Chapter 81

1406 Words

"Carla!" sigaw ng kung sinumang tao na nasa likod ng pinto na sinabayan pa ng malalakas na pagkatok doon. Hindi ko na nakita pa si Simon sa aking tabi. Marahil ay maaga itong nagising at nasa loob na ng silid ng mga bata o 'di kaya naman ay nagpunta na ito sa may bukid upang silipin doon ang kaniyang mga ipinatanim. "Pero ang aga naman niyang nagising. Parang 'di man lang napuyat sa ginawa namin kagabi," nakalabing bulong ko sa sarili. Malakas na katok muli ng taong nasa likod ng pinto ang umuntag sa aking pag-iisip. "Sandali lang!" sigaw ko sa taong nangangatok sa may likod ng pinto. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama upang tunguhin ang pinto. Dinampot ko ang nakasabit na roba saka isinuot ko iyon upang takpan ang bahagi ng aking katawan na nakahantad sa suot kong nighties. In

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD