Maingat na inihiga ni Roldan ang nahihimbing na si Camille sa Kama nito. Kumuha siya ng damit at boxer short sa closet at inisa isang tangalin ang suot na damit ni Camille upang mapalitan ito. Marahan nitong hinaplos ang pisngi ng nahihibing sa pagtulog na si Camille. " Bakit mine. bakit.. Bakit nag ka ganito ka?" Tanong niya sa sarili. Habang patuloy ang ginagawang paghaplos sa pisngi ni Camille. Ang laki ng pagkakamali na nagawa ni Roldan. Madali itong naniwala sa mga narinig na hindi magandang bagay patungkol kay Camille. Hinusgahan at Pinagsalitaan pa niya ito ng masasakit na salita. Gayon siya naman pala ang unang magiging karanasan nito sa pakikipag niig. Napapikit si Roldan habang inaalala ang bubbly at cheerful personality ng dalaga noon. Na sobra nitong minahal. Ibang-iba sa Ca

