C H A P T E R 39 Eicine Lirah's POV Ngumiti ako nang sobrang tamis sa lalaki na nagbebenta sa 'kin ng camera, dito sa mall. Nagpaturo ako sa kaniya, pagkatapos ko bilhin, kung paano ba iyon ginagamit. Nakakainis na Magic Paradise, bakit walang ganito ro'n? Marami pa naman akong pupuntahan na pasyalan, dapat lang na hindi lang sa isip ko maiiwan ang memories. Dapat may litrato rin. "Okay. Salamat!" Natutuwang kinuha ko na ang camera mula sa kaniya at iniwan na ro'n ang box. Excited na akong gamitin 'to sa mga pupuntahan ko pa! Nang paalis na sana ako sa mismong shop ay nagsalita iyong lalaki dahilan para mapahinto ako at lingunin siya ulit. "Miss, wait, puwede bang mahingi ang phone number mo?" Nakangiti siya nang lingunin ko siya. Aba, guwapo pero ano raw ang hihingiin niya? Kinun

