WHG 04: Concert

809 Words
Matapos ang klase. Sinubukan kong kausapin si Jeremy pero abala na siya sa mga barkada niya. Napasunod nalang tuloy ako kila Marie ng hatakin na nila ko. Mabilis kaming nag bihis sa bahay nila Marie at nag pahatid sa concert ng Dark Angels. Pag dating sa concert hall, napakadami ng tao kahit maaga pa. Nilabas naman nila Sara yung mga ginawa naming banner at mga pailaw para mamayang gabi. Pinilit ko nalang kalimutan yung sinabi ni Jeremy sakin at nag pakasaya sa concert. Nakisigaw ako sa bawat pag kanta nila at nakitili na din kahit na ang totoo wala naman talaga akong bias sakanila. Pero yung gabi na’to, kakaiba. Pinikit ko pa ang mga mata ko at humingang malalim habang nag coconcentrate sa kanta at sa mga taong humihiyaw. Tinaas ko ang kamay ko at winagayway ‘yon. Naisip ko na minsan kailangan ko ring isipin ang sarili ko. Na hindi ko kailangang ibaon ang sarili ko sa kakaisip kay Jeremy. Na minsan lang kailangan ko din ‘tong kakaibang saya. Kasama ang ibang tao at malayo sakanya. Napadilat na ko ng magulat akong tapos na ang concert. Pero hindi ko mapigilang mapangiti at matuwa kahit na papalabas na kami ng concert hall. "Natapos ang buong concert ng hindi manlang natin sila nalapitan!" Asar na sabi samin ni Sara habang nag hihintay kami sa labas ng concert hall. "Asan na kaya yung kuya mo Marie?" Bulong ko kay Marie habang nanginginig nako sa ginaw. Kung ganun padin si Jeremy sa dati. Alam niyo ba? Siya pa ang susundo sakin dito at dadalan pa ko nun ng jacket at bonet. Pero hindi eh. Kahit ganun yung sinabi niya sakin. Hindi siya mawala sa isipan ko ayoko kasing mawala na siya ng tuluyan. AYOKO. "Anjan na din 'yon. Baka na traffic lang." Sagot niya naman sakin habang tumitingin sa screen ng phone niya. "Etong si Sandra talaga ang may kasalanan ng lahat eh. Winala niya yung backstage passes natin!" Naiinis na sabi ulit ni Sara habang nakatingin kay Sandra ng masama. "Guys wag na kayong masisihan ok? Ayos lang 'yon atleast nag enjoy tayong apat." Pag papahinahon ni Marie sakanilang dalawa. Si Marie ang pinaka mahinahon saming apat. Si Sara naman ang pinaka marahas. Halata ba? Haha. Si Sandra naman ang pinaka tahimik samin at ako? Kilala niyo naman ako ^-^ Ako ang pinaka makulit minsan pasaway sa grupo. "Sayang kasi sana nakita ko na si My loves Yumi!" Nang hihinayang na sigaw ni Sara. Kaya naman di ko napigilang matawa. "Uy ikaw Jem? Sino ba ang bias mo sa Dark angels?" Biglang tanong sakin ni Sara ng makita niya kong tinatawanan siya. "Ako? Si Kenneth?" Sagot ko habang nag iisip pa. Bigla naman silang natawa sakin. "Bakit patanong ang sagot mo?" Tuwang tuwa nilang sabi sakin. Kaya naman namula ko. Pano ko sila sasagutin? Tanging si Jeremy lang naman ang hinangaan ko mula nung mga bata pa kami. Magaling din siyang kumanta at sumayaw. Titingin paba ko sa iba? Si Jeremy lang parang idol na. "Eh sumama lang naman ako sainyo dito." Angal ko sakanila habang nakayuko. Makikita kasi nila ang pamumula ko at sigurado ako lolokohin lang nila ko. Mga may saltik man sila. Mahal ko silang tatlo. Sila ang naging sandalan ko ng layuan ako ng tuluyan ni Jeremy. Kaya kahit anong mangyari walang iwanan! Halos mag uumaga na ng dumating ang kuya ni Marie. Pero bago 'yon nagulat kaming apat ng may bigla nalang bumagsak saking harapan na lalaki. Agad kaming nabuwal na dalawa. Sa sobrang gulat ko hindi ko alam ang gagawin.  "Ang bigat niya." Bulong ko habang pilit siyang itinatayo. "Omg best!"  "Kuya dali tulungan mo sila." Nag aalala nilang sigaw. Agad namang nag kagulo ang lahat. Nagulat kami ng paligiran kami ng mga guard. Pinalayo niya sila Marie at biglang lumabas mula sa loob ang mga Dark Angels. Agad na nag hiyawan ang lahat. "Kenken? Ayos kalang?" Biglang lapit samin ng isang member nito. Ang pag kakaalam ko ang pangalan niya ay Yumi. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Ang gwa-gwapo ng aking mga nakikita. Bigla akong namula ng mag kamalay ang lalaking nakapatong sakin at tumingin sa mukha ko. Napaka lapit niya. Amoy na amoy ko ang kanyang pag hinga. Agad nila itong tinayo at humingi ng pasensiya sa nangyari. Inalalayan nila ito papasok muli ng concert hall. Habang nag hihiyawan ang lahat, wala akong marinig na kahit isa sa kanila kung di ang t***k lang ng puso ko. Di ako makapaniwala sa nangyari. Parang ayaw mag loading nito sa utak ko. Habang tinitignan ko ang unti unti nilang pag pasok sa hall, habang nakatingin ako sa lalaking hinimatay. Biglang nag balik sa alaala ko si Jeremy. Si Jeremy na malambing at prinsipe ko. Kung nandito siya. Sigurado hindi niya pababayaan na malapitan ako ng ibang lalaki. First time sa buong buhay ko na malapitan ng ganun kalapit ng ibang lalaki. Ngayon ko lang naramdaman itong kakaiba na pakiramdam. Parang gustong kumawala ng puso ko sa sobrang pag t***k nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD