Chapter 7

1118 Words
Pawisang umupo ako matapos linisin ang buong silid. Isinandal ko ang likuran sa malambot na sofa at tila nahihipnotismo akong umidlip. Papikit pa lamang ang mga mata ko nang bumukas naman ang pintuan saka iniluwa niyon si Simon. "Tapos mo na bang linisin ang buong silid?" nakahalukipkip nitong tanong sa akin. "Tapos na po, Kamahalan!" Tumayo ako saka yumukod sa kaniya na tila isang tauhang serbidora ng isang prinsipe sa kaharian nito. "Hindi bagay sa'yo!" paismid nitong wika. "Hindi naman ako mukhang unggoy," bubulong-bulong ko namang tugon sa kaniya. "What did you say?" Parang ipo-ipo ito sa bilis niyang makalapit sa kinatatayuan ko. "W-wala naman akong sinabi ah?!" kandautal ko namang tugon nang malanghap ko ang mabangong amoy ng pabangong gamit nito. "I heard, what you've said!" Mariin nitong isinampa ang kamay niya sa balikat ko. "Narinig mo naman pala tapos pinapaulit mo pa." Tinabig ko ang mga kamay nitong nakakapit sa balikat ko. Yumukod ako upang damputin ang walis at dustpan na ginamit ko sa paglilinis ng silid. "Ay kabayo!" Impit kong tili nang hapitin ako ni Simon sa baywang na siyang dahilan para mapadikit akong muli sa kaniyang katawan. "Can you please, stop comparing me to the animals," mariing usal nito sa likod ng aking tainga. "Ang hilig mo kasing manggulat at pasimpleng tsansing ka pa." Inihampas ko sa braso nito ang kahoy na hawakan ng walis tambo. "Ouch! Stop it!" nakangiwing reklamo nito. "Iyan ang dapat sa mga tulad mong manyak. Bw*sit!" Patuloy kong hinampas ito ng walis tambo. "Hindi ako manyak! Sh*t! I said, stop it!" Marahas niyang pinigilan ang kamay ko saka kinuha nito ang walis na ipinanghahampas ko sa kaniya. Akala ko ay ihahampas niya rin sa akin ang walis tambo dahil nakita kong iniangat niya iyon sa ere kung kaya't napapikit na lamang ako habang hinihintay ang paglapat niyon sa aking katawan. Ngunit may ilang minuto na rin akong naghihintay, wala namang walis tambong lumapat sa aking katawan. Pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko ang walis tambo sa may sahig malayo sa aming dalawa. Inihagis pala nito iyon malayo sa aming dalawa. "Hay salamat!" Nakahinga naman ako ng maluwag. "Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Carla. Dahil hindi mo gugustuhing makita ang pagiging demonyo ko," mariing hayag sa akin nito. "E 'di hindi na!" mapang-asar ko namang tugon saka mabilis na kumawala mula sa pagkakahapit nito sa aking baywang. Muli akong yumukod upang damputin ang walis tambo ngunit maagap niya iyong dinampot agad saka inagaw mula sa kamay ko ang dustpan. Nakalabing pinagmasdan ko si Simon kung saan ito tutungo. Dumiretso naman ito sa isang kabinet kung saan inilagay nito ang walis tambo at dustpan. Nakakita naman ako ng pagkakataong makatakas sa kaniya kaya dahan-dahan akong humakbang palapit sa may pintuan. "Saan ka naman sa palagay mo pupunta?" Nagitla ako nang hapitin nito ang aking baywang. "Alam mo, panira ka rin ng moment. Hindi ba talaga pwedeng tumakas sandali? Kahit sandali lang, tapos saka mo na lang ulit ako hulihin. Ganun!" nakabusangot kong saad sa kaniya. Pinitik nito ang tungki ng ilong ko kung kaya natigil ako sa pagsasalita. "Aray! Masakit 'yon ha?!" nakangiwing reklamo ko sa kaniya. "Ang dami mong alam!" Hinila ako nito pabalik sa may sofa. "May klase pa ako, Simon. Kaya paalisin mo na ako. Maraming naghihintay sa akin na gawain bilang