CHAPTER FORTY ONE-Personal Life- SLEVIN's POV PAPUNTA NA AKO ng Hotel ni Brace, doon kasi kami magtitipon dahil sa mayroong mahalagang pag-uusapan. Wala akong ideya sa kung anong mapapag-usapan sapagkat utak na naman lahat ito ni Sebastian. Sa aming magkakaibigan siya ang parang tumayong lider namin. Siguro dahil nasa kanya ang kakayahang mamuno ng grupo. Siya rin kasi ang dahilan kung bakit kami nabuo. Matatandaan na sa isang Bar kami unang nagkita't nagkasamang lima. Iyon din ang simula ng pagkakaibigan namin hanggang sa nakilala namin ang dalawang sina Gael at Elly sa magkaibang sitwasyon. Tandang-tanda ko pa noon kung paano makipagbasag-ulo si Elly na kami mismo umawat. Binastos lang naman kasi iyong kasama niyang babae. Ayon sa kanya, pinakamamahal niya iyon pero makaraan lamang n

