ARIANA'S POV "Ano? Inimbitahan niyo po si Jerome na pumunta dito sa bahay? Nay naman!" Muntikan ng mahiwa ang kamay ko ng kutsilyo pagkarinig ko sa sinabi niya. Naghihiwa kasi ako ng mga rekado para sa lulutuin naming lumpia mamaya. My mother celebrated her 50th birthday and we decided na maghanda ng kaunting salo salo sa bahay. Si Valerie lang ang inimbita ko kasi siya lang naman ang matalik kung kaibigan pero si nanay, tinawag niya pa ang mga partners niya sa sugalan at chismisan para makikikain mamayang gabi. Nung nabuntis si ate ay isa si nanay na nangunguna sa pagpapakalat ng chismis tungkol dito. Mabuti na lamang at strong independent single mom ang ate ko at nakayanan niya lahat ang pangungutya sa kanya. "Nagkasalubong kasi kami kahapon sa mall habang namimili ako ng dami