scholarship ng paaralang ito. Hindi porke't pagmamay-ari ninyo ang eskwelahan ay aabusuhin ko na rin ang pasok ko sa klase. Hindi ako fan ng absentism and besides, I'm not your girlfriend para kaladkarin mo na lamang parati sa kung saan mo man gustong magpunta," mahabang litanya ko sa binata kasabay nang pagpapaikot ng mga eyeball ko sa mata. "Can you please, shut up?!" Nakatakip ang dalawang palad nito sa kaniyang magkabilang tainga. "Grabe! Napakadaldal mo!" dagdag pang sabi nito na pailing-iling pa ng kaniyang ulo. Lihim naman akong napangiti sa sinabi nito. Sinadya ko talagang daldalan nang daldalan ito upang pabayaan niya na akong makaalis sa lugar na 'yon at tuluyan niya na rin akong lubayan pa. "Sana tumalab!" natatawang impit kong usal sa isipan. "Sad to say, your tactics won't work at me." Dismayadong napatingin ako sa kaniya. "Umamin ka nga, may sa demonyo ka ba kaya nababasa mo ang mga naiisip ko?!" nanliliit ang mga matang tanong ko sa kaniya. "Mukha ba akong demonyo?" balik tanong naman sa akin nito kasabay nang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi. Pinakatitigan ko naman siyang maigi sa mukha. Matangkad, gwapo, malakas ang s*x appeal at higit sa lahat suplado ang mga description na maaari kong ibigay sa kaniya. Sa taglay nitong kagwapuhan ay 'di ko rin siya maikukumpara ng husto sa isang demonyo. "O sadyang ayaw mo lang talaga siya ikumpara sa demonyo?!" bulong naman ng maliit na tinig sa aking isipan. "Maybe!" "Mukha ba akong, demonyo?" pag-uulit na tanong sa akin ni Simon na siyang umuntag sa lumilipad kong diwa. Nakadukwang na pala ito sa aking harapan kung kaya magkatapat na ang aming mga mukha. Langhap na langhap ko ang mabangong hininga nito pati na rin ang mabangong amoy ng pabangong gamit nito sa katawan. Napapikit ako at muling napadilat nang pisilin nito ang ilalim ng baba ko. "Malapit na!" Binelatan ko ito upang itago ang sandaling pagkatigagal na naramdaman ko. Mahinang pinitik nito ang noo ko saka ito tumayo. "Aray! Masakit 'yon ha?! Ba't ba ang hilig mong manakit?!" inis kong saad sa kaniya. "Araw-araw mong linisin ang buong silid na 'to," ani nito sa akin na 'di sinagot ang sinabi ko. "Ano?!" gulat kong bulalas. "Hindi kasama sa duties and responsibility ko 'yan bilang scholar ng paaralang ito," mariing pahayag ko pa sa kaniya. "Well... From now on, kasama na!" nakangising wika sa akin nito. Bagsak ang mga balikat kong napayuko at tila gusto ko ng tuluyang umiyak ng mga sandaling iyon. Biglang pumasok sa isipan ko na walang pirmahan na nangyari sa pagitan namin kaya napangiti ako saka taas noong muling humarap sa kaniya. "Deal! Basta may block and white tayong dokumento. No documents, no signature, no deal between us!" matapang kong pahayag sa binata. "Okay!" tugon naman sa akin nito. "So, pwede na ba akong umalis? Hinihintay na po kasi ako ng susunod kong klase," tanong ko sa kaniya. "Sure!" tipid nitong sagot sa akin na tila walang nangyaring komosyon sa pagitan naming dalawa kanina. Sinipat ko muna ng tingin ang binata at baka biglang magbago ang takbo ng isip nito ay habulin na naman akong muli. Nang mapansin kong hindi ito gumalaw mula sa pagkakaupo sa sofa, dali-dali kong dinampot ang mga gamit sa isang tabi saka mabilis na tumakbo palabas ng silid na 'yon. "Yes!!!" nagtititiling hiyaw ko sa labas ng walang Simon na humabol sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD