Pasado alas-syete ng gabi naka rating si Roldan sa lugar kung saan nag tatrabaho si Camille. Habang nasa byahe siya ay tinawagan na niya si Camille kung nakauwi na ba ito sa bahay, At nang marinig niya ang sagot ng babae na nasa ospisina pa sila ng mga katrabaho nila sa dami ng tinatapos na trabaho doon na siya dumiretso. Madalang sa patak ng ulan kung mag over time sila Camille. Maliban nalang kung kinakailanga, kagaya ng gabi na iyon. Kailangan ng buong team nila na ayusin ang opisina at lahat ng mga pending papers ng mga kliyente nila dahil sa lunes ay darating ang area manager upang mag round sa opisina nila. Nang makarating si Roldan sa lugar. Timing naman ang pag andar ng motor ni Carl, At nakasakay roon si Camille. Napatiim bagang si Roldan nang mahagip ng mata niya si Camille n

