WHG 13: Promise

690 Words

"Sure kang ayos lang na sumama ako dito?" Nahihiya kong tanong kay Jeremy habang mag kaharap kaming nakaupo. "Ayos lang. Ano ba order mo? Masarap dito." Ngisi niya sakin. "Eto na pala ang paborito kong customer eh. Ano yu--" "Tito!" Gulat akong napatayo ng makita ko si Tito. Ang papa ni Jeremy. "Umupo ka." Utos sakin ni Jeremy kaya naman napa upo ako agad. "Sinama mo pala si Jem." Nag aalangan na sabi sakanya ni Tito. "Oh. Gusto niya raw kasing sumabay sakin ngayon umuwi." Paliwanag niya lang. Nginitian naman ako ni Tito kaya nginitian ko din siya. "Ano order niyo?" Ngisi ni Tito habang hinahanda ang kanyang panulat at papel. "Yung parati ko nalang na ino-order. Ikaw Jem?" Biglang tingin sakin ni Jeremy. "AH! Ako. Ano. Yung ganun nalang din sayo." Kinakabahan kong sagot sakanila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD