Chapter 18: Sovereign Clan GREEN HINDI ko alam kung bakit sobrang ganda ng gising ko ngayon. Para akong minasahe nang sobrang sarap dahil sobrang gaan ng aking pakiramdam ngayon. Parang isang drum ng holy water ang dumaloy sa 'king isipan upang linisin ang sari't saring dumi na nanalaytay rito. Pakiramdam ko ang ganda ko today. Walang problemang iniisip, walang ingay na gumising sa 'kin. Tapos ang lambot ng higaan ko. "O my gosh," pikit mata kong wika na nakahiga pa rin hanggang ngayon. Gusto ko kasing sulitin itong napakalambot na kama. Wala nang kasinglambot pa, even the most expensive bed na binili nila Mom, and Dad para sa 'kin no'n ay hindi kayang talunin ng kamang ito. Kung sinuman ang may-ari sa kamang ito'y salamat. "Sana gan'to na lang palagi," nakangiti kong bulong habang y

