CHAPTER 4

1481 Words
ARIANA'S POV I received a call from unknown number at ang sabi niya ay nasa kanya daw ang school ID ko. Nagtaka ako bakit nalaman nito ang number ko. Ang nakalagay sa "contact in case of emergency" ko ay si ate. Baka tinawagan niya si ate at hiningi yung number ko. I disregard my thoughts, whatever it is basta makuha ko lang ang Id ko ay okay na. Pumayag akong makipagkita sa kanya sa Grey's Bar. It's Friday naman at fortunately wala akong pasok this weekend. Habang nasa biyahe ako, nakatanggap naman ako ng text mula sa kanya. "Hey! Meet me at the park I will send you the address" Mabuti na lamang at di kalayuan ang park na yun sa Grey's Bar. Pagkababa sa bus, naisipan niya nalang maglakad papunta sa park. Di ko maiwasang mamangha. Malawak at napapalibutan ng mga puno at bulaklak ang lugar. Maraming benches at sa gitnang bahagi makikita ang fountain. Sa gilid naman ay merong mga food stalls. I decided to call the unknown number kasi ayoko naman magpagabi sa lugar na ito at baka pagalitan na naman ako ni nanay. Medyo may kalayuan kasi ito sa bahay namin. Isang ring palang, sinagot naman nito ang tawag niya. "Hello? Andito na po ako sa park. Saan na po kayo?" magalang kung sabi. "At your back" Ng lumingon ako sa likod halos mabitawan ko na ang hawak hawak kung cellphone. Sa harapan ko ay isang lalaki na napakatangkad, matangos ang ilong at ng mapatingin ako sa mga mata nito, halos malunod nako kakatitig dito. He got a deep blue eyes. "Are you okay Ms. Montalban?" he said. Nakita siguro nito na napatitig nalang ako sa kanya. "Huh? Ahh.. Hmm yes y-yung I-Id" nauutal ko pang sabi sa kanya. I felt ashamed dahil halatang tumulo ang laway ko pagka kita sa kanya. Di ko aakalain na meron pa palang isang greek god na nabubuhay sa mundo. "but your face seems familiar parang nakita na kita before?" I added. Parang nakita ko na kasi yung mukha niya dati bukod dun sa nangyari sa bar dahil wala talaga akong maalala. "Miss, this is only our second encounter so kung sino man yung nakita mo ay di ako yun!" may halong pagkairita na sa boses nito. Tumahimik nalang ako at iniisip kung saan ko siya nakita. Bigla naman itong nagsalita but this time may pilyo na ang mga ngiti nito. "Before I give you your ID, you have to pay me first young lady." Napalunok naman ako sa sarili kung laway dahil wala talaga akong pera. Umaasa palang ako kay Nanay at tiyak pagagalitan ako nun kung hihingi ako ng pera. "How much po ba?" tanong ko. "10,000" he said. "Ah-ah, kuya studyante pa lang po kasi ako. Lasing po ako at wala akong natandaan. Pero don't worry po babayaran ko po kayo if nakahanap nako ng part time job. Promise po! pàsensiya na po sa distorbo nung gabi na yun." mahaba kong paliwanag sa kanya. Nagpalakad lakad ito habang ako patuloy pa rin sa pagyuko dahil sa sobrang hiya. "I can offer you a job if you like." "Po? Ano po iyon"? Tumingin ako sa mga mata niya. Di ko talaga maiwasang titigan nalang siya kahit buong araw pa. "Stop staring at me young lady! I am not interested in you" "Ah--- sorry. Gwapo mo kasi." mahinang bulong ko pero nakita kung tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa. Di ko tuloy maiwasan na kabahan sa ginagawa niya. "You are perfect" Halos masamid ako sa kinatatayuan ko sa narinig. Ibig sabihin ba nito ay attractive din ako sa paningin niya? Di ko maiwasang kiligin sa naisip ko. "Be my wife" sambit pa nito. Napaubo naman ako sa tinuran nito sabay tawa with disbelief. Di lang ako makapaniwala na ako ang mapipili niya. "Bakit ako?" "Gusto mong bayaran yung utang mo sakin diba? Don't worry lady, it's only a 2 years contract and after that we can divorce. P100,000 monthly. Do the calculation nalang kung magkano makukuha mo for 2 years" "Pag iisipan ko pa. I am still a student and next year pa ako g-graduate." "Then, pretend to be my fake girlfriend for the mean time. Ipapakilala muna kita kay Dad then after you graduate, let's get married." "Woohoo teka lang po ah, bakit ka po nagmamadali. Kasal po ang pinag uusapan dito. Di ko pa nga alam ang pangalan mo." sabay irap ko sa kanya. Di ko mapigilan ang