Nang magisig si Camille kinaumagahan ay hindi na nito nakita si Roldan sa loob ng maliit nilang kwarto. Bakit nga ba sumagi sa isip niya na mabubungaran pa niya ang lalaki sa umaga na iyon? Natural umuwi iyon kagabi. Paano naman sila magkakasya sa maliit na kama nila? Isa pa panigurado uuwi at uuwi iyon sa asawaat anak nito. Biglang nanikip ang dibdib ni Camille at tila nahihirapan siyang huminga. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya. Ang dumating ang tagpong ito para sa anak niya.. Ang makihati sa pamilya ni Roldan. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang mga bagay-bagay. Wala pa itong kamuwang-muwang sa mundo. Bakit ba kasi kung kilan nasa maayos na sila kalagayan ng anak saka naman biglang sumulpot ito. Humugot siya ng malalim na buntong hininga at tinignan ang natutulog na anak.

