Walang humpay na tunog ng cellphone ni Camille ang kumuha ng atensyon niya habang naghuhugas ito ng plato. Pinunasan nito ng hand towel ang kamay at sinagot iyon. " Hello." Sagot niya. " Oh God, Thanks ate Camille at gising ka'pa. I really need your help. Please!" Tila kinakabahan na sagot ni Jha Jha kay Camille. " Bakit? May problema ba?" " S-si kuya Kasi.. tinawagan ko s'ya nalaman ko may sakit pala s'ya! Uh.. please naman ate baka pede mo'ng paki puntahan si kuya? paki bilan mo na rin s'ya ng gamot at any liquid food, For sure hindi pa 'yun nakaka-kain. Hay naku. Kung hindi ko pa tinawagan hindi namin malalamam na may sakit pala s'ya. Kahit kailan napaka-malihim." " Okay, sige. Pupuntahan ko ang kuya mo." " Talaga ate? Maraming-maraming salamat. Send ko nalang sa'yo ang ad

