“MYLA Camille Tuazon, right?” ang nakangiting sabi ni Christopher. “A-ako nga.” Ang nagawang sabihin ni Myla. Hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ngayon ang greatest crush niya noong nasa kolehiyo pa siya. Sa dami ng taong wala siyang balita rito ay bigla na lamang pala niya itong makakasalubong at sa probinsiya pa nila. But something was definitely different. Kung noon makita pa lamang niya ito ay pinamumulahan na siya ng mukha, ngayon ay hindi na ganoon ang epekto nito sa kanya. She must have passed through that stage when she still blushes because of her crush. She grew up afterall. Ah kaya ba ilang beses ka na rin nahuling nagblush ni Darwin? Pangungulit ng makulit na bahagi ng utak niya na agad naman niyang pi

