JEMERY POV "Jem naman. Alam kong nahihirapan ka dahil wala akong oras sayo pero sana naman wag kang mag hanap sa iba ng attensiyon." Sigaw niya sakin habang galit na galit. "Jeremy hindi ako nag hahanap ng attensiyon ng iba. Ang gusto ko lang attensiyon mo pero sa ibang babae mo pa binibigay." Galit kong sagot din sakanya. "Jem di mo ba maintindihan? Mag kaibigan lang kami ni Dyan." "Mag kaibigan lang din naman kami ni Kenneth." "Ah talaga? Buti kung di ko alam na may gusto siya sayo maniniwala pa ko." Pabalang niya nanamang sabi sakin. "May asawa na si Kenneth." Madiin kong sagot. "Kahit na. Ayoko parin siyang nakikitang kasama mo." "Ayoko ding kasama mo si Dyan." "Ibang klase. Iba kasi yung sitwasyon natin Jem. Si Kenneth may gusto sayo dati pa. Si Dyan kaklase ko lang." Paliwanag