nagbabadyang inis sa lalaking ito. Napaka presko kung umasta. Di porket na gwagwapuhan ako sa kanya ay agad nalang akong papayag sa mga pinagsasabi niya. "I am Dylan Lexus Grey." "Okay nice to meet you Mr. Grey I am Ariana Mae Montalban." Tinaas ko ang kamay ko para kamayan siya pero tinitigan niya lang ito. "I know" maikling sagot nito. Talaga namang lalaking to! Naaasar na talaga ako sa kanya! Parang nawala bigla yung paghanga ko at napalitan ng inis. "So, can I get my Id now?" tanong ko nalang pag iiba ko ng topic. "After our meeting with my Dad. I'll pick you up at your house this Sunday. Send me your address later." Tumango nalang ako. "By the way, thank you po pala dahil inuwi niyo po akong safe at di niyo po pinagsamantalahan ang kalasingan ko" "Ah- y-un b-a ? you're welcome" Nagpaalam na ako sa kanya. Di ko maintindihan bakit siya nauutal ngayon. Umalis na ko't di ko na siya nilingon pa at tuloy tuloy nako sa paglalakad hanggang sakayan ng bus. Pagkadating ko ng bahay, wala si Nanay at Macey. Tumuloy nalang ako at dumeretso sa kwarto upang makapagpalit ng pambahay. Pagkababa ko nakita kong tambak pa ang mga hugasin at wala man lang sinaing at ulam. Ano kayang nangyari bakit parang wala man lang nag asikaso sa bahay. Nakapagsalang nako ng kanin at sinimulan ko na din ang paghuhugas ng pinggan ng biglang may nagbukas ng pinto. Si nanay, hawak hawak niya si Macey na umiiyak! "Puny*ta ka talagang bata ka! Sana di nalang kita dinala! Napakamalas mo!" Agad agad akong lumapit sa bata at kinalong ko siya sa mga bisig ko. "Nay ano na naman po bang nangyari!" "Yang bata na yan! Iyak ng iyak! natalo tuloy ako sa sugal! Bwes*t patahimikin mo yan!" "Nagsusugal na po kayo ngayon Nay? Ginastos niyo po ang budget natin? Nay naman!" Naiiyak nako dahil naaawa nako kay ate, siya na ang nagtataguyod sa amin simula ng nawala si tatay. Lagi itong nag oovertime sa trabaho at di na natutukan ang anak nito. "Wag kang mag alala dahil malapit na ang sahuran ng ate mo! Malaki laki ang makukuha nun! Kaya tumigil kana dyan Ariana dahil sumasakit ang ulo ko sayo! Tirhan niyo nalang ako ng ulam ah!" At bigla nalang itong umalis sa harap namin. Labis akong naaawa kay Macey, nakita ko ang mga bakas ng kurot ni nanay sa balat ng bata. Wala pa kasi si ate at lagi nalang itong nag oovertime sa trabaho. "Shshshhs wag ka na umiyak baby! Are you hungry"? Tumango ito habang patuloy pa din sa paghikbi. "Okay okay, cook lang si Tita ng ulam for you okay"? Tumayo ako't kinuha ang isang chocolate sa bag ko. "Here oh baby, eat this for awhile habang di pa naluluto ni Tita ang pagkain natin". Sambit ko sa bata para tumigil na ito sa pag iyak. Binalikan ko yung hinuhugasan ko at ng matapos nako ay ginisa ko ang dalawang sardinas, nilagyan ko nalang ng malunggay para kahit papaano ay may makuha kaming sustansiya. Saktong pagkaluto ko ng ulam ay dumating si ate. May dala itong apat na fried chicken. Nakita ko si ate na napaiyak ng makita nito ang mga sugat ng anak niya. Tahimik siyang kumuha ng oil treatment at pinahid sa balat ni Macey. "Anak, I'm sorry ha kung walang magawa si Mommy. Wag kang mag aalala kakain tayo sa labas okay pag may sahod na ko hmm" tumulo na ang luha nito at nasasaktan din ako habang nakatingin sa kanila. "Ate, kain muna tayo. Macey, come to Tita Baby." Lumapit naman ang bata at nagsimula na itong kumain. Sa murang edad ay napaka independent na nito. Marunong na siyang kumain ng di man lang sinusubuan. "Ate, pag nakapag trabaho nako. Tumigil ka na muna sa trabaho. Alagaan niyo nalang po si Macey at ako na po bahala sa bills natin" "Salamat bunso!" sambit nito at pinahid na ang mga luha. Pagkatapos kumain at magligpit, umakyat nako sa kwarto ko. Nakahiga na ko ng bigla kung maalala ang sinabi sa akin ni Dylan. E tetext ko kaya ang address namin? nag dadalawang isip pa ako pero at the end pumayag na din ang isip ko. Just fake girlfriend lang para makuha ko na ID ko. After ko naman siguro maka graduate for sure makakahanap din agad ako ng magandang trabaho. wika ko sa isip hanggang sa makatulog nako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD