Alexander Lawrence... Mahinang usal ni Jhamaica, Sa pangalan ng lalaking lihim niyang minamahal noon pa man. Ang lalaki na naging dahilan kung bakit siya madalas na nakikipag-hang out sa mga kaibigan sa bar. Lihim niyang sinusundan ang lalaki sa tuwing ito ay magpupunta sa isang bar kung saan ito madalas na pumupunta. Ganoon paman, hindi siya umaasa na matatapunan siya ni kaunting atinsyon ng lalaki. Kaya naman masaya na siya na makita niya lang ito, Umaapaw na ang kaligayahan na nararamdaman makita niya lang ang lalaki. " Hey! Jha, 'diba iyon yong crsuh mo? Look, Oh. May lumilingkis na babae! " Nakanguso na itinuro sa kanya ng kaibigan na si Tanya ang lalaki na kanina pa nila sinusundan. Naningkit ang mga mata niya ng makita ang isang babae na pilit na ikinakawit ang mga kamay sa

