C H A P T E R 7 Third Person's POV Tinignan ng kambal ang babaeng kaharap ni Luke, Payat, may malaking eyeglasses at naka-school uniform pa ito. May mga ahas sa paligid niya na parang mga laruan la'ng na walang buhay, pero sobrang dami. May hawak itong flute na kulay brown. ''Gumagalaw din kayo?!'' gulat na tanong ni Luke kay Eicine at Erris nang makita niya ang mga ito sa ibaba ng malaking stage. Nagkatinginan ang magkapatid sa pagtataka, ''Bakit ba huminto ang lahat—'' Hindi na nila nakausap ang isa't-isa nang marinig na ang pagtugtog ng isang babae sa kaniyang flute. Masakit sa tenga ang musika na nagagawa ng flute na hawak ng babaeng kaharap ni Luke ngayon, kaya pare-parehas silang napatakip ng kanilang mga tenga. ''Argh, bwisit! Anong klaseng tunog ba 'yan, f**k!'' Inis na si

