedeng matagtag sa biyahe," tugon naman nito. Napagkasunduan na rin naming dalawa na sa Manila na ako manganganak bago muling bumalik ng Isla Villaforte, upang doon na tuluyang manirahan. Tinawag si Simon ng lalaking nakasuot ng puting uniporme na tila siyang piloto ng sasakyan naming private plane. "Lapitan ko lang, Loves," paalam sa akin ni Simon na agad ko namang tinanguan bilang tugon. N

