ARIANA Hindi maipinta ang mukha ni Dylan ng marinig niya na sa bahay muna namin ang bata. Nakakunot pa ang noo nito't napapakamot pa sa batok. Palakad lakad na parang may gusto itong sabihin sa amin pero pinipigilan lamang niya ang sarili. Lumapit ako sa kanya para alamin kung ano bang bumabagabag sa kanya. "Dy, anong nangyayari sayo? Mukha kang natat*e diyan." asar kung turan sa kanya pero nanatili lamang itong seryoso. "Why did u agree na sa atin muna ang bata?" bulong pa nito sa akin. "Bakit? anong problema dun Dy? ikaw na nga nagsabi na magaan ang loob mo sa pamangkin ko" pigil ang tawa kung tanong sa kanya. Tila ba alam ko na kung bakit ito tutol na sa bahay muna namin ang bata pero mas gusto ko kasing sa bibig niya mismo manggaling iyon. "Look, we can hire a nanny for her t

