JEMERY POV "Ahh..." Sabay naming pag sang ayon ni Mindy sa kwento ni Kenneth. Napabusangot nalang tuloy ako. "Maganda naman talaga siya. Wala akong laban. Tignan mo naman ako. Kapangit pangit ko." Napayukong bulong ko sakanila. "Alam mo kulang ka lang sa ayos. Maganda ka naman. Isa pa, hindi ka naman siguro magugustuhan ni Kenneth kung di ka maganda diba?" Sarcastic na sabi ni Mindy kaya naman nailang ako bigla. Dapat pala maging maingat ako sa mga sasabihin ko. Nakalimutan ko na sila parin pala yung dating Kenneth at Mindy. Kahit pa ka-close ko sila. JEREMY POV "Saan naman daw po siya makikitulog?" Alalang alala kong tanong kila Tita. "Sa kaibigan niya lang daw. May gagawin lang daw silang thesis." KENNETH POV "Hindi mo na dapat sinabi 'yon. Mag kakailangan lang tayo dito." "Baki

